Ngunit kinamumuhian tayo ng panahon,
Lumulubog ako! Oo! Lumulubog ang mga masasayang ala-ala na ginawa natin kahapon,
Ahh!!!! Oo pinipilit! Sinusubukan hanggang humihingi na ako ng tulong sayo upang maka-ahon..
Ngunit,
Parang ako nalang ang lumalaban ngayon.
Nabuhay, nakahinga, at tumingin sa paligid,
N-nakita ko, na mayroon sayong uma-aligid,
At napagtantuan
Na na sakanya ka
Noong ako'y nasa panganib.Ngayon? Nasan ka?
Tandang tanda ko pa kung gaano makahulugan ang iyong titig,
Na sinasabi sa akin na
Wala na ako sa iyong panigKaya pwede na kitang pabayaan diyan sa tabi.
Dahil sayo,
H-huminto, huminto ang aking mundo,
Namamatay dahil wala ng pintig ang puso,
Dahil wala ng dahilan para tumibok pa ulit ito,
Ang aking paa? Kamay? Katawan? Utak? Puso? Lahat! Oo lahat! Naka-kandado!
Masakit! Dahil hindi ko ito magamit para maipagtanggol ang pinatay mong puso o
ang sarili ko.