"You'll thank us... For doing it to them..." Nanghihina niyang sambit habang nakatingin sa'kin. Blood. Blood was all over his body. His white top turned into crimson red due to his wounds that I, myself, did.
Bakit ganon? Yan ang parati nilang sinasabi sa'kin. Thank them? Thank them for killing my parents? Why would I?! Ano ako? Santo?!
"Tumahimik ka! Hinding-hindi mo ako mabibilog!" I screamed at the top of my lungs as I grab his hair and let him face me; the kid that he once knew as a weakling.
"Rose... Meredith... Mercalli..." Wika niya at nagawa pa talagang ngumisi. I clenched my fist at what I've witnessed. Takot ang gusto kong makita sa mukha niya at hindi ganito.
"Sa tingin mo ba... Yan talaga ang pangalan mo?... Hindi mo ba naitanong kung.... Sino ka ba talaga?" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya at dahan-dahang nanghina. Sino ako?
Sino nga ba ako?
"Stop playing with my mind you arsehole!" I crushed my fist onto his face that caused it to turn in the other direction.
Anong pinagsasabi ng lalaking to? Anong alam niya sa buong pagkatao ko?
"Nabilog ka na nga nila," sobrang hina na ng pagkasambit niya sa mga katagang iyon. Ramdam kong ilang segundo na lang at mawawalan na siya ng buhay. Deretso akong nakatingin sa kanya na walang kibo, walang bahid ni isang katiting na awa ang bumabalot sa aking mukha ngayon.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanina pang nakabaong kutsilyo sa kanyang dibdib.
"Any last words?" I said while looking intently into his eyes. Ngumisi muna siya bago sinabi ang mga katagang nag-iwan sakin ng malaking tanong sa buhay ko ngayon.
"Die!" I screamed as I bury the knife deeply into his chest.
Bigla akong nanghina at napa-upo sa sahig na puno ng dugo ang mga kamay. Nakatulala akong naktingin sa kawalan habang inaalala ang kanyang huling salita sa aking isipan.
"Those eyes got blinded by those lies...
Open them and let the truth reveal the real you"
----------
Ilang beses na akong kumurap-kurap habang nakahiga sa higaan ko rito sa loob ng aking kwarto. Ilang araw na ang nakakalipas mula noong may pinatay ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiaalis mula sa aking isipan ang sinabi niya.
Habang tumatagal mas lalo akong naguguluhan. Gusto ko lang naman ng hustisya sa pagkamatay nila pero bakit may paganito pa? Anong iniligtas ang sinasabi niya? Ako? Iniligtas? Mula kanino?
Inis ko ipinipikit ng madiin ang aking mga mata.
"I want to sleep," bulong ko sa aking sarili. Masyado pa akong maraming gagawin bukas kaya kailangan ko na talagang makatulog ngayon na. Dahil kung hinid, paniguradong lalamya-lamya ako kinabukasan.
Biglang tumunog ang cellphone ko sa gilid kaya kaagad ko 'yon kinuha at tinignan kung sino ang nag-text. Kumunot ang aking noo ng mabasa ko ang text ni Van, ang kaibigan ko.
From: Ivan Mirroe
Queen, andito ako sa labas!
Biglang nagsalubong ang aking kilay ng mabasa ko 'yon. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga atsaka tinanaw ang labas ng aking bintana. Nakita ko siya kumakaway sa'kin habang nakatingala sa aking direksyon.
Anong nakain ng lalakeng 'to at talagang pinuntahan pa ako ng ganitong oras? Ang lamig-lamig pa sa labas, halata naman dahil umuusok sa tuwing hihinga siya. Makapal din ang suot niyang damit. It's winter season here in Los Angeles.
Kinuha ko ang aking cellphone atsaka tinawagan siya. Nakita naman niyang nagring ang kanyang phone kaya dali-dali niya itong sinagot.
"Go home," bungad ko ng sagutin niya ito.
[Ang KJ talaga, labas ka na diyan!]
"Mamamatay ka sa lamig kapag nagtagal ka pa diyan Van. Anong oras na oh, bakit hindi ka pa natutulog?"
[Hindi ako makatulog, kaya labas na.] Nakangiti niyang sambit. I rolled my eyes after hearing what he said.
[Alam kong hindi ka rin makatulog dahil hanggang ngayon gising kapa, kaya dali na.] Pagpapatuloy pa niya.
"Malapit na sana pero bigla kang tumawag," ani ko na ikinatawa niya. Umuusok na naman ang kanyang bibig.
[Sige bahala ka, pag ako namatay dito sa lamig mababawasan talaga ang galamay mo sa underground at mawawalan ka ng isang napakagwapong miyembro sa mafia.] Pinanliitan ko siya ng mata ng bigla niya akong pagbantaan. This man really knows how to blackmail me.
And yes, Van knew about my whereabouts and plans in getting the justice that I need. Isa rin siya sa mga kaibigan kong lalaki na tumutulong sa'kin ngayon. We are 6 in the group and I am the only lady standing.
"Bwisit ka talaga," ani ko atsaka binaba ang tawag. Tumalikod ako sa bintana atsaka kinuha ang mga makakapal na damit sa loob ng aking cabinet.Dali-dali ko itong isinuot dahil paniguradong nanlalamig na ang unggoy na 'yon sa labas.
Nang matapos na ako, dahan-dahan akong lumabas sa aking kwarto at bumaba ng hagdan. Baka kasi magising ko sina lolo at lola sa kabilang kwarto.
Nang tuluyan na akong makababa, kaagad kong pinihit ang doorknob atsaka lumabas. Ang mukha ni Van at ang kanyang nakakalokong ngiti ang sumalubong sa'kin pagkalabas ko.
"What?" ani ko habang nakataas ang isang kilay. Tumawa lang ang loko atsaka umiling.
"Halika na, huling dalawang araw na natin 'to sa L.A. kaya dapat natin ito i-enjoy," aniya atsaka kinuha ang aking kamay papunta sa kotse niyang nakaparada sa may kalsada.
"Anong nakakaenjoy sa malamig na lugar na 'to?" sambit ko sa kanya. Para sa'kin lang naman, hindi ko gaanong nai-enjoy ang sarili ko kahit isang dekada na akong nakatira rito sa L.A. lalong-lalo na't tuwing winter season.
Halos wala akong ibang magawa kundi ang magmokmok sa loob ng bahay dahil sa panahon. Wala naman rin akong ibang kaibigan dito kundi si Van lang. Minsan naman ay binibisita ako ng iba ko pang kasamahan dito.
Si Van lang talaga ang halos palagi kong nakakasama dahil dito talaga siya nakatira at ipinanganak. Sa Pilipinas naman kami nagkakilala dahil doon siya pinalaki ng mama niya. Nong mamatay ang mga magulang ko, dinala ako rito ng lolo at lola ko para mailayo ako sa lugar kung saan tanging sakit lang naidulot sa'kin.
Sumunod naman si Van sa'kin at nagpasya rin na dito na lang ulit mainrahan para raw may kasama ako.
"Lil sis, bilisan mo ang paglalakad! Ganyan na ba kalamya ang Queen namin ngayon?"
Kaagad ko siyang binato ng isang sanga ng kahoy na nakita ko sa lupa. Kaagad naman niya itong naiwasan kaya ayon tawang-tawa ang unggoy.
Halos kuya na rin ang turing ko sa kanya at sa iba ko pang kaibigan. Ako ang pinakabata sa grupo kaya isang nakababatang kapatid ang tingin nila sa akin.
Nang marating na namin ang tuktok ng bundok kung saan niya ako dinala ngayon, halos mamangha ako sa ganda ng tanawin, kitang-kita mula rito ang ilang christmas lights.
"Ganda noh?" aniya sa gilid, Tumango lang ako sa kanya.
Maganda nga... Sobrang ganda...
"Handa ka na bang umuwi sa susunod na araw?" tanong niya na ikinatingin ko kaagad sa kanyang direksyon.
"Oo, nakahanda na ako," ningitian niya ako atsaka inakbayan.
"Mabuti naman kung ganon, wag kang mag-alala dahil andito naman kami," he said pertaining to the other reaming 4 members of our group. Palihim akong napangiti sa sinabi niya.
(DISCLAIMER: The following chapters aren't yet edited, my 14yr old self once started this so please bear with me if there are some typos and grammatical errors. Thank you, readers!)
xoxo ~KAEL~
BINABASA MO ANG
The Mafia QUEEN
Action[TagLish] ---- [COMPLETED] ---- A 21 year old girl, that has a dark past. At yung madalim na nakaraan na yun ang nagtulak sa kanya sa pagiging brutal, at walang pusong babae. Dinanas niya ang pinakamasakit na posible rin nating maranasan..... ang ma...