Chapter 10

189 4 0
                                    

[Mira’s POV]

          “What made you call me, Mira?” tanong ni Micko nung nakaupo na siya. Nasa Starbucks kami.

          “I just want to have a proper closure with you, Micko. Gusto ko lang na maayos na yung gusot sa pagitan natin. Ayoko na na kapag magkakasalubong tayo, may masamang hagin pa rin sa pagitan natin.” Sabi ko sa kanya.

          “Oo nga eh…siguro oras na rin para ayusin na natin yung gulo sa pagitan natin.” Sang-ayon naman ni Micko.

          “Antayin lang natin si…” hindi na natapos yung sasabihin ko kasi dumating na si Gie.

          “Hi, babe.” Bati ni Gie sa akin. I asked him to do that. Hindi naman kasi maniniwala si Micko not unless we have proofs para dun sa ibabalita namin sa kanya. Somehow, I also managed to get me an engagement ring.

          “Babe?” tanong ni Micko.

          “Yeah. Uh, Gie, upo ka na.” sa tabi ko umupo si Gie.

          “Care to explain this? Bakit babe ang tawag mo sa kanya? Si Matt ang boyfriend mo di ba?” kitang kita ko sa mukha ni Micko yung gulat.

          “Yeah, eto ang sasabihin ko sa’yo. Sana lang, tigilan mo na yung mga ginagawa mo para makuha ako ulit. Kasi, ikakasal na kami. In three month’s time, during my debut party, i-a-announce na yung engagement namin ni Gie.” Kinuha ko sa bag ko yung invitation card. The event was real, pati yung announcement at hand-in-hand ang pamilya ko at ni Gie sa pag-prepare.

          “Anong ibig sabihin mo? Niloko mo lang si Matt?” galit yung boses ni Micko.

          “Bro, unfair yan. Hindi din naman ginusto ni Mira etong situwasyon na ‘to. Hindi lang kasi talaga maiiwasan. Don’t jump into conclusions, lalo’t hindi mo alam ang buong kwento.” To the rescue si Gie against sa accusation ni Micko.

          “Sorry.” Apologize ni Micko.

          “So kailan mo ‘to balak sabihin kay Matt?” tanong ni Micko after a few moment.

          “Hindi ko pa alam. Pero sana, Micko, hayaan mo na ako ang magsabi sa kanya.” Pakiusap ko sa kanya.

          “Of course, hindi ako manghihimasok.” Pangako naman ni Micko.

          “Babe, pinapapunta ako ng Mommy mo sa bahay niyo, may pag-usapan daw kami. Mauna na ako.” Tumango naman ako at humalik sa pisngi niya. Umalis na siya, naiwan kami ni Micko.

          “Pano mo siya nakilala? Pwede mo bang i-kwento sa akin kung bakit all of a sudden, in less than a month na nag-away kayo ni Matt, ay ikakasal ka na?” litanya ni Micko.

          “Pwede pang akin na lang yung rason, Micko?” tanong ko naman sa kanya.

          “Hindi, kasi pag hindi mo kinuwento sa akin, maniniwala ako na niloko mo lang si Matt.” Matigas niyang sabi.

          “Bakit ba ganun na lang ang concern mo kay Matt? Eh kung tutuusin, di ba dapat masaya ka na hindi si Matt ang makakatuluyan ko?” sabi ko sa kanya. Eto lang ata ang alam ko na talo na nga yung kalaban niya, malungkot pa.

          “I have reasons, Mira. At hindi ako ganun kasama. Sure, I wanted you back at may mga ginawa ko para subukan kang kunin, pero alam ko na hindi ako magtatagumpay. Siguro, confused ka nga, pero alam ko, nakikita ko na mahal na mahal mo si Matt. Yung mga ginagawa ko, para lang yun ipakita kay Matt na kapag hindi siya umayos sa pagmamahal sa’yo, I can always jump back into your life.” Sumimangot ako. Gulo nito kausap.

Past, Present, FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon