THE MERMAID TAIL
Listen to the ocean songs
AUTHOR: Purple Angel
GENRE: FANTASY, ROMANCE, DRAMA, COMEDY, SUPERNATURAL
I can’t believe that mermaids do exist
PROLOGUE
Naalimpungatan ako sa aking naririnig…
Hindi ko maidilat ng maayos ang aking mga mata dahil sa sobrang pagod at antok.
Anong klaseng musika ang naririnig ko?
Ang sarap niyang pakinggan, nakakagaan ng loob … Maiipagpatuloy ko na ang aking tulog…
Teka?
Basa ang pakiramdam ko, sa pagkapa ko ng aking hinihigaan, mga buhangin ang nahahawakan ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan ko… ano ba nangyari sa akin wala akong maalala.
Gumalaw ang bagay na kung saan ang ulo ko ay nakapatong….
Sa unti-unti kong pagdilat, naaninag ko ang isang babae na nakangiti.
“Salamat at gising kana.” ang ganda niya… may mga berde siyang mga mata at mahahabang pulang buhok.
Pero… anong amoy yun? ang langsa …
Paglibot ko ng aking mata… nakita ko ang isang malaking buntot ng isda …
“Nagandahan ka ba sa aking buntot, inaalagaan ko yan ng mabuti.”
Buntot niya? Isa siyang…
Kahit masakit ang aking katawan, kailangan ko siguraduhin kung tama ang aking iniisip kaya agad akong nakatayo at lumayo sa kanya.
Nanlaki ang aking mga mata … hindi ako makapaniwala ….
“I-isang Mermaid!!”
++++++
Thanks po sa pagread ^__^
Comment/Vote po kayo.. if you like..
^___^ have a nice day..