Tandang tanda ko pa, kung paano mo hawakan ang aking kamay,
Na sa sobrang higpit ay para bang ayaw mo na akong mawalay,
Dahil pag unti-unting itong bumitaw, para ba ito ay iyong ikamamatay.
Ramdam na ramdam ko pa, kung gaano kainit pag sinakop ako ng iyong bisig,
Hindi mawawala ang naririnig na pintig sa aking puso,
Dulot ng ligalig.
Kabisadong kabisado ko pa, kung paano mo halikan ang aking labi,
Para iparamdam na kahit anong mangyari,
Tama man o mali,
Nandyan ka parin sa aking tabi.
Ito ang mga bagay na iyong pinaramdam,
Kaya sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi ko ito makakalimutan,
Para kung dumating ang araw na iyong ipa-alam,
Kung pwede at handa na ba akong makasama magpakailanman,
Ito ang mga ala-ala na maari kong ikwento, kung sakali ang relasyon ay manghina man.