Chapter 8

79 9 0
                                    


"H- Hi?"

Nakita kong nagtiim bagang ang lalaking nasa harapan ko ngayon at walang anu-ano'y bigla niya akong hinila papasok sa elevator. Nabitawan ko ulit ang tabloids na pinulot. Grabe naman makahila 'tong lalaking 'to, ang harsh!

It took me awhile to realize how we got out from that puddle of reporters, dumating ang mga bodyguards ni Seb na siyang naggiya sa amin papasok sa elevator.

Elevator?! Teka, how did we-

Seb abruptly pinned me on the wall as soon as he pressed 34th floor when we got inside. "We need to talk, woman."

Napamulagat ako sa ginawa niya. Our face is just two inches apart. Yes, binilang ko. Hindi ko maiwasang hindi titigan ang mga mata niya. It was by far the most beautiful pair of eyes I have seen. It was piercing yet sexy. Not to mention his chiseled jaw and thick eyebrows. God anong ginawa kong kabutihan ngayon para ma-stuck sa elevator kasama ng lalaking 'to?

"Listen.." Lalo niya akong idiniin sa pader at hinigpitan ang hawak sa pulso ko.

"Ouch! Ang sakit nun ha!"

"Shut up! You don't have the right to talk right now, I'll do the talking."

We need to talk daw. Eh di sana sinabi na lang niyang 'I need to talk'

"You're in a big trouble, woman."

Ano ba iyan, woman ng woman eh may pangalan naman ako. "Blaire."

"What?" Nagsalubong ang dalawa niyang kilay at niluwagan ang pagkakawak sa pulso ko.

Kumawala ako sa pagkakawak niya at marahan siyang itinulak. "Blaire ang pangalan ko hindi woman." Ginaya ko ang intonation niya nang binigkas ko ang woman.

Inayos ko ang suot ko  at si Seb naman ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa nang magkalayo kami.

"Whatever." He whispered.

Hindi ko na lang siya sinagot. Bagkus sumandal ako sa wall at pinagkrus ang dalawang kamay habang pinagmamasdan siya. Hindi ako makapaniwala na kasama ko siya sa apat na sulok na lugar na 'to. Dati-rati sa billboard ko lang siya nakikita, tapos ngayon ito siya sa harap ko.

"Were here." Pukaw niya at hinawakan muli ang kamay ko. Hila-hila niya ang kamay ko habang papalabas ng elevator.

Nadaanan naming ang secretary niya. Malamang hindi pa alam ni Seb na may tinatagong sikreto sa kanya ang secretary niya.

"Hello.." Nginitian ko siya pero inirapan lang ako.

Hmmp. Ang susungit ng mga tao sa building na 'to.

Marahas akong binitawan ni Seb at binalya sa couch nang makapasok sa loob ng office niya. Inilibot ko ang paningin sa apat na sulok ng opisina. Paano ko ba makakalimutan ang office na 'to? Eh dito ako nag-eskandalo at dito rin nagsimula ang problema ko. Because of him I am unemployed.

Umupo siya sa harap ko at kumuha ng ballpen at cheke. "Alright how much do you want?" Aniya na nakaupo na pala sa harap ko.

"Ha?"

"Magkano ang gusto mo?" 

"Excuse me? Anong akala mo sa akin extortionist?!" bulalas ko.

Binitawan niya ang ballpen na hawak at tumingin sa akin. "Look, I don't know who you are or what you're up to. You're probably one of the women I had fun with in the past or.. or.. You're probably hired by one of our competitors to stain my reputation. I mean I don't know! I don't have any recollection of you and I am sorry for that. Kaya siguro pinagkakalat mo na masama akong ama dahil gusto mo akong gantihan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Notebook And PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon