Hustisya.

67 0 0
                                    



Hustisya? Di ko mahanap ang hustisya,

Sa pagmamahalan nating dalawa,

Daig mo pa ang kriminal noong ako'y pinaasa

Lalo na pag may kasama kang iba?

At kung paano mo ako lagpasan na para bang walang "tayong" namuo sating dalawa?

Ang pagmamahalan natin ay isang kasong binaliwala,

Kung san kalaban ang tadhana

At alam ko naman na wala akong laban sakanya,

Pero, p-pwede naman siya pakiusapan diba?

Kung sana totoo lang ang pag-ibig na iyong pinakita

Sana tayo pang dalawa,

B-bakit hindi ka sumugal? Bakit hindi ka kumapit? Bakit hindi ka nagtiwala noong may pagmamahalan pa?


Siguro, sa taong katulad mo ay di karapat dapat para sa aking mga luha,

Kasi kailangan ko ng lalaking ituturing akong reyna

Hindi basura.

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon