Chapter 2

5 1 0
                                    


"Bekiiiiiiiiiiii!" sigaw ko sa kaibigan kong si Tristan Jimenez. malaki katawan niya, matangkad at gwapo kaso hahaha pusong mamon ang gaga, dami pa namang nagkakagusto sakanya.Sayaaang. Pero wag kayo Varsity player ng school namin yan sa basketball.


"Ay guuuuuurl! haluuuuu!" Masayang bati niya saken, habang nakaway.Pero di niya pinansin si Casey, ewan ko ba kung bakit pero mainit dugo niya kay Casey.


"Oh bat may animal ditey? diba no pets allowed dito sa school gurl?" mapangasar na tugon ni Tristan na nakangisi kay Casey. Inirapan naman siya ni Casey pangganti.


"Oh Oh magsisimula nanaman kayo diyan! tara na sa klase baka malate nanaman tayo niyan" Pagiiba ko ng usapan ng di matuloy sa rambulan tong dalawa. hay nakoo. WW3 nanaman kung sakali. At ayokong mangyari yun.Kaya umepal na ako sakanila haha.


Casey walked away as she flipped her hair.Hindi na umimik pa si Casey at nauna na lang naglakad palayo.Nakita kong may binulong si Tristan sa sarili niya pagkaalis ni Casey pero di ko na lang pinansin yun at dumiretso na rin kami ni Tristan sa klase. Habang naglalakad biglang napahinto si Tristan, sa pagtataka ko tinignan ko siya at napansin kong may tinititignan siya sa malayo.


"Beki sinong tinitignan mo?" kunot noo kong tanong sakanya. Pero tinignan niya lang ako ng seryoso at umiling.


"Wala tara na nga! ma-beastmode niyan si sir eh! hahaha" Patawa niyang sabi. Jusko may pagka bipolar din tong lalakeng to eh. Bilis magbago hahaha.


"baliw ka talaga tara na" sabay tango ko at binatukan ko siya.


"A-ARAY KO BEH, tama na,PALAGI MO NA LANG AKONG SINASAKTAN" pasigaw niyang sabi sabay tingin saken.


Babatukan ko na sana siya ule ng tinakbuhan na niya ako. Walangya tong baklang to porke ang haba haba ng mga hita tss. Dont get me wrong di ako ganoon kaliit. saktuhan lang height ko. Tumakbo na lang din ako at sinundan siya, nang feeling ko may kanina pang nakatitig saken napatingin ako sa may puno. may lalake dun na nakatingin saken ng seryoso. Di ko masyado maaninag mukha niya pero parang may kamukha siya parang si—


"Hoy babaita tara na! tulaley ka nanaman dyan" Sigaw ng gaga.


"OO NAA" takbo ko papunta sakanya, paglingon ko ule sa may puno wala na yung lalake. Hm baka namamalikmata lang ako. Impossible namang siya yun.


Ng makarating na ako sa harap ng pinto, huminga muna ako ng malalim at tuluyan ng pumasok. As usual si sir Hermoso pa rin prof namin -____- saklap another hellish year.


"Miss Freed please sit down quickly. Late ka na nga tutunganga ka pa dyan" Strikto niyang sabi saken.Tumawa yung mga kaklase ko,kainis naman. Napakaripas naman ako sa upuan ko kung nasaan si Tristan. Si casey kasi katabi si Tyra, kaibigan niya pero di ko ka-close.


"Gurl napaginitan ka nanaman ni sir hahaha" Aba nangasar pa tong mokong. tss.Inirapan ko na lang siya at nakinig sa prof.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Uncon LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon