Nang makarating na siya sa aming pwesto, huminto siya sa aming harapan at nagsabing.
“H-Hi.”At may lakas loob pa siyang kumuway.
Agad akong napatayo at hinubad yung suot kong T-shirt. “Ano bang pumasok sa isipan mo at naglakad ka ng ganyan ang itsura mo!? Pinagtitinginan ka ng maraming tao!” sabi ko habang isinusuot sa kanya ang T-shirt ko.
“Ano naman kung nakatingin sila. Nagagandahan langsila sa akin.” Hindi ko alam kung inosente o talagang tanga lang siya.
“Sa susunod huwag kang lalabas ng ganon ang itsura mo. Dapat may suot ka ng ganito!”sabay turo sa T-shirt ko.
Napatingin ako sa pinsan ko at hanggang ngayon nakatulala pa rin siya.
Batukan ko nga. “Tigilan mo na yan!Mukha kang unggoy sa itsura mo.”
“Aray naman!Ang OA mo ah!”Tumayo sa pagkakaupo ang pinsan ko. “Kilala mo?”sabay turo sa katabi ko.
“Waaah!”
“Fck! What’s wrong with you?”nagulat ako, kahit ang pinsan ko.
Bigla siyang sumigaw at yumakap sa akin.
“Natutuwa ako at suot mo parin toh.Hindi mo tinanggal!” Tinutukoy niya yung necklace na ibinigay niya sa akin na suot ko.
Nagtatalon at nagsisigaw siya sa tuwa para siyang bata. Sa tingin ko… bata pero sa tingin ng mga ibang tao… baliw.
“Hey! Hey! Stop! Shhh.”Awat ko sa kanya. “Yes. Suot ko. Please. Shhh. Stop it.” Pero hindi siya paawat. Lukaret ang babaeng toh.
Anong meron at ganyan siya kasaya?
Hinawakanko siya sa magkabilang balikat at ihinarap ko siya sa akin. Magkakatitigan kami ngayon.“Tumigil ka na. Pinagkakamalan ka ng baliw sa ginagawa mo.”
Ngayon naman… tahimik siyang nakatitig sa akin. Iba na ang kulay ng kanyang mga mata. Nung una kaming magkitakulay green ito pero ngayon katulad ko naring dark brown.
Habang magkatitigan kami parang may kakaiba sa kanyang mga mata.Biglang nagiba ang ikinikilos niya, para bang nahihiya. “A-Ah… ma-masaya kasi ako. Look!” sabay turo sa kanyang paa. “Meron na akong paa.”ngiting ngiti niyang sinabi.
Imbis tumingin ako sa kanyang tinuturo. Tumingin ako sa paligid halos lahat nagbubulungan dahil sa ginawa ng babaeng toh.
“Huwag tayo dito magusap.” Hinila ko siya.