Chapter 5

212 16 5
                                    

This is it pancit! Hinanda ko na talaga ang sarili ko kagabi pa sa kung ano man ang mangyari ngayon. Hindi ako halos nakatulog sa kakaisip sa isasagot ko mamaya dahil paniguradong lalamunin na naman ako ng buhay ni Lucy. Nakinita ko kagabi ang sarili kong nagliligpit na ng gamit dahil malamang sa alamang, sisipain na ako sa kompanyang 'to.

Diyos ko po! Pag mangyari iyon hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

Actually alas sais pa lang nandito na ako sa office. Inagahan ko talaga ang pagpasok para mahaba-haba ang time ko sa cubicle. Siyempre mamimiss ko din ang opisinang 'to noh. Kahit papaano napamahal na rin sa akin ang upuang ito, ang computer na ginagamit ko, ang mga nakadikit na post it notes sa wall at ang mga ginagawa ko dito.

Pero sabi nga nila, wala daw forever. Kaya heto ako ngayon, magpapalamon na ng galit sa impaktita kong boss. Kinakabahang kumatok muna ako sa pinto ng opisina niya at dahan-dahang pumasok sa loob.

"Ma- Maam VS, sorry po sa nangyari kaha-"

"What are you talking about?" nagtataka at nakangiti niyang putol sa sinasabi ko.

Weird. Siya pa ang nagtataka. Di ba dapat ako ang magtaka dahil nakangiti siya?

"Hi- hindi po kayo galit?"

"Blaire.." Ngumiti na naman siya at tumayo mula sa kinauupuan.

Naka-drugs ba siya? Naka-all black pa ang lola. Duh ngayon ko lang nalaman na fashion icon na pala si Kamatayan.

Lumapit siya sa kinatatayuan ko at hinawakan ang magkabilang braso ko which is really really weird. Ilang gramo kaya ng shabu ang tinira nito?

"Bakit naman ako magagalit? Blaire, I am so proud of you."

"Ho?! Proud?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagulat ako, as in gulat na gulat. Halos lumuwa na nga mga mata ko sa sobrang gulat. Pero siyempre joke lang iyon.

"There's no reason for me to get angry with you. You did a very good job yesterday. The executive secretary of Mr. Dela Vega called to tell us that they are going to take the centerfold ad space for one whole year!"

"Oh wow." Hindi ako makapaniwala. Paano nangyari iyon?

"You got the deal! I knew you would make it. Meron kang 30% commission para sa ads na iyon every issue. Isa pa, because of you, I am promoted as the new publication manager and you my dear..." she trailed off for awhile and then smiled, "will take over this department."

Ah ganoon naman pala. I got the deal, publication manager na si maam at ako na daw ang mag-ti-take over ng department. Ibig sabihin... Anak ng pitong puting tapa! Ako na ang Editor-in-Chief?!

"Ako na ang Editor-in-Chief?!" hindi makapaniwalang bulalas ko. Grabe, totoo ba 'to? O chika lang?

"Hey! Relax." She chuckled and held my hands. "Umupo ka muna."

Iginiya niya ako sa upuan na nasa harap ng table niya. Umupo ako doon habang hindi pa rin mawaglit-waglit sa isip ko ang himalang nangyayari. Anong pagpapakabait ang ginawa ko para makatanggap ng ganitong biyaya?

Notebook And PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon