*Unknown guy’s POV
Magkakasama kami dito magkakaibigan sa bahay. Nagkayayaan kasi na mag-inuman. Wala naman si mama at papa dito sa bahay kaya pwdeng pwde. Sa totoo lang hindi naman talaga inuman ang magaganap dito tss. Kilalang kilala ko na ‘tong mga kaibigan ko. Alam nilang hindi ako umiinom kaya sasabihin nila na buksan ko yung playstation 2 namin kapalit ng hindi ko pag-inom. Ang utak diba?
“Hoy kayo ang babata pa natinn inuman agad?”
“’to naman oh disisais ka na ikaw nga pangalawa sa pinaka matanda sa grupo!”
“Oo nga kuya mas matanda ka nga sakin sige na pagbigyan mo na sila tignan mo dinayo pa nila tayong dalawa dito sa bahay”
“ Aba magtigil ka dyan mas bata ka nga sakin daig mo pa ako ano?”
“Hehehe biro lang kuya kaw naman. Eh ano gagawin natin ngayon ha?”
“Hmmm .. bat di na lang natin laruin yang playstation 2 nyo kesa mabulok yan dito sayang naman diba?” sabi ng isa kong kaibigan
“Yun oh! Oo nga tol sige na tagal na natin di nakakapaglaro!”
“Yehey! Kuya pleaseee? Kunin ko na sa kwarto mo ha?”
Psh. Sabi ko na. Yun din yun eh. Eto talagang kapatid ko malamang tinawagan nya yang mga yan para magpunta dito alam kasi nyang hindi ko sya papayagang maglaro. Di ako mahilig magpipipindot tss.
“Naka set up na!”
“Oh ako player number 1! Ako muna ha!” sabi ng kapatid ko
“Osige ako next ha?! Sabi ng isa ko pang kaibigan
“Ako next sayo!”
“Ako next!”
Hays. Sige mag enjoy kayo. Nakakatuwa rin naman silang pagmasdan. Habang ako eto kumakain lang ng cheesy. Stress reliever ang iingay nila eh?
“K.O! Paul Phoenix win~”
“Nakssss!!!! Hahaha natalo ka nitong batang ‘to hahaha tol ang galing ng kapatid mo ah praktisadong praktisado!”
“Tol naman eh kailangan bang magsalita ng malapit sa tenga ko talaga? Lakas maka megaphone!”
“Hahaha shet pwde ka na palang isama sa rally! Makakatipid pa sila dahil d na nila kailangan ng megaphone astig!”
“Magtigil kayo! Pinupuri ko lang naman si bunsoy eh! Eh yung kuya ayun kain lang ng kain ng kanyang paborito!”
Ang iingay talaga nila. Ubos na rin ‘tong kinakain ko. Makisali na nga lang sa kanila.
“Peram isang controller.”
Nagtinginan sila sa isat isa sabay sabing “Tama ba ‘tong nakikita natin?”
“Magtigil nga kayo mga loko loko! Palaro!”
“Wooooo!!!!! Pagbigyan na yan minsan lang yan!”
Ang kalaban ko ay si Ryan. Mga bihasa na ‘to. Let’s see who’s gonna win *smirk*
After 1 game . .
“Hanep!!!!!!!!”
“Waaaa i lab yu na pare!!! May hidden talent ka pala ah!”
“Kuyaaaaaa waaaaaa *aakmang yayakap sakin*”
“Tssss get your hands off me! Nababakla na ba kayo?”
“Hahahaha hanep pare ang galing mo pala ah pano yung combo na yun?!”
“Secret.”
“Ehhhhh kuyaaaa sige na!”
“A-YO-KO.”
“Ang damot!!!!”
“Pero seryoso pare walang nakakatalo kay Ryan! Siguro palihim kang naglalaro sa kwarto mo no?”
“Oo nga kuya kaya siguro ayaw mo ko pahiramin kasi ikaw ang maglalaro!!!!!”
“Chamba lang mga tol hahahah”
Hanggang gabi naglalaro lang sila. Walang sawa. Gabi na rin bumalik na ko ng kwarto ko. Naiwan ko palang naka charge ang phone ko tsk buti hindi kami sumabog dito.
*1 message received*
“Tol pwede ko ba mayaya si Aiane? You know na”
Tsk. Hindi pwde.
“Alam mo na sagot jan tol.”
Aba ang bilis mag reply ng loko.
“Ang damot naman tol. Kung ikaw hindi mo kaya ako kaya ko”
Napaisip ako. Ang duwag ko. Bakit di ko ba kaya? Matagal na rin naman bago nangyari ang lahat.
Sigh.
Nagbasa basa ako ng mga text na naiwan sa inbox ko. Matagal tagal na rin pala. Nakita ko ang text nya. Gusto ko sanang replyan sya ulit pero siguro wag na lang muna.
Humiga ako sa kama ko. Nakatingala lang ako sa kisame. Bakit pakiramdam ko ako pa ang hindi maka-move on? So gay! Shet langs. Natatawa ko sa sarili ko parang kailan lang ako ang malaking gago na nagparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang magmahal.
Kailangan ko na sigurong kumilos ulit. Bukas na bukas rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/10021333-288-k5fb979.jpg)