Chapter 11

164 3 0
                                    

[Matt’s POV]

          Binitiwan ko si Micko nung sumigaw si Mommy. Humarap ako kay Mommy.

          “Ma, hindi ko siya kapatid! After that annulment, wala na akong kapatid.” Sabi ko kay Mommy.

          “Matthew, hanggang ngayon ba hindi mo pa napapatawad ang Kuya mo at ang Daddy mo?” tanong ni Mommy.

          “Ma! Pano ko sila mapapatawad kung alam kong sila ang rason kung bakit miserable at magulo ang buhay natin ngayon? Sila ang rason kung bakit sira ang pamilya natin! Si Micko, siya ang rason kung bakit gabi-gabi kang umiiyak, kasi nagungulila ka sa panganay mong anak! Yung lalaking yun na sinasabi mong ama ko, siya ang rason kung bakit laughingstock ka ng mga kaibigan mo dahil sa failed marriage niyo. Now you expect me to forgive them?!” nilabas ko na lahat ng galit ko.

          “Anak, learn to move on. Hindi na masaya ang daddy mo sa akin, at selfish kung ikukulong ko siya sa relationship namin. Ako ang nag-propose sa kanya na mag-pa-annul na kami.” Pag-explain ni Mommy.

          “Ma! Wala akong paki-alam kung sino sa inyo ang nagpasimula ng annulment na yan. Ang alam ko lang, I hate them for leaving us!” sabi ko.

          “Akala mo ba, madali para sa akin na iwan kayo ni Mommy at pumunta ng States? Hindi Matt! Sobrang mahirap din para sa akin yun. Lalo at alam ko na maiiwan sa’yo yung responsibilidad kasi aalis na kami ni Daddy.” Sabi naman ni Micko.

          “Kung alam mo naman pala na mahihirapan ako, bakit ka pa sumama kay daddy?” challenge ko kay Micko.

          “Dense.” Sambit ni Micko.

          “Hah, wala akong paki-alam sa’yo.” Nakita ko na nakatayo sa pinto ang lalaking nag-iwan kay mommy, ang daddy ko.

          “Kailangan ko si Micko para sumuporta sa akin at humawak ng negosyo ko habang inooperahan ako.” Sabi niya.

          “Opera?” tanong ko.

          “I have gone under a bypass sugery. Hindi mo yun alam, kasi hindi ko pinaalam sa’yo. I don’t want you to pity me, or spite me. Kaya tinago ko.” Mahaba niyang sabi.

          “Will that make things right?” tanong ko sa kanila.

          “Anak, this family will not be considered broken if we are in a harmonious relationship. Hindi man tayo nasa iisang bubong at magkaiba man kami ng daddy niyo ng partners ngayon, ang importante ay may kinikilala kayo na ama at ina. Sapat na yun.” Sabi ni Mommy. Tumingin ako kay Micko.

          “Simulan mo ang pakikipag-ayos mo sa akin sa pagka-klaro mo sa sinabi mo na mawawala na si Mira sa akin.” Huminga siya ng malalim.

          “Hindi ako ang dapat na magsasabi nito sa’yo, pero sige. Matt, engaged na si Mira. Ikakasal na siya.”

          Parang may atomic bomb na binato si Micko sa akin. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko. Napaatras ako. Tapos tumakbo ako palabas. Narinig kong sumunod si Micko.

          “Saan ka pupunta?” pinigilan niya ako.

          “Pupuntahan ko siya, Kuya. Hindi ako papayag!” pilit kong hinila yung braso ko.

          “Matt, wala na tayong magagwa, may mga rason si Mira.” Hinarap ko si Kuya.

          “Hindi ako papayag na mawala si Mira sa akin, Kuya. Kailangan ko siyang makausap, kailangan ko siyang pigilan.” Nahila ko na yung braso ko at tumakbo ako papuntang garahe. Nag-drive ako papunta sa bahay nina Mira. Umiiyak ako, natatakot ako eh. Mawawala na ba talaga si Mira sa akin? Hindi pwede! Agad akong bumaba at kinalampag yung gate nina Mira.

[Mira’s POV]

          “Mira! Mira!” nagulat kami nina Mommy dahil sa mga tunog ng kinakalampag na gate at yung sumisigaw.

          “Anak, sino yun?” tanong ni Mommy. Naulit pa yung pagsigaw ng pangalan ko.

          “Matt?” tumakbo ako palabas ng bahay. Kinakalampag pa rin yung gate kaya binuksan ko na. Pagkalabas ko, niyakap agad ako ni Matt.

          “Hindi naman yun totoo di ba? Nagbibiro lang si Micko, di ba?” naramdaman ko yung luha niya na tumutulo sa likod ko.

          “Matt, anong ibig mong sabihin?” inilayo ko siya sa akin.

          “Ikakasal ka na? Totoo ba?” Napalunok ako sa tanong niya. Niyugyog niya ako sa braso.

          “Hindi naman di ba?! Di ba Mira?!” nakakaawa si Matt. Umiiyak siya.

          “Matt, sorry…” binitawan niya ako at yumuko ako. Tumulo na yung luha ko.

          “Mira, is everything okay?” napalingon kami ni Matt sa boses ni Gie.

          “Siya ba ang pakakasalan mo?” tanong ni Matt. Tinignan ko siya at tumango. Tumlikod si Matt at sinipa yung trash can sa harap ng bahay namin. Tapos lumapit siya sa pader at pinagsusuntok yun.

          “Man, stop!” nilapitan siya ni Gie at sinubukang pigilan, pero tinulak siya ni Matt.

          “Matt, tumigil ka na!” dumudugo na yung kamao niya.

          “Akala ko ba ako ang mahal mo?! Bakit magpapakasal ka sa iba? Mira, isang buwan pa alng tayong nagkakalabuan, tapos eto?!” hinawakan niya ako sa balikat at humihigpit yung hawak niya dun habang tumatagal.

          “Matt, wala akong choice.” Sabi ko sa kanya.

          “Nasasaktan si Mira.” Sabi ni Gie, nakita niya ata na ngumingiwi ako.

          “Wag kang makialam!” binulyawan siya Gie.

          “Gie, iwanan mo muna kami. Mag-uusap lang kami.” Tumango si Gie at pumasok siya sa loob.

          “Bakit, Mira?” tanong ni Matt sa akin.

          “Kailangan kong gawin ‘to, Matt…” binitiwan niya ako.

          “Pano tayo, Mira?” gumaragal yung boses ni Matt. Lalo akong nasaktan.

          “Hindi ko alam, Matt.” Sabi ko sa mahinang boses.

          “Ganito na lang ba? Wala na yung 9 months? Hindi ka nga nag-end up kay Micko, pero mawawala ka din sa akin.” Sabi ni Matt.

          “Wala akong choice, Matt.” Sabi ko sa kanya.

          “Meron, Mira. Choice mo na ipaglaban ako. Pero hindi mo ginawa.” Pagkasabi nun ni Matt, sumakay na siya sa kotse niya. Naiwan ako dun na umiiyak. Biglang umulan. Naalala ko yung gabi na naligo kami ni Matt sa ulan, yung huling gabi na ok kami, wala kaming problema, yung masaya kami.

          Napaupo ako sa pavement. Nung iniwan ako ni Micko, si Matt ang naging knight in shining armor ko. Siya yung nagpadama ulit sa akin na kahit iwan ako ng prinsipe na akala ko makakasama ko habang buhay, mayroon at mayroon pa ring ibang prinsipe na darating sa buhay ko at sasagip sa akin. Pero sinaktan ko si Matt…sinaktan ko yung tao na sumagip sa akin. Naramdaman ko na hindi na ako natutuluan ng ulan. Tumingala ako at nakita ko si Gie, holding an umbrella over me.

          “Tara na, baka magkasakit ka.” In-offer niya yung kamay niya sa akin at tinayo niya ako.

          “Gie, sinaktan ko siya.” Humihikbi kong sabi.

          “Mira, that is inevitable. Walang choice, kundi ang i-push to. I feel sorry for what happened, though.” Niyakap niya ako. Pati tuloy siya, nabasa yung front ng shirt. Inakay niya ako papasok.

------------------------------------------------------------------------------------------

Comments...^^

Past, Present, FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon