The Solstice II

95 5 0
                                    

Harry's point of view

     Agad na napahikab ako nang marinig ko ang alarm clock. Pagdilat ko ng aking mata ay saka ko pinatay ang alarm clock. Alas-sais na pala ng umaga. Halos nakapikit at hindi ko maibukas ng buo ang aking mata sa sobrang antok. Pinunasan ko ng aking kamay ang aking mata bago dumilat at sabay nag-unat ng katawan. Walang ano-ano'y, nalaglag ako sa kama.

     "Ouch!"

     Dahan-dahan kong inangat ang aking katawan at puno ng pagtataka dahil malaki at maluwag ang kama ko. First time kong malaglag sa aking higaan. Nang medyo naalimpungatan ako ay laking gulat ko nang nakita kong nasa ibang bahay ako. Kulay pink ang kulay ng buong kuwarto. Mabilis akong bumangon at tumayo. Tiningnan ko ang buong paligid. Hindi ko matandaan kung bakit nandito ako sa kuwarto na ni minsan ay 'di ko pa nakita in all my life. Hindi rin naman ganito ang kuwarto ni Abigail. At lalong hindi ko naman kasama sila Mikoy or anyone na naghang-out kagabi.

     "Seriously? Pink!" Sabi ko na may halong pagkasarkastiko. "What a childish taste!"

     Pagtapat ko sa closet na may salamin ay tumambad sa akin ang isang dalaga. Nakasuot ng pink na lingerie.

     "Woah!" nanlaki ang aking mata at halos pumasok ang mukha ko sa salamin sa pagkabigla. Bigla kong kinapa ang dibdib at ibabang parte ng aking katawan.

     "What in the world just happened? Since when did I become a w-woman?" sa isip ko. Natuon ang pansin ko sa aking dibdib. Parang feeling ko ay ang bigat ng dibdib ko. Dahan-dahan kong hinawakan ito.

     "Hmm, so this is how it feels." Magkahalong mangha at pagtataka habang nakapikit ang aking mga mata.

    Nakaramdam akong nang pananakit sa bahagi na aking puson. Bago lamang sa akin ang pakiramdam na 'to. Pagtaas ko ng lingerie ay may nakapa akong parang pad sa ibabang bahagi ng panty. Pagbukas ko ng aking underwear ay isang nakasusulasok na amoy at dugo ang naamoy at nakita ko. Ganito pala ang may period. Mayamaya ay napalitan ito ng amoy na para bang may nilulutong masarap na pagkain. Kahit medyo masakit ang puson at ang aking pangangatawan ay nagawa kong buksan ang pinto, hindi ko alintana ang suot ko dahil sanay naman akong nakahubad kahit sabihin kong nasa ibang katawan ako.

     Bumaba ako papuntang kusina para tingnan ang pagkain. Maluwag ang tinitirhan ko kaya hindi ako kumportable sa mga isolated spaces. Naninibago akong hindi makakita ng maids gaya nang kinalakhan ko. Nakita kong may isang babaeng nagluluto sa may kusina. Nakatalikod ito at may kung anong piniprito.

     "Maybe, she's the mom," sa isip ko. Napansin niya akong nakatayo malapit sa may dining table.

     "Good Morning! Ba't hindi ka pa nagpalit ng pantulog mo? Ayusin mo nga sarili mo nakikita 'yang bra mo," utos ng babae.

     "It's okay, there's no man around," sagot ko habang nakasulyap sa aking paligid.

     Biglang tinapunan ako ng sarkastikong tingin ng babae.

     "What's for breakfast, Mom?" habang pinakikiramdaman ko ang reaksyon niya.

     "Okay ka lang ba, anak? May sakit ka ba?"

     "I fell on my bed, my right arm hurts a little, but it's okay," paliwanag ko.

     Tiningnan lang muli ako ng babae na mukhang nagdududa.

     "Huwag mo nga ko in-e-english at umagang-umaga pinagno-nosebleed mo ilong ko."

     "Why? Was it supposed to be a problem?" Biglang naalala kong nasa ibang katauhan pala ako. "Sorry?" humingi agad ako ng pasensiya sa mommy ng katawan na ito.

Finding Harry (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon