Flashback:
“Mom balik na tayo ng Philippines please?”
“Ask your Dad.”
“But-“
“Let’s talk about it later anak pagod si mommy from work okay?”
“Yes mom.”
I wanna go back to Ph wth! I’m tired of speaking English already! I miss our house. I miss my friends. I miss my bestfriend and I miss her! Damn!
Kung hindi lang namin kinailangang umalis noon baka hindi ako nagsinungaling sa kanya. I still remember what I said to her that moment . . actually she’s my first puppy love. Childhood crush in other term.
Natatawa na nga lang ako kapag naaalala ko yung mga binitiwan kong mgasalita noon sa kanya para lang lubayan na nya ako. Sya kasi yung tipo ng babae na madaling paiyakin. Asarin mo lang ng konti, maluluha na agad. I treated her as my younger sister before, until one day narealized ko na crush ko sya.
. .
“Ced?”
“Yes? Come in”
Oh it’s my dad. What does he need?
“Anak your mom told me you want to go back to Philippines already. Is it true?”
“Uh .. yes dad. Ayoko na po dito. I want to see my mom. My real mom. Please dad?” sabi ko
“Why? You’re not happy here? Maraming opportunity dito, after ilang years lang pwde mo na rin kunin ang mama mo pati ang mga kapatid mo.”
“But dad I want there. Let me decide for my self. 16 na ako, Im not that 12 year old boy na binitbit mo ng sapilitan noon.”
After that conversation, 1 week lang ang nakalipas boom I’m here in the Philippines already.
June 2007
*Airport*
I have many plans. First and foremost te-text ko ang mama ko. Excited na kong makita ulit sila! Yeaboy!
“MA SI CEDRIC TO!!! IM HERE IN THE AIRPORT PAKI-SUNDO AKO PLEASE MARAMI AKONG DALA!!!”
HAHAHA Hindi ko sya tinext, tinawagan ko na na-excite ako!
“AYYYYY jusko kang bata ka makasigaw ka! Oo sige papunta na kami jan stay put lang anak! Love you!”
“Love you too ma! Dalian nyo ha!”
Next, Im gonna text my other friends, syempre pati bestfriend ko.
To: Lee, Ryan, Wilson
Hey!!! Andito na ko sa Ph! Wanna have some fun? Treat ko!
Message sent.
They all replied! Nakakamiss talaga sa pinas! Iba talaga kapag nasa home town ka! I miss the polluted air HAHAHA
--
-HOME-
Wew nakakapagod ang byahe at the same time ang sarap sa feeling! Nakaka-hyper! I go to my room as fast as I can sabay higa sa kama ko!
Nag muni muni muna ako at tinignan ang details ng kwarto ko. Walang nagbago. Kailangan lang ng konting pagbabago dito. I hurriedly open my laptop, ofcourse kinuha ko muna sa maleta ko.
I sign in to Facebook. Ti-nype ko sa search button ang pangalan nya. CHARITY MENDIOLA (Aiane). ENTER. Tinignan ang profile nya. She’s still using “Aiane” pala as her nickname. Ang layo sa pangalan ano? Charity tapos biglang Aiane? Di ko nga alam ang buong pangalan nya. Actually first name lang nya ang alam ko, nahanap ko lang sa facebook ang surname nya sa tulong ni Ryan, one of my friends. Tch. There’s a history behind that name pero let’s not talk about it first. As far as I remember ako ang nagpangalan sa kanya noon. Damn, she’s pretty now.
Everyday atang ganito. Hindi ba kayo nagtataka bakit sini-search ko pa sya? Ayoko kasi syang i-add. Hindi ko alam anong paliwanag ang sasabihin ko sa kanya. Akala ko kasi noon mabigat na ang pag alis ko ng bansa, kaya nag gawa gawa pa ko ng dahilan para lang hindi na nya ako maalala. Akala ko kasi hindi na ako makakabalik dito. Naduduwag tuloy ako ngayon na harapin sya. Kaya eto, hanggang tingin lang ako sa profile nya.
Ang babaw ng dahilan. Kung malalaman nyo ang pinagsasasabi ko sa kanya . . matatawa kayo sigurado. Halatang bata pa ako dahil ang babaw! Hay basta-
*knock knock* “Ced may bisita ka”
“Sino yan ma?”
“Si Lee”
“Sige po wait lang pakisabi”
Nagkwe-kwento pa ako eh. Letchugas naman! As I was saying ganito kas-
“Hoy Cedie!!!!”
Naknamputs.
“Eto na nga Lee! Di makapag hintay!”
BLAG BLAG BLAG!!!!
Padabog akong bumaba ng hagdan
Lee: Tol!!!! Long time no see! Pasalubong ko?!
Ako: Tol.I.CANT.BREATHE! Stop hugging me! Are you gay now?
Lee: HAHAHAHA OO PAPA CEDIE I LAB YU!!!!
Ako: FUNNY!!! MAAAAAA ILAYO MO SAKIN ‘TO!!!
Lee: HAHAHAHA! Eto naman namiss lang kita!
--
That was the exact scene nung unang araw ng pagbalik ko dito sa Philippines. The next day nag punta naman dito sila Ryan at yung iba ko pang kaibigan. Playstation ko ang pinagdiskitahan. Ewan ko ba, matagal akong nawala but still the feelings are still the same, ganun ata kapag group kayo (lalo na kapag lalaki) kasi for sure ang mga babae maraming arte.
I enrolled in Private School (St. Rita High) malapit lang samin para iwas late hehe lamnyona I’m not a morning person kasi. Since napunta ko ng States hindi na ko nasanay sa pag gising ng maaga, my step mom is always busy with her work and maaga sya umaalis. The result, walang gumigising sakin. That’s why I miss my real mom. Bibig palang nun talo na ang machine gun noon bago ako umalis. Thanks God nandito na ko ulit!
I was excited to go to school. Nag enroll nga agad ako. Nakakamiss yung culture dito sa Pinas! Of course, dumaan ako sa adjustment period. Tingin sakin ng mga classmates ko genius ako, ang hindi nila alam eh advance kasi mag turo sa States. Enough said. Plus pala yung accent ko, feeling ko tuloy Conyo ako (na parang totoo naman) but I’m still practicing how to speak in tagalong without this freaking accent AGAIN.
Marami rin akong naging friends na guys. Ang cool ko daw pumorma. Say thanks to my Dad dahil kung hindi nya ko kinaladkad sa papuntang States hindi ko naman makukuha itong ganitong pormahan *wink*
Mawawala ba ang girls? Modesty aside, you know girls naman attract na attract sa mapopormang lalaki (na tulad ko) plus the hair? Maka-laglag panty (daw) yon sa kanila based sa isang girl na nagtapat sakin. I’m not a heartbreaker though kaya syempre I entertained her. In the end, ayun umiyak sya kasi pinapaasa ko lang daw sya. Ang mga babae kasi they loved to assume things, they interpret it then boom. Kaya later on iiyak iyak sila.
Ironicaly, isa rin naman akong umaasa parin sa kanya. Stalker nga eh hahaha :(
Ang alam ko wala pa syang naging boyfriend since umalis ako. Nasaktan ko ata talaga sya kaso handa naman akong ayusin ang lahat mula sa simula.
Pagkakataon na ang nagsasabing pwde pa, I’m gonna push my luck this time.
Charity, you will be mine. Soon.