Laine's POVAng dami nang nangyari sa buhay ko, eto, panibagong araw na 17 yrs. Old na ako ngayon, noon bata pa,ngayon dalaga na.
First day of class na. Nasa mamahalin pala akong school, dahil kasi sa Tita kong mayaman, ayaw nyang may kalahi siyang pulubi kaya ayun, nasa KlirkStone Academy ako ngayon. Hays, wala pa kaming sasakyan kaya lakad-lakad na naman...
Naglakad ako papuntang school, ang rami ng iniisip ko baka kasi sabihin nilang hindi ako bagay dun. May konting kaba akong nararamdaman pero bahala na bastat may tiwala ako sa sarili ko.
Habang naglalakad ako may nakasalubong akong kotse.*Beep* *Beep*
Ang ingay naman. Binuksan niya ang window, si Clark Mendez pala, yung kababata ko yung mahilig sa ice cream.
"Hoy panget! Sakay ka na nga dito!" tss.. Nang aasar na naman siya. Hays. Pero hindi naman ako magpapahuli
"Ayoko nga, ang baho kaya ng sasakyan mo!"
"OA naman nito, hindi kaya mabaho ang sasakyan ko, baka ikaw yun"
"Ayoko ko nang sumakay! "
"Bahala ka, ilaw yung male-late, hindi naman ako eh"
"Sige na nga, mapilit ka eh, ayusin mong magmaneho hah? At, baka kidnappin mo ako"
"AKO? kikidnap sayo? What the! Ano mapapala ko sayo? Haha" natawa siya sa sinabi niya
"Oo na! Panget ako, wala kang mapapala sakin"
"Vey Good, buti alam mo"
Nang makarating na kami school, nagbubulungan ang mga epal kung mga kamag aral. Akala mo kung sinong artista ang dumating, DYOSA lang pala. Hahaha. Well, except sa katabi ko. Ningitian ko lang sila at nilagpasan. Hindi ako magsasayang ng oras sa mga walang kwentang tao na walang magawa sa buhay kundi puro chismiss. Hays
"Hoy,hoy lalake. Saan ka pupunta? Sa pagkakaalam ko hindi dito yung direksyon ng silid niyo. Kaya chupi na" sabi ko sa mokong na ito
"Ihahatid na kita" huh? Narinig niyo yun? Ihatid? Hahaha. Hes joking right?
"wow! Ngayon ko lang nalaman na gentledog ka pala. Abat anong nakain mo ngayon?"
"GentleMAN naman talaga noon pa. At saka hindi ako aso. Ang gwapo ko lang noh para maging aso" sabi niya
"ha? May sinabi ba akong aso ka? Parang wala akong naalala ah?" pagmamaangan ko. Wahahaha. Pikon na siya ngayon
" hays! Sinabi mo ngang gentle--- aish. Nevermind. Sige pumasok ka na" hahahaha yes! Success! Natalo ko siya
"edi okay. Paalam engot! Blee :P " hahaha. Sabay belat sa kanya
Nandito na ako sa aking silid. Hays. Medyo konti pa lang ang dumating dito. Umiglip muna ako ng tulog dahil napapagod ako sa kakaasar sa engot na yun.
"A-aray! Walang hiy--" sino ba yung bumato sa akin. Kita mo namang natutulog yung Diyosa dito.
" sinong walang hiya?" oops! Im dead! Guro ko pala sa english ang bumato sa akin
"hehehe. Wala po yun maam. Hehehe"
"Kailan mo balak gumising? Ano? Gagawin mo tong higaan? Kung gusto mo matulog, lumabas ka. Youre disturbing my class!" galit na sabi ng guro ko.
