S2 - #IWLYUNaughtyArtist

4.7K 182 12
                                    

Hindi alam ni Glaiza kung ano ang gagawin niya, patuloy lang siya sa pagmamaneho ngunit alalang alala siya sa lagay ng artistang na desgrasya niya.

"Ano ba yan traffic pa! Please umusad na kayo, kailangan ko na siyang dalhin sa hospital!" she said.

Maya maya nagising si Rhian ..

"Miss sino bang kausap mo?" Rhian said. Nagulat naman si Glaiza nang marinig niya ang boses ni Rhian.

"Ms. Rhian? Ms. Rhian kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Yung ulo mo hindi ba masakit?" sunod sunod na tanong nito.

"Please kalma lang, paa ko yung masakit. But I don't know kung nasa langit na ako, coz my eye saw a beautiful angel. Patay na ba ako?" she said.

"Ms. Rhian you're not dead okay? Dahil isusumpa ako ng sambayanang pilipino kapag namatay ka!" sagot ni Glaiza.

"Oh why not? Kung ganito naman kagandang anghel ang nakikita ko, I'm welling to die." sagot ni Rhian.

"Ms. Rhian matindi po yata tama ng ulo niyo, kailangan ko na po talagang dalhin kayo sa hospital." sagot niya kay Rhian. "Baliw ba 'to or tama lang yung rumor na lesbian siya. Naku Glaiza pinagtitripan ka lang niyan ganyan talaga ang mga artista." she talked to herself pabulong niyang sabi.

"Miss anong binubulong bulong mo dyan?" Rhian asked.

"Ay wala po Ms. Rhian." deny niya.

"Anyway why are you wearing a wedding gown? Tinakbuhan mo ba yung groom mo kasi na realize mo na mahal mo ko?" preskong sabi nito kay Glaiza.

"Ms. Rhian matindi po bang tama ng ulo niyo? Mukha po kasing nagkaroon ng masamang epekto yung pagkaka untog niyo." nawewerduhan na si Glaiza sa mga pinagsasabi ni Rhian.

"No there's no problem about my head. It just that ... na love at first sight ako sayo. Will you be my girlfriend?" walang kaabog abog na tanong nito kay Glaiza. Si Glaiza naman ay lutang na lutang sa sinabi ni Rhian.

"Alam niyo po ang weird niyo? Love at first sight? At sa akin pa talaga ah? Pwede po bang tumahimik nalang kayo, kailangan ko lang po ng kunting katahimikan. Ayoko po kasing ma distract." sagot nito kay Rhian.

I Will Love You Unconditionally (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon