S22 - #IWLYUTheBreakUp

2.5K 106 3
                                    


      Nang magising si Rhian, sila Vice at Katrina lang ang nakita niya sa loob ng kwarto.

      "Glaiza?" pagtawag niya sa pangalan ng kasintahan.

      "Rhi kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Vice.

     "Ate si Glaiza nasaan siya?"

     "Ayon nasa labas inaayos yung bill mo, sabi ko nga ako nalang magbabayad at mag aasikaso. Hindi siya pumayag siya nalang daw, hay naku Rhi malamang masama ang loob non sayo at sa nangyari." - Katrina

      "Malamang, buti nga't daplis lang sa balikat ang tama mo. Kung natuluyan ka kawawa si Glaiza, dadalhin na namin siya sa Korea at isasakay ng Train to Busan." - Vice

      "Naku Rhi next time kasi makinig ka naman sa amin, ayan tuloy napala mo. Muntikan ka ng maubusan ng dugo kahit daplis lang yung tama mo." sermon ni Kat.

      "Guys wag niyo na nga akong sermunan, ang importante naman ligtas na ako. Kat please  tawagin mo nga ang babycake ko, I want to see her." akma sa na itong babangon nang dumating si Glaiza.

      "No need to call me, buti naman gising ka na. Bumangon ka na dyan uuwi na tayo, tara na guys."  masungit nitong sabi kay Rhian at agad ding umalis.

      "Kitam? Galit ang babycake mo, monstercake siya ngayon dahil sa nangyari sayo." pang asar ni Katrina.

      "Hay naku, halika na umuwi na tayo, mamaya may makakita pa sayo dito. Pagsisimulan nanaman ng issue yon, umuwi na kayo ng bahay pupunta ako ng presinto para maghain ng demanda kay Yassi. Hindi dapat natin palagpasin ang ginawa niya, grave threat na 'to baka kung ano pang gawin niya sa susunod. Kaya lahat tayo dapat mag ingat." paalala ni Vice.

I Will Love You Unconditionally (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon