The Mash-up

138 4 0
                                    

     Hinang-hina ako at pakiramdam ko pasan ko ang ilang kaban ng bigas na nakapatong sa akin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nasilaw ako sa puting ilaw ng kisame habang pakiramdam ko ay nakahiga ako sa gumagalaw na kama. Naaninag kong hinahaplos ni Misty ang mukha ko. Naririnig ko ang boses ni Tracy.

     "Bes, okay ka lang? Okay ka lang? Please remain conscious, nagaalala kami sa iyo," turan ni Tracy.

     Biglang nag-black out ulit ako.

*******
     "Breaking News! Two persons were found unconscious in Quezon City during the Total Solar Eclipse phenomenon. Witnesses and friends have noticed the sudden collapse of these two individuals in the middle of the event while everyone was busy looking at the sky. They were brought to the nearest hospital. Luckily, the doctors confirmed that they were in stable conditions."

*******

     Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Pagmulat ko ay alas-sais na nang umaga. Dali-dali akong bumangon. Pagtingin ko ay nasa bahay na ako. Dahan-dahan akong naglakad pababa, pinakikiramdaman ko ang paligid. Pagbungad ko sa sala ay walang tao. Inikot-ikot ko ang aking paningin, hanggang may naaninag akong tao sa may kusina. Dahan-dahan akong lumapit.

     Hindi naman ako kinakabahan dahil sa isip-isip ko ay baka si Mama iyon at nagluluto. Pagtingin ko ay nakita kong nagulat na napatingin sa akin si Mama. Nabitawan niya ang ginagayat niyang kamatis at nangingilid sa luha ang kaniyang mga mata. Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

     "Salamat sa Diyos at nagising ka na Jenny." Lalong humigpit ang yakap ni Mama habang ako'y punong-puno ng pagtataka.

     "Ma, hindi ako makahinga." Dahan-dahan ko namang tinatapik ang likod ni Mama.

     "Sorry anak. Tuwang-tuwa lang ako at nagising ka na. Saglit lang at tatawagan ko ang Papa mo."

     "Wait! Bago mo po tawagan si Papa, ano ba nangyari? Ba't nandito ako sa bahay, e, nasa field trip ako 'di ba? Nananaginip ba ko?" Sunod-sunod na tanong ko.

     "Jenny, 2 days ka nang natutulog. Tumawag ang school representative n'yo at sinabi ngang nag-collapse ka at nasa ospital ka kaya napilitan kami ng Papa mong lumuwas sa Maynila para sunduin ka," paliwanag ni Mama.

     "Huh? Seryosa ka Ma?" tugon ko dahil sa pagkagulat.

     "Mabuti na lang at okay ka. Wala ka bang iba pang nararamdaman? Baka may masakit sa'yo? Ang sabi naman ng doctor stable ka na," pag-aalala ni Mama.

     "Ang totoo Ma, medyo masakit pa ang ulo ko. Hindi ko alam kung panaginip ba 'yon pero parang nagising kasi akong hinahaplos ni Misty ang pisngi ko, pagkatapos no'n wala na 'kong maalala."

     "Tumawag nga rin mga kaibigan mo at ikinuwento ang nangyari. Sa katunayan nga, nandito sila kagabi nagbabakasakaling nagising ka na. Sige, maupo ka muna riyan at tatawagan ko ang Papa mo."

     "Nasaan po 'yong phone ko? Tatawagan ko sila Misty."

     "Nando'n sa kuwarto mo. Sa may side table ng bed mo," sagot ni Mama.

     "Okay, akyat muna ako para kuhanin ko. Matawagan nga mga friends ko para malaman ang nangyari. Pero ang weird ha!"

     Umakyat ako sa aking kwarto. Nakita ko nga ro'n ang smartphone ko. Binuksan ko ang aking cabinet para tingnan kung nando'n ang aking maleta. Nakita kong naroon nga ito. Pagkuha ko ng phone ay binuksan ko ang aking inbox. Ang daming messages at lahat ay kinukumusta ako. Naisip kong tawagan si Misty.

     "Misty, kumusta?" bungad ko.

     Narinig ko na lamang na nagsisisigaw si Misty sa kabilang linya, halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng tili niya. Nagsalita naman si Tracy at sumunod si Grace. Pagkatapos..

Finding Harry (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon