Chapter 2: The Dream

2 2 0
                                    

Laine's POV

"Mama, sususportahan niyo po ba ako sa Contest namin?" tanong ko nang nakatingin sa kanya

"Oo naman anak, kasi mahal ka ng mama.... Wag mong kalilimutan yan" sagot ni mama na may halik sa aking noo. "Sige, matulog ka na anak, mag eensayo pa kayo bukas"

"Sige po mama. Good night"

"Good night din"

A/N: kung nagtataka kayo na walang pasok si Laine bukas, kasi po summer....

" Anak! Bilisan mo na mag s-start na ang contest!" sigaw ni mama

"Okay po ma. Paparating na po"

Bumaba na ako para pumunta sa basketball court ng baranggay dahil dun ihe-held ang Duet Singing Contest na sinasalihan namin ni Lance.

"O, saan na po si Lance?" tanong ko

" Ah, baka umuna na sa basketball court. Tara pumunta nalang tayo dun baka makita natin sila dun" yaya pa ni mama

"Sige po"

Pumunta na kami patungo sa basketball court baka makita namin si Lance dun.

At basketball court

"Mama, hanapin ko muna si Lance hah? Baka nandito lang yun" hay nako pinapahanap pa ako. Saan na ba sha?

"Sige anak, balik ka dito hah?" sagot ni mama

"Opo, mama"

"Saan na ba yung si Lance, masisira beauty ko sa kahahanap sa kanya, naka make-up pa naman ako."

"Lance!!!"
"Laaaannnnnccceee!!!"
"Laaannnnccee!!!!"sigaw ako ng sigaw pero wala parin sha halos mas malakas pa nga boses ko kaysa sa music dito eh."Bumalik nalang kaya ako. Hays."

Pagbalik ko sa lugar namin wala parin sha. Malapit nang magsimula ang Contest

"Kuya, Saan na si mama?"tanong ko

"Nandun sha oh, may tumawag sa kanya bago lang"sabay turo ng kamay ni kuya

"Sige, pupuntahan ko nalang sha"eto na naman lakad na naman ulit.

Maria's POV (Mother of Laine)

Calling....
*riiinnnggg*

"Yes, maam?"

Laine's POV

"Mm----" paputol kong sabi ng marinig ko ang boses ni mama na kausap si Madam Melisha, ang mommy ni Lance. Pinakinggan ko nalang sila ng walang ingay.

Maria's POV (Mother of Laine)

["Hello Maria, may sasabihin nga pala ako sa iyo"]

"Ano po yun madam?"

["I'm sorry to say, hindi makakapunta ang anak ko. Nasa America na kami, dinala kasi si Lance ng kanyang Daddy. Ayaw kasi ng daddy niya ng mga pulubi daw. Pag pasensyahan mo na Maria hah? Para sa akin, okay lang talaga pero ang dad niya ang masusunod."]

"Okay lang po madam, sanay naman po kaming tawaging pulubi eh... pero sana po noon niyo pa sinabi...."

["Pasensya ka na talaga"]

"Okay lang po, sasabihan ko nalang ang anak ko... pero paano po tong anak ko. Wala syang partner. Duet Singing Contest pa naman to."

["Pwede lang siguro yan. Pag sabihan mo nalang ang mga judges na mag-isa lang ang anak mo dahil wala ang partner niya"]

"Sige po. Sasabihan ko nalang ang anak ko. Paalam po madam"

["Sige, paalam din]

*tut*

Music of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon