Chapter 3

298 6 0
                                    

Annyeong! Chapter 3 na po ^^ Sa mga nagbabasa po, salamat ng marami. Vote, comment na din po kayo, juseyo! Thank you thank you!

PS: Tadtad po 'to ng flasbacks xD

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mira’s POV

          “Ano?” gulat kong tanong. Nandito kami ni Micko sa seaside.

          “Mag-break na tayo.” Sabi ni Micko. Nakatingin lang siya sa dagat, emotionless ang mukha.

          “Bakit?” tanong ko.

       “Kailangan ba ng rason? Gusto ko nag makipaghiwalay, siguro naman sapat na yun.” Umapaw yung galit ko.

          “Gago! Anong feeling mo, masa-satisfy ako diyan sa rason na yan?! Micko naman! At least entitled ako ng isang explanation kung bakit ka nakikipag-hiwalay!” sigaw ko. Tinignan lang niya ako.

          “Hindi ko kailangang magbigay ng rason sa’yo, Miranda. Basta ayoko na, yun na yun. Ngayon, kung ayaw mong tanggapin yun, bahala ka na.” tumayo siya at naglakad palayo. Naiwan ako dun na nakatunganga. Nung nag-sink in sa akin na iniwan na niya ako, napaupo ako. Nag-uunahang dumaloy mula sa mata ko yung luha. Grabe, ganon ba ako ka useless? Nakipaghiwalay siya sa akin na walang rason na iniwan. Ano ba ang pagkukulang ko?

          “Miss, ok ka lang?” napatingala ako. Nakatayo sa tabi ko ang isang lalaki.

          “Ah, oo.” Tumayo ako nagsimulang maglakad palayo.

          “Miss, sandali.” Tumigil ako at tumingin sa kanya.

          “Bakit?” raspy na yung boses ko. I bet mukha akong bruha nun. Tumakbo siya palapit sa akin.

          “Eto.” Inabot niya yung panyo niya sa akin.

          “Ah, wag na.” tanggi ko. Nakakahiya naman. Ngumiti siya, parang anghel.

          “De, sige na. Punasan mo na yang luha mo. Sayang, ang ganda mo pa naman, tapos umiiyak ka. Sige na, kunin mo na.” kinuha ko yung panyo niya at pinunas sa luha ko.

          “Salamat, sorry, nabasa tuloy.” Inabot ko ulit yung panyo sa kanya.

          “De, itago mo na muna. Sorry, pero nakita ko yung nangyari eh. Alam ko hindi ka pa tapos umiyak. Hayaan mo na yung lalaking yun, di naman siya deserving ng isang gaya mo. Sige, alis na ako.” Kumaway siya at tumakbo palapit sa isang nakaparadang kotse.

          “Sandali!” pero nakasakay na siya at umalis na yung kotse. Di ko man lang natanong yung pangalan niya.

          Nung gabing yun, hindi ko alam kung paano ko haharapin yung mga susunod na araw na wala na si Micko. For five months, naging permanent fixture ng buhay ko si Micko. Pero nung gabi ding yun, nakilala ko si Matt. Though hindi ko talaga siya nakilala formally, dahil sa panyo niya, nakilala ko siya. Pagdating ko nun sa bahay, binuklat ko yung panyo at nakita yung naka-embroider na ‘Matt’ sa corner nung panyo.

          Ewan ko kung anong meron, pero sa tuwing naiiyak ako dahil sa pakikipaghiwalay ni Micko, yung panyo ni Matt ang magbibigay ng comfort sa akin. Parang may magic na kapag nahawakan ko na yung panyo ni Matt, mas mabilis kong mapapakalma yung puso ko. Naalala ko kung paano ko ulit nakita si Matt.

[Flashback]

“Mira, bilisan mo na, andito na yung model.” Sabi nung photographer.

“Opo, Kuya Sean, papunta na.” stylist/make-up artist ako sa studio ni Kuya Sean. Specialty niya ang mga image model ng mga famous clothing at shoe brands. Dahil wala naman akong gaanong ginagawa at diversion na rin ng atensyon, nag-volunteer ako na tumulong na lang sa studio. Pinsan ko si Kuya Sean.

“Mira, buti andito ka na. Dali, nasa dressing room na yung model. Nandun na din yung mga susuutin niya, ikaw na bahala mag-mix and match ng outfits, ok? I trust you.” Sabi ni Kuya Sean. Tumawa naman ako at dumiretso sa dressing room. Nakita ko na may isang lalaki dun at dalawang staff ng studio ni Kuya.

“Ay, alis na kami, andito na yung stylist mo.” Lumingon yung lalaki at nagulat ako.

“Matt?” ngumiti siya sa akin. Eh? Grabe, hindi ko in-expect na magkikita ulit kami.

“Hi.” Sabi lang niya.

“Kilala mo siya, girl?” tanong ni Amber.

“Uh, medyo.” Nag-shrug na lang yung dalawang staff at lumabas na sila. Ako naman, medyo na-awkward. Duh, eto yung nakasaksi ng break up namin ni Micko.

“Uhm, upo ka na…make-up na muna ang gagawin natin.” Tumango siya at umupo sa harap ng isang lighted vanity mirror. Hinalungkat ko yung wardrobe collection. Mosty black and grey. May ilang ding studded leather jackets. Gangster type.

“Pano mo pala ako nakilala?” tanong niya habang nilalagyan ko ng base yung mukha niya.

“Nakita ko yung pangalan mo na naka-embroider dun sa panyo na binigay mo…oh, wag ka dumilat.” Ang kulit kasi eh, dilat ng dilat.

“Ah, anong pangalan mo?” kinuha ko yung eyeliner.

“Wag ka didilat, baka matusok yang mata mo.” Sabi ko. Nung ididikit ko na yung liner sa mata niya, dumilat bigla. Nagulat ako kasi nagtama yung mata namin.

“Ano ba? Sabing wag didilat.” Sinimangutan ko siya to cover up the embarrassment.

“Ano muna pangalan mo?” sabi niya.

“Mira. Ok na? Pikit.” Pumikit naman siya. Medyo kinapalan ko yung eyeliner niya, gangster ang theme na naisip ko. Buti na lang at chinito sya, kaya bagay ang eyeliner. Bukod sa eyeliner, wala na akong ibang nilagay. Pagkatapos ko siyang lagyan ng make-up, pinapasok ko na siya sa isang cubicle at inabot sa kanya ang isang black pants, white sando at isang leather jacket. Lumabas siya na suot yun at I have to admit, sobrang bagay sa kanya.

“Teka, ayusin ko yung buhok mo.” Miness up ko yung buhok niya. Ang cool niya tignan.

[End of Flashback]

          Dun nagsimula yung friendship namin. After ng shoot, inaya niya akong kumain at sumama naman ako. So far, ang gaan nung loob ko na kasama siya. Dahil din kay Matt, unti-unti kong nakalimutan si Micko. Niligawan niya ako at after five months, sinagot ko siya. Buong relasyon namin masaya ako at mas madalas pa na makalimutan ko ang schedule ko kaysa maalala si Micko. Dahil yun kay Matt. Pero mukhang mababasag yung pader na binuo ko sa puso ko para ikulong yung mga nararamdaman ko para kay Micko. Bakit kasi bumalik pa siya?

Past, Present, FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon