TING~
Napamulat ako bahagya sa tunog ng nagbangga ang boteng hawak ko sa mga boteng nagkalat sa buhangin.
Tinignan ko yung boteng hawak ko. Meron pang konteng laman kaya tinungga ko ito.
Nang maubos ko na ang laman tinignan ko ulit yung bote. “Tsh!” bigla nalang nagpakita sa bote yung mukha ni Claire. “Ikaw… shabi mo…” naalala ko na naman ang nangyari sa kanila sa ilalim ng buwan. “Arrghsss!! Shinungaling ka!!” sabay hagis ko sa bote.
Tinignan ko yung paligid na inuupuan ko kung may bote pang laman. Nang nalaman kong ubos na lahat hinapas ko yung buhangin. “Bwishet nemen oh… hoy!! Isha pang bote ng alak!!” napatingin ako sa paligid.
Walang tao.
Tanging ako lang na naglalasing sa gitna ng baybayin ng dagat. Napatingin ako sa itaas. “Wow! Ishtarsh…” gabi na pala.
Napabuntong hininga ako ng malalim. Tumayo ako para kumuha ulit ng alak pero hindi ako makatayo ng maayos dahil sa panghihina ng katawan ko.
Gustong gusto lunurin ang sarili ko sa alak para makalimutan ko yung mga nangyari. Mawala ang sakit ng nararamdaman ko.
“BLAKE! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!”
Napatingin ako sa pesteng maingay na yon. Binasag niya ang katahimikan na gustong gusto ko.
“Hoy! Shiraulo ka ah! Naghahamun ka ng away… ang ingay ingay mo!”
“Lasing ka na Blake! Tara na tigilan mo na yan.” Hinawakan niya ako para alalayan.
“Hinde pa ko lasheng!” hawi ko sa kanyang kamay. “Shino ka ba! bakit alam mo pangalan ko!?”
“Ano ka ba! Ako ito! Pinasan mo si Kent! Naglasing ka lang nakalimutan mo na agad ako. Nakakasama naman ng loob.”
“Uy! Kent! Ikaw pala yan… shandali lang kuha ako ng alak. Inom shayo.” Nagumpisa ako maglakad pero parang ang bigat ng mga paa ko hindi ko mabuhat kaya napatumba ako ng di oras.
“Tama na! Blake! Dadalhin na kita sa kwarto mo.” Aalalayan na niya na sana ako pero pinigilan ko siya.
“Ayoko!! Isha nalang pare!! Gushto ko pa ng alak.”
“TUMIGIL KA NA BLAKE!!” sabay sapak sa mukha ko.
Napasubsob naman ako sa buhangin. Sa pagbangon ko nalasahan ko yung metal sa bibig ko kung saan ako sinuntok ni Kent. Dinampi ko ang daliri ko at nakita ko ang bahid ng dugo.
Napangisi ako at dumura.
“Pare!!! Hindi alak ang sagot sa publema mo!!! Kahit ilang gallon ng alak ang inumin mo hindi parin mawawala yang sakit na nararamdaman mo!!! Huwag mo naman lunurin ang kidney mo sa alcohol!! Your just need to move on!!! Huwag mo naman sirain ang pagkatao mo dahil lang sa isang babae!!” galaiting sigaw niya.
Napahawak ako sa mukha ko parang hinilamos ko yung buhangin sa buong mukha ko.Gusto kong lumuha pero wala ng lumalabas sa mga mata ko.
Halos isang linggo na akong lumuluha kasabay ng paginom ko ng alak pagkatapos ng mga nangyari.
Sa mga sinabi ni Kent dun na ako nahimasmasan. Napahawak ako sa ulo ko dahil ngayon ko lang naramdaman ang sakit nito. Naalog ata sa pagsapak sa akin ni Kent.
Ang tangi ko kasing nararamdaman lang nitong nakaraang araw ay sakit mula dito sa aking dibdib.
Huminga ako ng malalim at napahiga sa pinong buhangin. “Fine. Coffee nalang imbis na alak.” Sabi ko kay Kent.