Prologue

528 11 0
                                    

(Flashback)

Mira’s POV

          Tagal naman ni Micko. Asan na kaya yun? Tumingin ulit ako sa relo ko. Napataas ako ng tingin nung may naglagay ng bulaklak sa harap ko.

          “Hi, babe, sorry na-late ako. Happy 3rd month.” Napangiti ako.

          “Ok lang, upo ka na.” hinila niya yung upuan at naupo na siya. Three months na kami, pero naiilang pa rin ako pag tinitingnan niya ako ng ganun.

          “Tigilan mo nga ako ng tingin na yan.” Sabi ko sabay hampas sa braso niya. Sumimangot siya ng konti, yung cute way.

          “Babe, ang mean mo naman. Bakit, masama ba na titigan kita?” sabi niya, nakapout pa rin.

          “Nakaka-ilang kasi.” Nag-chuckle siya. Dumating yung order namin. So far, kahit simpleng date lang yun, nag-enjoy ako. Well lagi naman. As long as kasama ko si Micko, kahit gaano pa ka-shabby yung lugar na pupuntahan namin, I will still enjoy it.

          Three months na kami ni Micko. First boyfriend ko siya, and he came into my life like how a fairy tale price would come into her princess’ life. Corny ba? Pero ganun naman talaga. it happened  six months ago, yung first time na nagkita kami. I was walking home from school nung may lalaking umagapay sa akin sa paglalakad. Akala ko sadyang nakasabay ko lang talaga siya, pero nagulat ako nung ginitgit niya ako, sabay hila ng bag ko. Syempre, sumigaw ako. Tatakbuhin ko na sana yung snatcher nung nakita ko ang isang figure ng lalaki na mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon na tinakbo nung magnanakaw. Sumunod ako sa kanya at nakita ko kung paano niya binugbog yung snatcher. Si Micko pala yun. I can still remember the feeling nung inabot niya yung bag ko sa akin at nung nag-smile siya. Nag-stammer pa ako nung nag-thank you ako sa kanya.

          I thought hindi na yun masusundan. Pero nagulat ako nung nakasalubong ko siya sa corridor ng school namin. That was when I discovered na schoolmate ko pala siya. Dun na yun nagsimula. We became friends, hanggang nung third month na magkaibigan kami, umamin siya na gusto niya ako. Though shocking, siyempre umamin na din ako na gusto ko din siya. Mutual feelings, walang ligawang nangyari. Well, sabi naman ng ate ko, hindi yung ligawan ang pinapatagal, dapat yung relasyon. So far naman, masaya kami ni Micko. Three months down, I hope, forever to go.

------------------------------------------------------------------------------------------

Comment down your feelings. I accept criticisms as long as it is constructive :)

Past, Present, FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon