The Solstice I

110 4 0
                                    

     Isang araw, isang tawag ang nagpagising sa akin na kaagad namang tinugon ko.

     "Yes, who's this?" sagot ko na may halong pagkairita.

     "Kilala ba kita? Umagang-umaga nagpa-prank call ka. What? Sino si Harry? P'wede mamaya ka na lang tumawag? Bye!"

     Napabalikwas ako sa kama. Nagulat ako dahil nasa ibang kuwarto na ako. Tumingin ako sa paligid, na-realized kong nasa kuwarto ako ng lalaki. Bigla akong kinabahan, bigla kong naisip kung pinagsamantalahan ba ako dahil pakiramdam ko'y wala akong saplot. Pumasok sa isip ko ang pangalang Harry. Alam kong wala naman akong pinuntahan kagabi.

     Napaupo ako sa kama habang hawak-hawak ko ang comforter sa dibdib ko. Pagkapa ko ay napansin kong wala akong dibdib. Pagtingin ko'y dibdib ng lalaki na may 6-pack abs ang bumungad sa akin. Na-shock ako at hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin. Kinapa ko ang mukha ko at dali-dali akong tumayo patungo sa pinakamalapit na salamin. Bumungad sa akin ang naka-boxer short na tisoy na lalaki.

     "What the!" Gulat ang mukhang nakikita ko sa salamin. "Ako ba 'to?"

     Agad kong sinampal ang pisngi ko.

     "Ouch! Ang sakit, ako nga ba talaga 'to?" Pinagmasdan ko ang manulamula kong pisngi.

     Pinagmasdan ko rin ang aking sarili sa harap ng salamin. Pinisil ang hulma ng muscles sa aking braso maging sa aking abs. Kinakapa-kapa ko ang aking mukha at bigla akong nairita nang makapa ko ang kaunting bigote at balbas sa aking mukha. Hindi ako sanay sa pakiramdam na gano'n. Tiningnan ko ang aking kilay. Medyo nag-panic ako at mabilis na naghanap ng tweezer sa cabinet.

     Natauhan na lamang ako na lalaki nga pala ako. Bumalik ako sa harap ng salamin, napansin kong may umbok sa baba ko. Sa pagitan ng aking dalawang hita. Dahil curious ako at nakaramdam ng bahagyang init ng katawan lalo na sa bahaging iyon ay dahan-dahan kong kinapa ang umbok. Nagulat ako. Ganito pala ang lalaki. Dahan-dahan kong tiningnan at pinasok ko ang aking kamay sa loob ng boxer short ko at agad nanlaki ang mga mata ko. Punong-puno ng kaba habang hinahawakan ko parteng iyon.

     Mayamaya ay may kumatok sabay bukas ng pinto at nakita kong titig na titig ang isang may 40-year old na matandang ale habang hinahawakan ko 'yon.

     "Jusmio!' bulalas ng ale. "Umayos ka nga Harry."

     "Ah, hehe! Pasensiya na?" Namumula at hindi maipinta ang mukha ko. "Harry? Ako si Harry?" sabay turo sa sarili ko.

     Biglang kumunot ang noo ng ale.

     "Naka-drugs ka ba? Sino pa bang Harry dito este Sir Harry dito maliban sa'yo?" paliwanag nito.

     "Nasaan ba ako? Sino po ba kayo?" Patuloy pa rin na naguguluhan ako sa sitwasyon.

     "Naku, tigil-tigilan mo ako sa acting mo, a. Ako ang Yaya Alicia mo ha! Bilis na at hinihintay ka na ng parents mo sa hapag-kainan."

     Nilapitan ko siya at tumingin ng eye to eye sa kaniya. Hindi pa ako nakuntento ay mas inilapit ko pa nang malapitan. Nakakunot pa rin ang noo niya.

     "Wala ba kayong napapansin sa akin?" tanong ko.

     "Wala naman, maliban diyan sa amnesia drama mo. Sige na, maligo ka na at kumain ka na. May lakad pa kayo ng mommy mo." Inilapat nito ang hintuturo niya sa noo ko at idiniin nang bahagya sabay talikod at umalis.

     "Hay naku, ang mga kabataan nga ngayon, ang daming gimik," dagdag ni Yaya Alicia habang paalis sabay sara ng pinto.

     Tumingin ako sa paligid para hanapin ang closet. Minimalist ang room. Kaunti lang ang gamit at hindi masyadong magarbo para sa isang lalaki. Wala akong mahagilap na cabinet bukod sa side table, maliit na sala set, malaking flatscreen tv, full-size mirror, tatlong pintuan at isang transparent na glass door na tanaw ang balkonahe. Katabi ng sofa ay isang mini bar na may ilang mamahaling alak. Mayroon naman display cabinet na sa tingin ko ay laman ang koleksyon ng nagmamay-ari ng silid. Nagtungo ako upang buksan ang pinakamalapit na pintuan. Pagbukas ko ay nalula ako sa nakita ko. Isang walk-in closet ito na nakikita ko lamang sa mga drama sa telebisyon at mararangyang pamilya. Laman nito ay mga mamahalin na damit, jerseys, sapatos at mga caps tipikal sa koleksyon ng isang lalaki.

Finding Harry (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon