“Arrange Marriage!!!!”
Hindi ko napagilan ang sarili ko na sumigaw dahil sa aking naririnig. Hindi ako makakapayag sa gagawin nila. Arrange Marriage!? What the hell!! Meron pa ba ganun ngayon!!?
Ayoko nga magpakasal sa hindi ko naman mahal!
“No!! Mom!” tumalikod ako sa kanya.
“Stop Blake!!! Kinakausap pa kita!” napahinto naman ako sa pagalis. “You need to do this for the company and we also can help them.” I don’t care!!
Meron naman ibang paraan para hindi malugi ang company nila. Bakit pa ipapakasal sa akin ang anak nila tapos ito namang Mom ko pumayag agad at gusto talagang ipagkasundo kami.
“I have to go.” I wave my hand at lumabas sa office.
Hinabol ako ni Mom mula sa pinto “Blake!!” hindi ko siya pinansin at nagpatuloy maglakad “Blake Funtaberde!!! Hindi pa tayo tapos magusap!!!”
Hinayaan ko lang siya magsisigaw… ilang saglit tumigil din siya sa kakasigaw. Napansin siguro niya nakatingin ang mga empleyado sa kanya.
Kakauwi lang niya galing States yun na agad ang ibabalita sa akin. Nakakabadtrip!!
Lahat ng sinasabi at ipinaguutos niya sinusunod ko. Pati ba naman ang puso ko didiktahan niya kung sino ang mamahalin ko. Hindi talaga ako makakapayag.
Pati ba si Dad pumayag sa Arrange Marriage na sinasabi ni Mom? Kung sabagay ano ba magagawa ni Dad kay Mom Eh… sunod sunuran din naman si Dad sa kanya.
“Blake.” nakasalubong ko sa hagdan si Kent ang pinsan kong siraulo. Hindi ko siya pinansin, nilagpasan ko siya at patuloy maglakad. “Ang sunget.” Hinabol niya ako at inakbayan “Mukhang badtrip ka ah...” hindi ba halata? Huminto ako at tinitigan siya ng masama pero hindi umubra sa kanya ang ginawa ko. Tinawanan niya lang ako. “Naman Blake… hindi mo na ako masisindak sa mga matang yan. Kung may problema ka igimik nalang natin yan.” Tumingin siya sa orasan. “Sa tingin ko naman---” hindi ko siya pinatapos.
“Wala ako sa mood.” Sabay lakad paalis.
“Oh! come on! Blake! Kelan ka ba nagkaroon ng mood para gumimik? Sige na! it’s my treat.”
“Ayoko.” Malamig kong sinabi.
Hinarangan niya ako at pinahinto sa paglalakad. “Tsk! Tsk! Minsan lang ako manlibre sayo tatanggihan mo pa. Sige na, may alam akong magandang place.” Nakangiti siya habang tumataas ang dalawa niyang kilay para makumbinsi niya akong sumama.