Andito nanaman kaming magbabarkada sa park. Basta after school namin dito kami magtatambay."Khaye! Ang gwapo nun oh."
"Alin jan?"
"Yun oh. Yung may hawak ng skateboard."
"Ah. Tapos?"
"Pagtripan mo."
"Kaya nga Khaye sige na! Ang tagal mo na ring hindi nangtritrip." Side comment pa ng isa kong barkada.
"Ayaw ko na. Alam niyo naman yung mga nangyare nuon diba? Mahirap masaktan."
"Sige na please. Malapit na nga magbakasyon, eto ang mamimiss namin sayo." Paawang sabi ng mga barkada ko.
"Geh na nga. Pero eto na yung huling pagbibigyan ko kayo ah? Basta ilibre niyo ko sa pasukan.
Deal?" Nagagalit na ako, pero dahil barkada ko sila pagbibigyan ko.
"DEAL!" sigaw naming lahat.Habang naglalakad ako palapit sa kaniya, lumapit yung mga barkada niya sa akin. Pero hindi ko nalang pinansin. Derederetso akong naglakad papunta sa kaniya.
"So skater ka?"
"Ano sa tingin mo?"
Ok. May sasabihin ako."
"Ano po yun?"
"Wait, you look familiar."
"Syempre, famous ito eh."
"Ha? Famous? Di nga kita kilala eh."
"Alam mo? Sa lahat ng tao dito, ikaw lang ang hindi nakakakilala sa akin."
"Maniwala sayo."
"Nga pala, I'm Kyle." *Sabay abot ng kanan niyang kamay*
"Khaye nga pala." *Inabot ko naman yung kamay ko*
"Sige bye na po." Shakehands lang naman kaya okay lang.Bumalik na ako sa barkada ko at kwinento ko sakanila yung buong pinagusapan namin.
"YIIIIIIIEEEE! Khaye ha!"
"Baka siya na para sayo!" Kinikilig naman tong mga barkada ko.
Dahil sa pagkalaas ng sigaw nila, napatingin si Kyle sa amin.
"Ang ingay niyo alam niyo yun?"
"HINDI! HAHAHA"
"Blabla. There's no 'YIE' if there's no US. Gets niyo? So shut up."
"Sungit mo talaga, gusto mo din siya. Wag ka. HAHAHA."
"Hindi ako ganon na agad agad magkakagusto."Okay, aaminin kong gwapo siya pero hindi naman ako agad agad nagkagusto dun. Tsaka hindi porket 'He have the looks' gusto ko na. I'll still look on the Attitude.
BINABASA MO ANG
Sana Alam Mo, Pero Wag Na.
Teen FictionHindi sa lahat ng oras, mamahalin ka ng taong mahal mo. Wag kang magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Idistansya mo nalang ang iyong sarili para hindi ka masaktan. Sabi nga nila, kung kayo, Kayo talaga.