ONE

13.9K 314 14
                                    

3 years later...

Yes, it's been 3 years since the last time I started college, and the last time I killed someone. But it doesn't end here, hindi ko pa sila napapatay lahat.

6 down, and 4 bodies to go...

Balita ko nasa Pinas ang apat na natira. I need to go back and let them face death. Dun ko na rin itutuloy ang pagaaral ko sa kolehiyo. Ginagawa ko ang lahat-lahat upang makapagtapos ng pag-aaral at makuha ang hustisya na kailangan ko.

*KNOCK KNOCK*

"Come in," I said and faced the door. Nakita ko ang lola ko na grabe ang pagkalungkot sa mukha. I walk towards her and hugged her tight.

"Tuloy na ba talaga ang plano mo na bumalik apo?" ani niya na ikanatango ko ng bahagya. Gustohin ko man na dito na lang sa Los Angeles kasama ang lolo't lola ko, hindi naman pwede. I have something to do and I don't want them to get involved in everything that I am about to do. Sila na lang ang natira sa'kin at hindi ko kakayanin kung pati sila mawala nang dahil lang sa pinanggagawa ko.

Hindi nila alam na nagtayo ako ng isang mafia organization. They don't have to know about that, madadamay lang sila kung meron silang alam. At yan ang hindi ko hahayaang mangyari.

"Okay then, dahil alam ko na hindi na talaga magbabago ang desisyon mo. I and your lolo will support you in everything. Basta magiingat ka dun, wag kang magpapagabi sa daan, dapat kang kumain sa oras, wag masyadong magpuyat, at matulog ng maaga." Tumawa ako ng mahina dahil sa mga pinagsasabi ng lola ko. I can't blame her this is the first time na mawawalay ako sa kanila ng malayo. Inaamin ko na spoiled ako sa kanila.

"I will Lola, I will. And besides, you don't have to get worried. I can handle myself, I'm not a teenager anymore, remember? I'm already twenty-one," I said, and she just chuckled.

"Yeah, yeah, I know apo. Basta ha, magiingat ka dun." Embracing me with her all might, I can't help but to chuckle and also do the same thing to her.

"Hep! Hep! Hep! Ano yan? Bakit hindi ako kasali ha?"

That's my lolo, naiinggit yan kay lola. Naalala ko nagtatalo yang dalawa kung sino sa kanila ang susundo sa'kin mula sa eskwelahan, at dahil natatalo yang si lolo kay lola, no choice kundi siya ang mananatili sa bahay habang si lola naman ang susundo sa'kin. Tsk! Lovebirds.

"Diyan ka lang Benjamin! Wag kang lalapit! Kami muna ng apo mo dito ha?" Sambit niya.

"Honey naman, apo ko din yan. Pa hug naman ako, bukas na ang flight niyan"

"Lola," sabi ko habang, ninguso ang direksyon ni lolo. If you'll only see the face of my grandfather, matatawa kayo. Alam ko naman na hindi ako matitiis ni lola, kaya sa huli nagkayakapan na kaming tatlo. Ito ang mamimiss ko kung babalik ako sa Pinas.

-----

"Van, wag mong pababayaan ang apo namin ha?" Si lola yan...

"Yes po Mrs. Aurora Mercalli." Tumango si lola at binigyan si Van ng isang matamis na ngiti.

Van is my right hand in mafia, kaya kailangan niyang sumama sa'kin papuntang Pilipinas. Wherever I go, Van must be present.

Kailangan na naming pumasok, so I and my grandparents are exchanging hugs and kisses. We need to check-in and wait for our boarding. While waiting, nagsimula ng magsalita si Van, kating-kati na siguro ang dila nito.

"Queen"

*glare*

"R-Rose pala"

The Mafia QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon