The Plan
"Talaga?!" gulat na sabi ni Shane.
It's been a week since nakausap ko si Luke pero ngayon ko lang nasabi kay Shane ang sinabi sa akin ni Michael. Naipromote na rin ang libro ko at andaming reader na nag pre-order which is nakakatuwa. Sabi naman ni Eric ay sure na daw na ipapublish ang pangalawang book na isusulat ko which is ang problema ko ngayon.
May ending na ang story e. Tapos na siya kaya hindi ko na alam ang idudugtong pa. Ikakasal si Aleisha, e siya lang naman ang nakikita kong pweding makatuluyan ni Luke.
"Yeah. Kaya nga namomroblema ako ngayon. Kung talagang iyon ang nangyari, hindi ba at dapat yung sa book 2 niya, makatotohanan din?" tanong ko sa kanya. Napaisip naman siya.
"'Minahal ng readers mo ang story mo despite the fact that it's just a fan fiction. Hindi naman kailangan makatotohanan ang kasunod na libro. Just write. Isipin mo nalang, ano na ang mangyayari sa susunod? Magkakatuluyan ba sina Luke at Arzaylea or may panibagong babae ang papasok sa picture?"
"Iyon naman ang unang plano ko e. May panibagong girl na papasok at makakatuluyan niya. Pero upon knowing na nangyari talaga ang nasa story ko, pakiramdam ko dapat mas realistic na ang book 2."
Napailing nalang si Shane. Hindi niya kasi ako maintindihan e.
"I want to prove to him that my story is not a bullshit story," determinadong sabi ko kay Shane.
"At paano mo naman gagawin iyon?" tanong niya sa akin.
"Simple, para makagawa ka ng isang napakagandang story, dapat kilala mo ang mga characters mo. You should know what would be their reaction for the scenarios you were writing."
Nakatingin lang sa akin si Shane habang nakakunot noo. Para bang pilit niyang inaalam kung ano ba ang binabalak ko. Sa paraan ng tingin niya, alam kong sinusubukan niyang basahin ang isipan ko.
"What are you planning?" Tanong niya sa akin habang titig na titig sa akin na para bang kapag kumurap siya ay hindi niya makikita ang kung ano mang bakas ng kasinungalingang sasabihin ko.
"I can't tell you. Ayoko rin magsabi ng kasinungalingan sa'yo dahil alam ko naman na malalaman mo rin kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi."
"Bryanne," tawag niya sa akin na may halong babala ang tono ng boses.
"I have to go. Asikasuhin ko na yung mga pasyente mo at makikibalita muna ako kay Eric tungkol sa libro ko."
Bago pa niya ako mapigilan ay agad na akong umalis pero imbes na sa CL ako magpunta ay dumiretso na ako sa bahay at nag-surf sa internet. There must be something in here na mapapalapit ako kay Luke.
Hanggang sa maghating-gabi na ay wala akong nakitang kahit ano. Bakit nga ba sila magpopost ng ganoong article? Edi nagkagulo na ang mga fans sa kanila. Napabuntong hininga nalang ako hanggang sa may maalala ako.
Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa bag ko na basta ko lang tinapon sa kama ko kanina at hinanap kung meron pa akong contact sa taong iyon.
Napa-yes nalang ako nang makita ko ang contact number niya. Sana lang ay hindi pa siya nagpapalit.
"Hello?"
Impit akong napatili nang sagutin niya. This is it!
"George? Si Bryanne to!" masayang sabi ko sa kanya.
"Bryanne? Bryanne Briones?"
"Yes!" sagot ko sa kanya at tumawa pa. Narinig ko naman ang pagmumura niya.
"Bruha ka! Ang tagal mong hindi nagparamdam!" kunwaring nagtatampong sabi niya.
"Sorry na. Nagfocus ako sa pagsusulat e. Guess what? Sikat na yung story ko sa social media!" masayang balita ko sa kanya.
George is gay. Matalik namin siyang kaibigan ni Shane pero ngayon ay nasa Australia na siya dahil na rin doon naka-base ang pamilya niya. Another reason ay para maka-move on siya kay Shane. Nagkagusto kasi siya noon kay Shane. But Shane told him that he's not into that kind of relationship. Nasaktan si George noon kaya naman sumama nalang siya sa pamilya niya.
"Ikaw komusta na?" tanong ko sa kanya. Nagkwento naman siya sa akin ng mga nangyari sa kanya sa Australia sa nakalipas na taon.
"And now, I'm the manager of 5 Seconds of Summer! Oh wait, baka hindi mo sila kilala. Hindi pa kasi ganoon kakilala ang band nila diyan sa Pilipinas."
Para akong nabato sa sinabi niya. Ang plano ko lang ay tawagan siya at humngi ng favor na puntahan ang agency nina Luke which is nasa Australia pagkatapos ay babalitaan niya ako kung may paraan ba para mapalapit ako sa kanila. But what the hell?! I didn't expect him to be the manager!
"Hello? Bryanne?" pukaw niya sa atensyon. Noon lamang ako bumalik sa katauhan ko.
"George, favor," malambing na sabi ko sa kanya.
"Ano?"
"Pwedi mo ba akong gawing PA nila? You see, I'm a writer. Yung sinasabi ko sayong story ko na sumikat sa social media ay isang fan fiction tungkol kay Luke Hemmings. I badly need to know him better dahil kailangan kong magsulat ng book 2. I want to know more about him dahil ayoko naman na msira ko abg personality na mayroon siya dahil sa kung ano mang isusulat ko. It was like a respect to him," mahabang paliwanag ko. Nanatili lamang tahimik si George sa kabilang linya.
"You said its a fan fiction. Hindi naman kailangang ang totoong personality ni Luke ang ilagay mo doon," sabi niya sa akin. I knew it, hindi siya papayag.
"Yeah. But I'm a big fan. Gusto ko na makita ng mga readers ko na mabuti sila. Gusto ko na mas makilala pa sila gamit ang libro na ipapublish ko. Kahit naman fiction lang iyon, minsan madadala ka sa story at makakalimutan mo na fiction lang nga pala ang binabasa mo. I want my story to have a touch of reality and that is the real Luke Hemmings."
Mahabang minuto ang lumipas bago siya muling magsalita.
"Alright. Prepare your passport and visa. Kailangan mong magpunta dito at ng masimulan ang traing sa'yo. It would be a short training dahil magstart na ang world tour nila a month from now."
Nag-titili ako dahil sa sinabi niya! Gad! This is it! Mapapalapit na ako sa kanila! Makakasama pa ako sa world tour nila! This is every fan girls' dream and I will happily live in that dream now! May gad!
"Salamat! Gad, George! Salamat talaga! OMG!"
"Oo na. Oo na. Kung hindi lang kita kaibigan. I have to go now. Itext mo nalang sa akin ang details ng flight ko para masundo kita sa airport."
Pagkatapos ng tawag ay nagpagulong-gulong nalang ako sa kama. Damn! This is it! Agad kong tinawagan si Eric.
"It's still on the process, Bryanne. Pero marami na ang nag-preorder. So you better start writing," sabi nito pagkasagot sa tawag. Wala man lang hello!
"Hello to you, too, Eric. Actually, kaya ako tumawag regarding sa book two. Can I ask for one year vacation?"
"The f*ck?! Isang taon? Nababaliw ka na ba? Walang bakasyon na ganoon katagal!" sigaw niya sa kabilang linya kaya naman nalayo ko nalang ang phone ko.
"Hindi naman pure vacation lang ang gagawin ko. You see, nang isulat ko ang story na iyan, it was because I'm a fan at wala sa intensyon ko na ipublish iyan. Pero sa book two, I want it to be publish and because I'm a fan that's why I'm writing a new book. Naiintindihan mo ba ako?"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Para saan ba ang isang taon na paglawala mo?"
"I want to know my character better. You know, para kasi sa akin, dapat kilala mo ang character mo para makapagsulat ng magandang story. Dapat alam mo kung ano ang talagang nararamdaman niya. I want it to be perfect. Please, Eric. I promise you, I will pass you a perfect story with a beautiful ending."
"Alright. Siguraduhin mo lang. Sa oras na hindi ko magustuhan, tatanggalan kita ng trabaho!" pananakot niya sa akin pero sumang-ayon na rin ako.
This is it!
--
#Therealstart :)
BINABASA MO ANG
Close as Strangers
FanfictionYou are ONE of the MILLIONS girls who fantasize him You are ONE of the CROWD who watch him from afar In short, you are one of his fan girls What can a fan girl do so that she can stand out from the crown? What can she do so that she will be notice b...