Chapter 3

234 19 11
                                    

Aircon naman dito pero pawis na pawis ako sa sobrang kaba. Daig ko pa ang nahuling magnanakaw kung magpawis, pati kilikili ko hindi rin pinatawad, nag-jabar din. Ay Diyos ko, Si Seb lang ang kakausapin ko. Si Seb lang. Si Seb na anak ng may-ari ng Pioneer, si Seb na matalino, si Seb na gwapo, si Seb na may matitigas na abs, si Seb na matagal ko ng pinagnanasaan. Paanong hindi ako pagpapawisan eh si Seb ang makakausap ko? Paano? Paano?!

"Miss okay ka lang?" naulinigan kong tanong ng katabi kong babae. Tiningnan ko siya at nginitian.

"Ah eh, oo. Okay lang ako."

"Applicant ka din ba?" tanong niya tapos nagbukas ng candy, "Ay, gusto mo ba?"

Umiling ako.  "Salamat na lang. Hindi ako applicant. Hinihintay ko lang si Mr. Dela Vega kasi may appointment ako."

"Ah okay. Akala ko applicant ka din." 

Nginitian ko na lang siya bilang sagot. Hindi na ako nagsalita dahil baka makalimutan ko ang minemorize kong lines pag makaharap ko na si Seb. Speaking of Seb, ang tagal niyang dumating ha. Halos dalawang oras na akong naghihintay ditto. Ni hindi na nga ako nag-lunch sa kakamadali. Grabe ang pagsasakripisyo ko sa ngalan ng pag-ibig. Echos!

Ay teka, dumaan ang secretary niya. Puntahan ko nga.

"Uy sis. Wala pa ba si Seb?" maligalig na tanong ko sa kanya nang nakalapit.

"Anong sabi mo?" Grabe. Ang suplado naman ng baklang 'to.

"Wala pa ba si Seb?" 

"Bago diyan." hindi pa rin nagpapalit ang ekspresyon ng mukha niya at tono ng pananalita niya. Seryoso pa rin siya.

"Uy sis?" Nang masabi ko iyon ay agad niya akong hinila sa sulok, "Ara- aray. Teka lang, dahan-dahan naman sis."

"Mag-ingat ingat ka sa sinasabi mo ha! Hindi ako bakla kaya huwag na huwag mo akong matawag-tawag na sis." mariin niyang bigkas. Pinukulan pa niya ako ng masamang tingin pero hindi naman ako natakot. Bagkus lalo akong natuwa sa kanya.

"Weh?" nagdududang tanong ko at tiningnan siya ng maigi hanggang sa may napagtanto. "Oh my gulay! Hindi alam ni Seb na bakla--" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Huwag ka ngang maingay. Mapanirang puri kang babae ka. Kung anu-ano iniisip mo wala namang katotohanan! Pag ako hindi makapagtimpi jojombagin kita!" aniya at kinuyom pa ang kamao sa harap ko.

Notebook And PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon