S3 - #IWLYUChildhoodHero

4.4K 154 9
                                    

Hindi mapigilan ni Glaiza ang hindi maiyak sa pang aasar ni Rhian sa kanya. Dahil pakiramdam niya, pinag kakaisahan siya ng tadhana, ni Luis at pati na ni Rhian.

"Lahat nalang nang kamalasan ngayong araw na 'to na sa akin na lahat. Isang bagsakan lang talaga yong ginawa mo ah, bakit ganon? Kung kailan magiging tahimik na ang buhay ko sa inaaakala kong tao na makakasama ko habang buhay, saka pa siya naka buntis ng iba. At sa dinami rami ng pwedeng mabangga ko, artista pa talaga? Di ba pwedeng ibang tao nalang? Bakit ang lupit ng tadhana sa akin? Nararapat ba akong parusahan ng ganito? Bakit hindi mo nalang ako hinayaan na maging masaya? Bakit kailangan kong makaramdam ng ganitong sakit? Bakit? Bakit? Bakit?" paulit ulit niyang tanong sa kanyang smarili habang naka upo sa labas ng hospital at nagpapaulan.

Nakita ni Chynna ang bestfriend niya, kaya agad itong kumuha ng payong. At pinuntahan si Glaiza.

"Bhess! Ano ba! Papalitan mo na ba si Bea Alonzo sa pagiging girl in the rain niya? Tumayo ka nga dyan! Hindi bagay sayo ang title na bride in the rain! Bhess wag ka nang umiyak, pinagtitinginan ka ng mga tao oh. Mamaya magtrending ka nanaman niyan." sabi nito sa kaibigan at pinayungan.

"Wala akong paki alam sa kanila! Bakit alam ba nila kung anong pakiramdam ng pinagtitripan? Linuko na nga ako ni Luis, yang Rhian Salmonte na yan kamag anak yata ni Lusiper ang lakas pa mang asar! Akala mo kung sino!" sagot nito kay Chynna.

"Bakit? Ano ba kasing ginawa ng Rhian Salmonte na yan? Iharap mo nga ako sa Lusiper na yan para makatikim siya mas bruha pa sa kanya!" tanong ni Chynna at inis na inis.

"Wag na mamaya awayin ka pa ng mga fans niyan, hayaan mo nalang siya."

I Will Love You Unconditionally (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon