Lance's POV
Papunta na ako sa bahay . Hays. Hindi talaga ako naka move on sa ginawa ng tatlong bibe. Bwisit!. Pag nakita ko talaga yung mga babaeng yun, tiyak iiyak talaga sila.
Habang nagdra-drive, nakita ko si Panget este si Laine. Lagot talaga siya sakin. Bumaba ako at tinawag ko siya kasi nga naglalakad lang siya."HOY ENGOT!?!?!" tinawag ko siyang engot kasi nga totoo naman. Pangit na, panget pa. Haha.
"O! Ano na naman BAKLA? kumusta araw mo? Okay ba? Hahaha" argh!
"HINDI NGA AKO BAKLA! bakit ginawa mong pangbabae ang project ko? Hah? " galit kong sabi sa kanya. Putcha.
"Eh. Ano ngayon? 'yan kasi mapapala mo sa pagiging TAMAD mo. Panget ka na nga, TAMAD pa! At kasalanan ba namin na sadyang ganun lang talaga kami mag dedesign. Ano bang ineexpect sa mga babae, puro robot at sasakyan ang design. Duhhh? Uso gamitin ngayon ang salitang Commonsense. Ano? Magre-revenge ka? Pwes, wala akong pake kahit kainin mo pa ako!" palaban talaga tong babaeng to oh!
" Huh! Hinding-hindi kita kakainin lalo na't may virus yang katawan mong mabaho!?"
Laine's POV
Habang nag-aaway kami, may dumating na sasakyan.
"HOY!HOY!HOY! anong ginagawa mo?" may asungot na namang dumating. Hays.
"Bakit Girlfriend mo ba tong panget nato?" tanong naman ni Lance
"Eh paano kung sabihin kong Oo?, papalag ka?" kinurot ko ang pwet ng kaibigan kong GENTLEDOG. Halata sa mukha niyang nasasaktan. Hah.
"Aray! Anu ba?!" reklamo niya. Inirapan ko lang siya.
"Ahh, I see. Hindi lang kasi ako makapaniwala na may boyfriend tong panget na to. Akalain mo yun, magkakaboyfriend din pala tong pangit na to." sabi ni Lance sabay smirk
"O anu ngayon? Selos ka?" pang aasar ko sa kanya
"Hah! Selos mo mukha mo. Hindi ko kasi inakala na papatol ka pala sa mga kalahi mong unggoy" at agad siyang tumingin kay Clark. At hindi mapipinta sa mukha ni Clark ang inis kaya inawat ko na sila baka may gulong mangyayari
"Halika na Clark. Nag aakasaya lang tayo ng oras makipag usap sa mga bakla. Tss. Nonsense" hinila ko si Clark papasok ng sasakyan
"Hindi pa tayo tapos ugok" sabi ni Clark
"Clark! Tama na!" awat ko sa kanila
Pagpasok namin ng sasakyan agad naman nagsalita si Clark
"Sino ba yun? Ang yabang yabang ah, kala mo kung sino. At saka bakit mo ba ako inawat kanina, nasuntok ko na sana yun eh. Tsk"
"Yun? Kaklase ko yun. Nagalit kasi siya sa akin dahil sa ginawa ko recently. At saka kung hindi ko ginawa yun baka pumanget ka lalo" Hahaha. Pampaganda lang ito ng hangin
"So, sumang-ayon ka sa kanya na panget ako? Ganun? Bakit, gwapo ba siya?" inis na sabi niya
"Wala akong sinabing sumang ayon ako. At saka, wala kayong dapat pag awayan dahil parehas kayong panget. Hahahaha"
"Ah, ganun? Humanda ka sa akin" at kiniliti niya ako. Huhuhu. My weakness
"Waahh... Hahaha. Tama.....hahahaha na.....hoy! Clark! Hahahahaha. I.... Hahaha...tigil mo...na....yan!CLLLLLAAARK! HUMANDA KA SA AKIN! HAHAHAHA" puno ng tawanan dito sa sasakyan. Well, atleast masayan naman kami.
Medyo tumigil siya at naging seryoso mukha niya
"But, seriously. Anong ikinagalit niya?"
"seriously?! Yan ang iniisip mo ngayon? Ano naman ipinuputok ng buchi mo ha?" seryoso pa rin siya. Oops! Wrong timing ako sa joke ko ah.
BINABASA MO ANG
Music of Love
RandomMay isang babae na ini-idolo ang isang popstars. Wala silang pera kaya hindi siya bumibili ng mga gamit ng popstars. Naging sikat ang grupong ito noong bata pa siya at minsan hinihiling niya na sana maging ganyan din siya paglaki niya. Medyo may pag...