Lance's POV
"Class, we will have a project, you need to pass it tomorrow" sabi ng aming guro sa History
Tsk. Paano ba yan. Tinatamad akong gumawa ng mga nonsense na proyekto na yan.
"Laine. Sabay na tayong gumawa ng proyekto. Pati din ikaw Yellow. Sama ka sa amin" narinig na sabi ko kay Alyanna
"Sure! What time?" sabi ni Yellow
"Mga 5:30 lang siguro. Para mas maaga tayong matapos. Ikaw Laine, payag ka ba?"
"Hmm? Titingnan ko muna baka kasi hindi ako payagan ni mama eh" sagot ni Laine
"aww? Just text me kung makapunta ka"
Alam niyo yun? Nakakainis ang mga babaeng maingay kagaya ng nasa likod ko ngayon. At saka, ang sisipag pa nilang gumawa ng proyekto. Habang ak-- *ting*. May lumabas na bumbilya sa ulo ko. I have an idea. Bwahahahahahahaha. I have an evil plan.
*Lunch*
Laine's POV
"Guys, punta kayo sa bahay mamaya hah? Sabay tayong gumawa ng proyekto" sabi ni Yellow
"Sige ba!" sagot naman ni Alyanna
"Ahm, guys, pasensya na hah, hindi kasi kami mayaman. Maglalakad lang ako eh"
"Don't worry Laine, pupuntahan ka nalang namin, BTW, saan ba bahay niyo?" Tanong ni Yellow
"Eh, nasa squater kami eh. Dun sa sitio San Roque" nakakahiya naman, mga mayayaman pa yung mga kaibigan ko
"Tssk! Okay lang yan, kering keri namin yan. Right Yellow?" tanong naman ni Aly kay Yellow. Swerte ko talaga may kaibigan akong mayaman at mababait
"Yah! Oo naman!" sagot ni Yellow
Nagpatuloy kaming kumain, linibre lang ako ni Yellow at ni Aly, sarap talaga ng mga pagkain dito sa canteen. Habang masarap kaming kumakain at nagkwekwentuhan, may epal na sumulpot sa harapan namin.
"Hoy tatlong bibe! Sundan niyo nga ako" Sabi samin ni Lance na may paangas pa
"Eh bakit ka namin susundin? Boss ka? Wag ka ngang feeler. Mukha ka ngang aso eh! Panget mo, engot." hindi naman ako magpapahuli, sino siya para sabihan kami ng ganun?
"Hoy! Hoy! Tandaan niyo may utang kayo sakin, nalimutan niyo agad? Tssk!"
"Ayaw" sabay kaming nagsalita
"Bahala kayo, kakaladkarin ko talaga kayo" sabay turo sa aming tatlo
"Edi kaladkarin mo!"
"Ahh, mapilit kayo hah?" kinladkad kami ni Lance papuntang Basement
**
"Ano ba! Bitiwan mo nga kami! Baliw kaba? Ano ba kailangan mo?!" sinigawan ko si Lance dahil hindi ko na talaga natiis ang galit ko sa kanya
"May naisip na akong pampalit sa ginawa ko sa inyo"
"Ano naman yun?" tanong ni Aly
"Simula ngayon, kayo na gahawa ng projects and assignments ko. "
"Hala grabe! Sino ka hah?"
"Ayaw niyo? Edi kayo bahala. Magiging mesirable ang buhay niyo?!, ano, gagawa kayo o hindi?, isa! Dalawa! Ta--"
"Sige na, sige na!!!" sigaw ko
"Yun naman pala eh, papayag naman pala kayo, pinagalit niyo pa ako"nang tumalikod na si Lance, binelatan namin siya :-P
***
Nandito na kami sa bahay ni Yellow. Hanggang ngayon, manghang-mangha parin ako sa kanilang bahay. Ang laki-laki talaga parang wala lang yung bahay namin.
BINABASA MO ANG
Music of Love
RandomMay isang babae na ini-idolo ang isang popstars. Wala silang pera kaya hindi siya bumibili ng mga gamit ng popstars. Naging sikat ang grupong ito noong bata pa siya at minsan hinihiling niya na sana maging ganyan din siya paglaki niya. Medyo may pag...