"Eh? Hindi naman ako nang iisturbo maam eh. Mahimbing lang akong natutulog" depensa ko
"O really? Kaya nga pala ang lakas ng hilik mo kanina while im teaching in front" biglang tumawa ang mga kaklase ko. My god! This is so embarassing! Kunin nyo na po ako lord. Huhuhuhu
"Labas!" sigaw ng guro ko. Makabasag eardrum
"edi lumabas" bulong ko sa sarili ko
Mas mabuti pang lalabas ako kesa makita ang nagmumukhang tigre kong guro.
Naglalakad-lakad muna ako para magpahangin. Napadpad ako sa isang bench ng aming paaralan.
"Ang ganda naman dito. Tahimik at payapa"
"How dare you bitch!" sabay sampal ng babae sa isang babae. Ang sakit ng sampal. Parang nag aaway yata
"Ang bagay sayo sa empyerno! Magsama kayo ng lahi nyong c satanas!" wooow! Grabe na to ha.
"excuse me. Kung gusto niyo mag away dun kayo sa---" pag awat ko sa kanila
"wag kang makialam! Gusto mong sumali? Hali ka dito" sabi ng babaeng nakasuot ng strapless at kita pa yung bra nito at nakasuot ng maikling saya. Bitch nga talaga
" sorry kung nasali ka pa dito. Umalis ka nalang kung ayaw mong madamay"
"No, ako nang bahala dito"
"Ah talaga hah, magsabunutan nalang tayo"
"hah! No thanks. Nag aaksaya pa kami ng oras sa katulad mong BITCH. may klase pa kami. Hindi gaya mo gala gala lang inaatupag." sabi ko sa kanya. Ayaw ko muna ng gulo at saka nandito kami sa campus baka maguidance pa ako nito.
" sabihin niyo takot kayo"
" Really? Baka ikaw ang takot? Dream on BITCH. Wag mong baliktarin dahil sa ating tatlo dito. Ikaw ang takot at mahina LOZERS!"
"Hindi pa tayo tapos"
"talaga bitch. Ako ang tatapos sayo" at sabay walk out
"Salamat nga pala sa pagligtas ha?" sabi ng babae
"wala lang yun. Nagagalit kasi ako dun eh"
"sooo? Friends?" sabay lahad sa kamay niya sa akin
"sure. Friends" inaccept ko naman yung offer niya
"yieeeeee" tili niya
"May kaibigan na akooooo. Thank you lord!" sigaw niya. Alam mo para siyang baliw.
"Nga pala. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya
"Im alyanna. Alyanna Pauline Cruz. Just call me Aly for short"
"Ah okay. I get it"
"and you are?" tanong niya sa akin
"Im Erika Laine Rodriguez. Just call me Laine"
"Laine? You mean, north-bound LANE?" psh. Ang corny
"Ha-ha-ha?" sarcastic na tawa ko sa kanya
" hahaha. Syempre joke lang yun. Ikaw talaga. Hindi mabiro"
At ayun. Pumunta kami sa aming silid aralan and what a coincedence. Magkaklase pala kami? Hays. Buti narin para may karamay ako dito. Pero syempre wala na yung tigreng guro namin dahil next class namin ay science.
At dahil first day of classes ngayon. Wala kaming ginawa kundi puro introduce yourself. Arrrghhh! Nakakaumay. Sana umambsent na lang ako dahil wala naman kaming insaktong klase at syempre napahiya naman ako sa harap ng aking mga kaklase. Pero buti na lang may nakilala ako. Kung may malas na dumating, meron namang swerteng lumabas. Thank you talaga lord.
Hays. Matutulog na nga lang ako. Maaga pa ako bukas.
************
Thanks for reading😘 sana magustuhan nyo, at subaybayan nyo lang po.
Lovelots :-*-letsplay_joy11
BINABASA MO ANG
Music of Love
RandomMay isang babae na ini-idolo ang isang popstars. Wala silang pera kaya hindi siya bumibili ng mga gamit ng popstars. Naging sikat ang grupong ito noong bata pa siya at minsan hinihiling niya na sana maging ganyan din siya paglaki niya. Medyo may pag...