Jeiron’s POV
Hindi ako makapaniwala na nasa kabilang kama lang sya at itong kurtina lang na ‘to ang tanging naghihiwalay samin.
Binalewala ko ito sa pag aakalang madali rin itong mawawala. Para tuloy gusto ko ng kainin ang sinabi ko noon na there’s plenty of fish in the sea. Marami nga, pero hindi naman yun ang gusto mo. Anong sense diba?
Kung hindi nga naman wrong timing tumatawag pa yung bestfriend ko. Buti na lang naka-silent ang phone ko kung hindi lagot talaga ko potek.
“Oh bakit? Whaaat?! Hintayin mo ko jan.” Sabi ko.
Peste ‘to ngayon pa ko dinalaw kung kailan magkalapit kami. Dibale na nga. Duwag din naman ako. Lalaki ba talaga ko? HA.HA.HA. Natawa ko sa sinabi ko akalain mo yun?
Dahan dahan akong tumayo at umalis mahirap na. Nagpaalam na ko kay Ate Sy.
Lalabas na sana ako ng . .
“Hoy bata ka nanjan sya ah kinausap mo na ba?” sabi nya.
“Hindi.” Sagot ko sabay alis.
Marami na namang sasabihin yun kaya inunahan ko na. Tinignan ko ang cellphone ko at ang loko tumatawag na naman
“Pare naman asan ka na ba? Kanina pa ko dito!” sabi nya sa kabilang linya
“Eto na nga oh! Asan ka ba? Punta ka na lang dito sa harap ng clinic. Dito kay ate Sy. Alam mo naman yun diba” Sabi ko.
End call.
After 5 minutes . .
“Yo.”
Pag tingin ko eto na sya.
“Bat ang tagal mo?” sabi ko
Tumango sya na parang naga-angas sabay sabing
“Eh natural hindi naman ako taga dito tanga lang?”
Gago ‘to ah. Umaangas na ata.
“Angas ah”
“HAHAHAHAHA! Effective ba Lee?” habang nakahawak sa tyan na sa sobrang pagtawa at maluha luha pa
“Ganyan ba mga kaibigan mo sa St. Rita High?
“Eto naman para niloloko lang! Wag serious tol chill lang!”
“Mantanga kasi tol akala ko nilamon ka na ng mga tao dun eh!” sabi ko sa kanya habang hawak hawak ang kwelyo nya
“Ikaw ata itong umaangas hawak mo pa kwelyo ko chill lang sabi eh?”
“Ah hahah sorry hindi ko napansin. Nadala ako sa angas get-up mo”
“Nyeta naman di ka pa nasanay parang hindi mo rin ako pinagtri-tripan noon ha?! Gusto mo isa-isahin ko?” sabi nya pagkabitaw ko sa kanya
“No need to mention dude baka di na tayo matapos!” natatawa kong pagsabi sa kanya
“Yun pala eh. San nga ba tayo pupunta?”
“Sa dati” sabi ko.
Alam nya na yun.
Nandito kami sa parking lot ng Gonzales High.
“Sakay na ano pa hinihintay mo? Pasko? Matagal pa yun tol! Ay malapit nap ala pero kahit na!”
“Ang ingay ng bibig mo para kang hindi lalaki. Yan siguro nakuha mo sa St. Rita noh? Maiingay pala ang mga rich kid!” panga-asar ko sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/10021333-288-k5fb979.jpg)