Umakyat na lang ako sa kwarto ko.
Iniisip ko pa rin ung pangatlong utos.
Nang biglang magring yung cellphone ko.
I was so disappointed kasi akala ko si Jeff, si Kristine lang pala.
I answered the phone.
"Oh? Bakit?"
(Labas tayo)
"Saan?"
(Nood tayo movie. Showing na ung paborito natin. My treat.)
"Ok."
(Lumabas ka na. Andito na ako sa tapat ng bahay nyo)
Sumilip ako sa bintana. Kristine is standing beside her car.
"Timang ka talaga kahit kelan. wait lang i'll change my clothes."
(Ok. hurry up)
Pagkarating namin sa movie house bumili na kami ng ticket at pop corn. Ilang minuto lang nagsimula na ung palabas.
Kahit na matagal ko nang inaabangan itong movie na toh. Wala akong naintidihan. Ito kasi ung movie na pinaplano naming panoorin ni Jeff.
Kung hindi lang sana kami nagbreak, siguro naenjoy ko ang movie na toh.
Pagkatapos ng movie, Nagpaalam saken si Kristine magc-CR lang daw sandali.
Pinagmamasdan ko ung mga tao.
Buti pa sila masasaya.
Tapos may nakita akong lalaki sa di kalayuan.
Akala ko na mamalik-mata lang ako kaya pumikit ako.
Pagmulat ko andoon pa rin sya.
oo, sya nga.
ang lalaking nag-iwan sa akin.
Nakatayo sya na parang may hinihintay.
Sinundan ko kung saan sya nakatingin.
Girl's Comfort Room?
Bakit doon.
Maya-maya lumabas si Pia ng Comfort Room.
Nilapitan nya si Jeff sabay niyakap.
Then they kiss each other.
Alam kong hindi un ung first kiss.
o ung second kiss,
at lalo namang hindi un ung friend's kiss.
It was a kiss of a couple.
Palabas na sila ng Movie House ng biglang lumingon si Jeff.
S*** . Nakita nya ko.
Agad na nagbago ang expression ng mukha nya.
Alam kong nagulat sya.
Hello? Mas lalo naman kaya ako.
Wala pang tatlong linggo kaming nagbebreak meron na agad sya.
Ganun ba ako kadaling palitan?
Nagpatuloy lang sila sa paglalakad.
Hindi ko alam kung nakita ako ni Pia.
Pero ano bang pakialam ko.
Pesteng buhay naman toh.
"Ches, Why are you crying?" Kristine asked.
Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako.
"Let's go home"
Pagkauwi, bagsak na agad ako sa kama. Hindi ko na iniisip magpalit ng damit. Wala na akong pakiaalam kung ano na ang itsura ko.
Basta ang gusto ko lang umiyak ng umiyak.
Tama nga. Hindi na dapat kami maging magkaibigan.
hindi ako lalo makakapag move on.
KINAUMAGAHAN
Wala akong balak pumasok. Late na naman ako sa 1st subject ko eh.
Pagharap ko sa salamin. . .
Hindi ko na makilala ang sarili ko.
Lusaw na maskara dahil sa kakaiyak, magulong buhok, kalat na lipstick sa pisngi.
Mukha na akong Zombie.
Ano ba tong ginagawa ko.
Bakit ba lagi ko na lang hinahayaan na paiyaakin ako ng mga lalaking yan.
May nakita akong dalawang sticky note sa study table ko.
4th Commandment :" Do not bad-mouth your ex to other people"
5th Commandment: "Get rid of anything that reminds you of him"
O___________________O
Hala! Ano na?! Sabay na yung dalawa.
Paano ko naman kaya maiiwasang hindi magsabi ng masama laban sa lalaking un? Ano bang buhay naman toh sa ganung paraan na lang nga ako nakakaganti sa kanya eh.
Tapos naging Commandment pa. tss
Saklap ng buhay.
Wala na bang mas lalala pa dito?

YOU ARE READING
TEN BREAKUP COMMANDMENTS (Completed)
Teen FictionPaano nga ba mag cope up sa isang breakup ???