Pumasok ako ng half-day sa school.
Kailangan ko rin pala dumaan sa Office ng Publication.
Bago ako pumunta sa office dumiretso ako sa my locker room.
Pag bukas ko ng locker ko may nahulog na kapirasong papel.
Pinulot ko at binasa.
We need to talk - J
Un ung nakalagay. eh sino pa bang J un. Kundi si Jeff lang.
At bakit namin kelangan mag-usap.
We need to talk?
As far as i can remember wala nang WE sa aming dalawa.
Anong gusto nyang sabihin saken.
Gusto pa ba nyang ipamukha sa akin na may kasama na syang iba.
And to think na kasama pa namin sa Publication ung babaing ipinalit nya saken?
Ang KAPAL hah.
Biglang bumukas ung pinto ng locker room.
Pumasok si Wes.
"oi. Cheska. Kamusta?"
"Eto miserable. Iniwan ako nung walang kwentang Jeff na yun"
"Nakanaks. Ang Emo. Wag mo na ngang isipin ung walangkwentang Jeff na yun ."
"Tama ka." sang-ayon ko. Shocks. Sinabi ko ba talaga ung walang kwentang part?? And again I broke commandment #4.
NaKita ko ung ibinigay nya sa aking fake na Publication na naka frame.
Binigay nya sa akin un nung 1st anniversary namin.
Then I remember Commandment #5.
Naghanap ako ng trash can. And luckily nakakita naman ako.
I shoved the frame on the trash can.
Himala ata hindi ako nahirapang itapon ngayon.
Importante un sa akin NOON.
Pero paano nga naman ako makaka move on kung lahat ng bagay na pag mamay-ari ko ay sya ang nakikita ko.
Reality check "Hindi ko kailangang mabuhay para sa kanya" un ang isang bagay na nakalimuta ko noong kami pa.
Oo nga nuh.
Noong kami pa kelangan lagi kang mag-update kung nasaan ka.
TXT. TAWAG. TXT. TAWAG. TXT.
Nakakaloka na nga minsan.
Tapos wala nang ibang kwento kundi tungkol sa DOTA, BASKETBALL, DOTA AT BASKETBALL.
Paulit-ulit na lang.
Magagalit sayo kapag hindi mo sinunod ang gusto nya tapos kapag ikaw naman ang nagdemand hindi ka sinusunod.
Ang weird lang talaga ng PAGMAMAHAL na yan.
Nakakatuyo ng utak. Hindi ko namalayan mga 30 mins na pala akong nakatayo sa taabi ng basurahan.
Hanggang sa tumunog na ung bell for fifth period.
Nakita ko si Jeff nakatayo sa may hallway di kalayuan sa akin.
Alam mo ung eksena sa mga teleserye.
Ung tipong nakatayo lang kayo sa magkabilang dulo ng hallway habang may mga estudyanteng dali-daling pumupunta sa kung saan-saang direksyon.
Perfect scene na sana kung hindi lang mag EX ung dalawang character sa totoong buhay.
Hanggang sa tumunog na ung final bell.
Wala ng mga estudyante.
Kami na lang.
Lumapit sya sa akin.
"Did you got the note?"
"Yeah"
"Kelangan nating mag-usap."
"Para saan pa?" hindi sya makatingin ng diretso sa akin.
"Mers. . ."
"Pwede ba Jeff stop calling me Mers. Nakakairita"
"Bakit dati naman hindi ka naiirita kapag yun ang itinatawag ko sa'yo."
"Well as you can see people change. Parang ikaw madaling nagbago, madaling magpalit."
"Cheska wag mong idamay si Pia sa paghihiwalay naten. Hindi lang talaga tayo nag work-out."
"Hindi nag work out.? so laro lang pala talaga sa'yo ung halos 3 years nating pagsasama?"
"Cheska listen to me. . . "
"Cheska listen to me?? Ganyan na lang ba lagi? Jeff pagod na pagod na ako sa pakikinig sa'yo. Now you listen to me. I don't care kung ganyan mo ako kadaling palitan. Mas lalo namang wala akong pakialam kung si Pia o kung sino pa man ang ipalit mo saken. You only prove one thing to me. . .YOU DOESN'T DESERVE TO BE LOVE BY ME."
Nagtuloy-tuloy na ako palabas ng Campus.
Dapat pala hindi na lang ako pumasok ngayong araw.
Pero yun na mismo siguro ung closure na hinihingi ko.
Pag sakay ko sa kotse. okay another stick note on the dash board.
#6 Start an exercise regime
#7 Pursue an interest you could not have pursued while you and your EX were together.
Tama!
Ganun nga ang gagawin ko.
I know i am half my way over HIM.
YOU ARE READING
TEN BREAKUP COMMANDMENTS (Completed)
Ficção AdolescentePaano nga ba mag cope up sa isang breakup ???