Treasures and Thieves
'DING DONG!' Nagmamadaling tumakbo si Franco nang marinig ang doorbell. Pagbukas niya ng pinto, wala namang tao doon pero hindi na yun ang mahalaga. Andito naman at iniwan nung delivery guy yung hinihintay niya. Agad niya itong itinakbo paakyat ng kanyang kwarto at tinawagan sa cellphone ang kaibigan. "Wes! Andito na!" agad niyang binaba ang cellphone matapos sabihan si Wesley di pa man ito nakakasagot.
Wala pang limang minuto at may naririnig na si Franco na tumatakbo paakyat ng hagdan papunta sa kanyang kwarto. Si Wesley. Ang bestfriend ni Franco na nakatira lang sa tapat ng bahay nila. "Asan na?" hinihingal pang sambit ni Wesley. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga inilabas ni Franco sa kahon. "Wow, tsong! Paano mo nakuha ito?" Di mawalang pagkamangha ni Wesley. "Sabi ko sayo diba, naka-receive ako ng email galing sa Game Ventures na isa ako sa mga napili nilang makakatest ng bago nilang VR Console at unang game. So, eto na!"
Halos isang oras inabot ang pagsetup ng console dahil unang beses silang makakagamit nito. "Yan, setup na siya. Paano ba laruin yung game?" Tanong ni Wesley sa kaibigan. "Treasures and Thieves ang title ng game. Sabi dito may map na ibibigay satin. Iikutin natin yung map at magnanakaw tayo ng treasure chests na located sa mga glowing marks sa map. magingat daw sa mga treasure guards."
"Ang pinaka marami daw na maibibigay na treasure sa dulo ng game ay makakakuha ng premyo mula sa Game Ventures." nagkatinginan ang magkaibigan "Anong premyo? One million pesos?" Tanong ni Wesley na abot tenga ang ngiti "Walang sinabi eh. Pero baka mafeature tayo sa game magazine! Sisikat tayo!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Tol, may ogre sa likod mo!" Babala ni Wesley kay Franco "Ako nang bahala sa ogre kunin mo ung chest!" inilabas na nga ni Franco ang Fragarach at hinati nito ang ogre sa dalawa. "Yes! May walong chests na tayo!" Galak na sambit ni Franco. "Bakit kaya iba ang kulay ng chest na ito kesa sa iba nating nakuha? Tignan mo." Itinaas ni Wesley ang pulang chest na iba sa karaniwang asul na nakukuha nila. "Tsaka, Franc wala na tayo sa map. Saan ba tayo dumaan?" Tinignan din ni Franco ang mapa.
"Hinabol kasi tayo kanina nung dwarf kaya nawala tayo sa trail pero alam ko saan ang daan pabalik. Yan sigurong chest na yan baka mas mataas ang value kaysa sa mga asul! Tara umalis na tayo dito bago may dumating na bagong guard." Nakabalik na ang magkaibigan kung saan sila unang nanggaling.
'DUG! DUG! DUG!' napatalon sa pagkagulat ang dalawa. Bigla nilang tinanggal ang kanilang mga VR glasses at tinabunan ng mga damit ang console. "Dali, bro! Buksan mo yung TV!" bulong ni Franco kay Wesley at dalidaling binuksan ang pinto.
"Ano ba Franc? Di mo ba ko naririnig? Kanina pa kita tinatawag!" Napakamot na lang ng ulo si Franco. "Sorry kuya. Nanunuod kasi kami ni Wes ng TV at nagkkwentuhan." sumilip si Macario sa silid ng kapatid at napailing. "Pinatatawag ako ni Hepe. Baka gabihin na naman ako sa paguwi. Nagiwan ako ng pera pangkain niyo ni Wes." Natuwa naman ang matakaw na si Wes sa nadinig niya "Salamat kuya Mac!" At natatawang tumango kay Wesley. "Maglinis ka nga ng kwarto mo baka multuhin tayo ni Nanay. Ayaw nun ng magulo."
Tumango si Franco tanda ng pagsunod sa kanyang kuya. Akmang aalis na si Macario nang muli itong humarap ng seryoso kay Franco. "Franc, yung perang iniwan ko ipangkain ninyo yun ha, hindi yun pangDOTA." at nagmadali nang umalis si Macario.
"Si kuya talaga ginawa nanaman akong bata." Yamot na sabi ni Franco. "Ang swerte mo nga sa kuya mo kasi inaalagaan ka niya kahit wala na kayong mga magulang. Eh si kuya ko nga tambay lang. Save ko na ito tapos chibog tayo!" Aya ni Wesley matapos aluhin si Franco. "Sige na nga! Tsaka sino pa ba naman ang gugustuhin mag DOTA kung meron ka namang ganyan diba?" Tingin ni Franco sa kanyang bagong laruan at sabay na lumabas ang magkaibigan para bumili ng makakain.