Chapter 7

109 10 1
                                    

Sinilip ko muli ang cellphone niya. Hindi pa rin niya nararamdaman na nasa likod na niya ako. Lalo akong lumapit sa likod niya at maingat na kumilos upang maagaw sa kamay niya ang cellphone. In one, two, three.. gotcha!

"Ate!" Sigaw ni Justin ng makuha ko sa kanya ang cellphone. Tumayo siya at pilit na kinukuha sa akin ang cellphone. Tumakbo ako palayo at pumunta sa kabilang direksyon, "Ate naman, akin na iyan! Bakit ba kasi?!"

"Sshh!" Idinampi ko ang hintuturo sa labi ko habang nakatuon ang tingin sa screen ng cellphone niya, "Wag kang magulo!"

Mas matangkad sa akin ang kapatid ko pero wala pa rin siyang nagawa para maagaw ang cellphone. Mabilis yata ako kumilos. Pinaglihi yata ako sa hipon.

Pero hindi ako hipon, duh?

Inangat ni Justin ang kamay niya upang maagaw ang cellphone ngunit mabilis ko iyong naitago sa likod at naipasa sa kabilang kamay. 

"Ate ano ba?!" Napakamot siya ng ulo sa inis.

"Wag ka sabing magulo. Ang kulit-kulit mo naman baby bro- este, sister?" pang-aasar at tumawa.

"Ano?!" Nanlaki ang mata niya sa gulat, "Sister? Hahahahaha! Tae ate, akala mo bading ako?!" bulalas niya at muling tumawa.

"Bakit hindi ba?" pang-uuyam ko.

"Tae hindi!" sagot niya habang tumatawa, "May girlfriend na nga ako eh."

"Ano sabi mo?!" Pinandilatan ko siya ng mata at pinalo sa braso. Aba, ako nga walang lovelife tapos siya may girlfriend?! NASAAN ANG HUSTISYA?!

"Ara- aray! Ate naman, joke lang!" Aniyang sinasanga ang kamay ko at umupo sa paanan ng kama.

"Ayusin mo lang, Justin! Kundi i-uuninstall ko iyong COC mo!" pananakot ko sa kanya habang hinahampas siya sa braso. "Usog ka nga!"

"Akin na muna ang cellphone ko." aniya.

Ibinato ko sa kanya ang cellphone niya at umupo sa tabi niya.

"Ibibigay mo naman pala eh." Sagot niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Hindi ko siya sinagot bagkus sumalampak ako ng higa sa kama niya. Kung hindi siya bading, bakit siya nag-wa-watapada? Ang alam ko kasi mga babae lang ang nasa website na iyon and most of them are young girls who are hopelessly in love with characters. Stupid folks! I clicked my tongue with the thought.

"Tae naman!"

"Ay tae ka!" Napaigtad ako nang biglang sumigaw si Justin.

"Sorry, sorry. Ito kasing binabasa ko nakakakilig. Tae!"

Bumangon ako sa pagkakahiga at piningot siya. "Hoy Justin iyang bunganga mo ah. Nakaka-ilang tae ka na? Pag marinig ko ulit iyan sayo isusumbong kita kay papa. Tapos sasabihin ko rin na may girl—teka--" Napako bigla ang paningin ko sa binabasa niya, "bakit mo binabasa iyan? Pahiram nga." 

Kinuha ko sa kanya ang cellphone na malugod naman niyang binigay. Binasa ko ng malakas ang nasa screen, "Naramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa noo ko at niyakap ako ng mahigpit.." pagkatapos kong basahin iyon ay nilingon ko si Justin ng nakakunot ang noo.

"Oh bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Justin..." I trailed off.

Tumingin siya sa akin at unti-unting nagusot ang linya ng noo niya. "Alam ko na iyang iniisip mo ate. Nagkakamali ka. Takte hindi ako bading!"

Notebook And PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon