S16 - #IWLYUThisTime

2.6K 130 10
                                    

Glaiza's Pov ...

     Ilang oras din akong naghihintay sa pag gising ni Rhian, pero hindi pa rin siya nagigising.

     "Glaiza magpahinga ka na, baka bukas na magising yan si Rhian." wika ni Vice.

     "Vice gusto kong hintayin ang pagdilat ng mata niya. Gusto ko pag nakita niya ko di niya maramdamang mag isa siya." sagot ko na naka tingin lang kay Rhian.

     "Oh sige, bibili na lang muna ako ng kape, gusto mo ba?"

     "Sige Vice, salamat." agad naman itong lumabas ng kwarto. Paglabas ni Vice ilang sandali naman ay pumasok si Cristine.

     "Bakit nandito ka?" sita ko sa kanya at nag simula nanamang uminit ang ulo ko nung makita siya.

     "Glaiza, Rhian is still my girlfriend. Kaya sana hayaan mo muna akong makasama siya bago niyo siya ibalik ng Manila." pakiusap nito sa akin. Wala na rin naman na akong lakas para makipagtalo kaya hinayaan ko nalang din siya.

      "Sige hahayaan kita, pero may ipapakiusap lang ako sayo."

     "Ano yon?"

     "Tulungan mo kaming mahuli ang mga gumawa nito kay Rhian. Hindi ako mapapakalali hangga't malaya pa yung mga taong gumawa nito sa kanya. Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila kay Rhian." I said seriously.

     "Makaka asa ka Glaiza, at kahit kapatid ko pa ang gumawa nito sa kanya. Handa akong kalimutan ang pagiging magkapatid namin para lang mabigyan ng hustisya ang ginawa nila kay Rhian." nagulat ako sa sinabi niya na kaptid niya ang gumawa nito kay Rhian.

     "Ano? Ano namang atraso ni Rhian sa kapatid mo?" tanong ko sa kanya.

   "Mahabang kwento Glaiza, pero sa mga narinig ni Rhian kay Kuya alam kong hindi niya ako mapapatawad. Kaya may hihilingin lang sana ako sayo, pagbalik niyo ng Manila please take good care of Rhian. Siya yung taong hindi dapat sinasaktan, sa maikling panahon na naging kami nakita ko kong paano niya ako irespito at minahal. Sayang nga lang kasi, sinayang ko yung pagkakataong binigay sa akin." she said at naka focus lang ang mata kay Rhian.

      "Cristine kahit hindi mo hilingin gagawin ko, dahil mahal ko si Rhian. Kung nagawa ko lang sana siyang ipaglaban hindi na sana mangyayari 'to." i seriously said.

     "Sana nga hindi ka na duwag, pero ganun talaga we need to learn first before we know nagkamali tayo." sagot niya at natahimik lang ako. Then after a minute biglang namulat ang mata ni Rhian.

     "Rhian!" i said at agad siyang linapitan. "Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya. Cristine was on my back at alam kong na sa kanya ang mga tingin ni Rhian. Then Rhian start to hysterical, at pinipilit niyang bumangon.

     "Umalis ka dito! Manloloko! Umalis ka dito!" she said at galit na galit kay Cristine.

     "Rhian tama na please!" awat ko sa kanya habang pinipilit niyang bumangon.

     "Rhian patawarin mo ko hindi ko sinasadya! Please believed me, hindi ko gustong ipagkasundo sa taong hindi ko naman minahal! Rhian please maniwala ka naman." Cristine said at iyak ng iyak.

     "And do you expect me to believed that? If you really love me wala kang itatago! Hindi mo ko lolokuhin! Its to late to say sorry Tin, dahil hindi niyan maalis ang sakit na nararamdaman ko! Get out! I don't want to see you anymore! Get out!" sigaw ni Rhian habang nagpupumilit bumangon.

     "Tin just go please." pakiusap ko sa kanya, agad naman siya lumabas agad ng kwarto na patuloy sa pag iyak. Yinakap ko nalang si Rhian na patuloy sa pag iyak. "Tahan na Rhi, wag ka nang umiyak, I'm still here hindi kita pababayaan." i said habang naka yakap sa kanya. I was expecting her to calm down, pero mali ako coz she push me.

I Will Love You Unconditionally (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon