TWO

9.4K 264 3
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko sa kwarto, It's already 7 in the morning. Pagkatapos kong maghilamos ng mukha at mag toothbrush, pumunta ako sa walk-in closet ko at nagbihis ng sports attire.

Lumabas ako ng kwarto at agad na bumaba. Wala pang tao, tulog pa siguro ang mga 'yon. Dumiretso ako sa isang kwarto na puro weights, treadmill at kung ano-ano pa na pwedeng magamit para pang ehersisyo. Nagsimula na akong mag treadmill, push-up, sit-ups nang may biglang pumasok.

Ang limang unggoy ang sabay-sabay na pumasok habang nag pu-push-up ako. Nakita ko na nagulat sila, ano naman ang ikinagulat ng mga unggoy na toh?

"A-ah,morning Rose." - Adam

"Nag pupush-up ka? Astig!" - Lance

"Ngayon ko lang ulit nakita ang totoong mata mo, Queen." - Tristan

Agad akong umiwas ng tingin, nakalimutan kong mag contact lens. Kahapon kasi wala akong suot na contact lens dun sa club, kaya yung bartender na 'yon panay tingin sa mga mata ko. Napagdeisyunan ko na bago ako lumabas ng club pupunta muna ako restroom at mag suot ng contact lens na brown. Kaya nung pumunta ako sa bahay na'to kulay kayumangging mga mata ang nadatnan nila. Ngayun lang ulit nila nakita ang kulay berde kong mga mata, maliban na lang kay Van na palagi kong kasama sa L.A.

"Ang aga mo ata Queen." - Van

Hindi ko na sila pinansin at kumaha ng towel at pinunasan ang mga pawis ko sa mukha. Lumabas na'ko at agad na pumunta sa kwarto ko upang magpahinga muna at maligo pagkatapos.

VAN'S POV

"Syete! Nanginit katawan ko nun ah!" sambit ni Lance. Aba't matinde! Kapag narinig ni Rose ang pinagsasabi netong lalakeng toh, ay naku! Bibili na ako ng kabaong.

"Pinagsasabi mo diyan huy!" singhal ko sa kanya. Kababata ko si Rose tapos pinagsasabihan pa niya ng ganon? Kaya ayun! Binatukan ko siya.

"Aray namana, eh syempre biro lang yun. Ano ka ba! Nagseselos ka no? Wag kang mag-alala Vanny Baby, sayo lang ang gwapong gwapong ako," ani niya. Eh gago pala toh eh! Vanny Baby, Vanny Baby siya diyan. Ang bakla!

"Manahimik ka diyan Hawkins! Eh di hamak mas gwapo ako sa'yo noh!" sambit ko habang nakangisi. Magpapahuli ba ako? Eh mas gwapo naman talaga ako kesa sa lalakeng toh. Mas matinik kaya ako sa mga chix.

"Eh mas gwapo kaya ako sa inyo." Aba! Sumibat din 'tong Adam na 'to habang nag pu-push-up. Si Lance nag te-treadmill at ako naman, nag we-weights. Kailangan kong ma enhance ang mga muscles ko noh.

"Ang ingay niyo," cold na sabi ni Sebastian habang nag si-sit-up, siya ang pinakatahimik sa aming lima. Eh boy version ata siya ni Rose eh, dine-dedma nga kami niyan minsan.

"Huy Tristan, ba't ang tahimik mo diyan? Ano na naman ang nakain mo?" ani niya Lance. Tahimik nga si Tristan habang nag te-treadmill din. Ano na naman kaya ang iniisip neto.

"Ah, wala, kasi ano yung mga mata ni Rose, ngayon ko lang ulit nakita. Eh bakit kaya tinatago niya yun, ang ganda nga ng mata niya." Napaisip nga din ako. Bakit kaya? Bakit kaya tinatago ni Rose ang magagandang berde niyang mga mata. Kung ako may ganun ka gandang mata, eh hindi ko talaga itatago. Siguradong matinik yun sa mga chix!

"Ako nga din eh, nagulat din ako nung nakita ko ulit ang mga mata niya, I mean it's been a decade since the last time I saw her mesmerizing green eyes. Kahit bumibisita tayo sa kanya sa L.A. eh naka contact lens lang siya." I agree to what Lance said, nung pumunta kami dito, wala naman siyang ginamit na contact lens. Tas pag dating niya dito sa bahay, ayun! Suot-suot na ang contact lens. Nabubwisit kasi siya kapag may tumititig sa kanyang mata. Tsk!

The Mafia QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon