PAIN

26 2 0
                                    

Ako si Julius.

22 years old. Maputi,  may deep set eyes, medyo bakat ang katawan dahil sa kaka work out. Walang girlfriend.

Walang girfriend ngayon, pero dati naman mayroon. Ewan ko ba, simula nang mangyari ang insidenteng iyon sa buhay ko, pakiramdam ko ay hindi na ako tao.

I had to do what I had to do, kung hindi, mamatay ako. Sa gutom at sa pangungutya ng mga tao sa paligid ko.

Ayoko kasing sabihin nila na wala akong kwentang klaseng tao.  Ayokong makumpara sa mga taong walang ginagawa kundi ang maghilata lang buong araw. Naghihintay na mabagsakan ng grasya mula sa taas. Ayoko ng ganoon. Ayoko.

Kaya naman, gumawa ako ng paraan para mabuhay.

I sold myself.

16 pa lang ako noong sinimulan kong pasukin ang trabahong ito. Noong una, natatakot ako. Natatakot dahil baka may makakilala sa akin at ipamalita sa buong lugar namin kung ano talaga ako. Kung ano ang trabaho ko.

Years had passed, my emotions changed. My perception changed. Ang takot ko, napalitan ng excitement, napalitan ng eagerness, napalitan ng willingness at ngayon, parang wala na lang sa akin na ginagawa ko ang bagay na ito.

I bedded different kinds of person. May nakasiping akong mas bata sa akin, matanda sa akin, babae, bakla, matrona at yung iba, hindi mo aakalaing ganoong klase ng tao.

Mahirap ibagay ang sarili mo sa lipunang hindi ka naman dapat na nandoon. Sa lipunang may pinipili lang kung sino ang dapat doon.

I dont want to be left out.

Kaya naman kahit hindi dapat, isiniksik ko ang sarili ko.

I fitted in to the society where I shouldn't belong.

Nagservice ako sa mga taong hayok sa laman. Ipinakilala ako sa mga prominenteng tao na aakalain mong santo.

Doon ko nakilala si Salman. Isa ring kagaya ko. Nagbebenta ng sarili. Ipinakilala siya sa akin nang isa kong customer. Kinuha niya kaming dalawa. Binayaran upang paligayahin siya. Pero hindi ang gamitin siya.

"Ganyan talaga si P****, mas gusto niyang manuod kaysa siya mismo ang gumawa." Sabi sa akjn ni Salman habang hinuhubad niyang isa-isa ang damit ko.

"Kailangan ba nating gawin ito?" Nag aalangang tanong ko. Pareho kaming lalaki. Hindi ko pa nararanasan iyon. Hindi ko pa nararanasang makipag siping sa isang kagaya ko.

"Yup, you have to do it. That's  what I'm paying you for!" Sabi ni P.

Nang maganap sa amin ni Salman iyon, doon ko na simulang kamuhian ang sarili ko.

Ginawa kaming mga laruan ni P.

Doon ko naranasan ang mga bagay ng hindi ko pa nagagawa noon. Doon ko naranasang babuyin ang sarili ko.

Kakainis diba? Binaboy? Eh ganoon naman na ako dati pa.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang unti unti ko na namang nagugustuhan itong pinaggagawa ko sa sarili ko?

Hanggang sa nakasanayan ko na nga.
Nasasarapan na akong babuyin ang sarili ko.

Nagpatuloy ako sa trabaho ko. Hanggang sa parang namanhid na lamang ang konsensya ko. Wala na akong maramdamang awa, wala na akong maramdamang takot, lungkot at panghihinayang. I have learned to live with it.

Hanggang sa makilala ko si Gift. Kasama ko siya. Ganoon din ang trabaho niya. Isa rin siyang bayarang babae. Nakilala ko siya minsan noong may ginanap na party ng mga kagaya namin.

Unang kita ko palang sa kanya ay nabihag na niya ang puso ko. Nagustuhan ko kaagad siya.

Lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya noong nagkaroon ako ng chansang makilala pa siya ng lubusan.

Hinangaan ko kung gaano siya katapang na harapin ang mga problema niya sa buhay. Kung gaano siya katatag.

Dahil nga likas na hayok kami sa laman, syempre may nagyari sa amin. Hindi lang isang beses, hindi lang dalawa. Marami at kung minsan nga ay nagagawa pa namin ito sa pampublikong lugar.

Hindi naman ako nanghihinayang. Wala akong pinagsisihan sa mga pinaggagawa namin. Kaya ganoon na lang ang galak ko nang malaman kong nagbunga ang mga pinaggagawa namin.

Nabuntis ko siya!

Napakasaya ko!

Lalo ko pa siyang minahal dahil dinadala niya ang anak naming dalawa. Ipinatigil ko siya sa trabaho naming iyon.

"Ayoko! Hindi ko gagawin ang sinasabi mo Julius!" Galit na wika niya sa akin.

"Please naman, pakinggan mo naman ako. Para rin naman ito sa ikabubuti mo at ng bata. Itigil mo na ang trabaho mo. Simula ngayon, ako na ang bubuhay sa inyo ng magiging anak natin." Sabi ko sa kanya tsaka ko siya niyakap nang mahigpit.

Pero nagpupumiglas siya.

"Ayoko nga sabi eh! Hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo, putang ina ka! Sino ka para iutos sa akin iyan ha?! Hindi kita gusto! Wala akong nararamdaman sa iyo! You were just a good fucker! In fact hindi ko din naman gusto na magkaroon ng letseng bata sa tiyan ko eh....." Hindi ko na siya pinatapos pa sa sinasabi niya. Ayokong marinig.

"Matatanggap ko pa kung hindi mo ako mahal. Pero ang sabihin mo iyan sa anak ko?!,,, anong klaseng ina ka? Anong klaseng tao ka?"

Simula noon, naghiwalay na kaming dalawa. Dumadalaw pa rin naman ako sa kanya para dalhan siya ng mga kailangan ng bata. At para na rin sa kanya. Mahal ko pa rin kasi siya eh. Mahal na mahal.

Umabot ng apat na buwan ang pagdalaw ko sa kanya.

Pero isang nakakapangilabot na balita ang bumungad sa akin noong minsang dalawin ko ulit siya sa kanila.

"Tao po? Gift? Gift? Nasaan ka?" Pasigaw kong sabi sabay katok sa kanyang pinto.

"Julius? " medyo nagulat pa ako nang hawakan ako ni aleng minda sa balikat ko.

"Ay, aleng Minda, nandito po ba si Gift ngayon? Kanina pa ho kasi ako katok nang katok, hindi po siya sumasabat eh." Nasilayan ko ang malungkot na mukha ng ale.

"Wala na siya." Sabi ng matanda sa akin.

"Ah ganoon po ba? Saan ho siya nagpunta? Siguro nag pa check up siya kaya wala siya ngayon....."

" Hijo, hindi iyon ang ibig kong sabihin." Doon ako natigilan sa sinabi ng ale sa akin.

"Ano po ba ang ibig ninyong sabihin?"

"Wala na si Gift. Noong nagdaang araw. May pinapasok siyang mga bisita niya. Tatlong kalalakihan iyon. Mga foreigner. Siguro, mga parokyano niya. Kinaumagahan na lang namin nalaman ang nangyari sa kanya. Patay na si Gift, hijo. Ganoon din ang anak mo."

Wala akong maapuhap na kahit isang salita na gusto kong sabihin. Parang ayaw kong paniwalaan? Ayaw kong maniwala! Hindi ako naniniwala! Hindi pa patay ang babaeng pinakamamahal ko at ang anak ko!

"Hindi. Hindi po totoo ang sinasabi niyo aleng Minda, hindi pa totoo iyan!" Sa bugso ng damdamin ko ay nasigawan ko ang matanda.

"Pasensya ka na Julius. Kung gusto mong makita ang mag-ina mo, naroon siya ngayon sa Cavite, sa Imus. " sabi ng matanda sa akin bagk umalis.

Doon na ako nanghina. Napabagsak na lamang ako sa sahig sa sobrang panghihina ko.

Hindi pala talaga siya tumigil. Nagbebenta pa rin siya ng laman kahit na buntis na siya!

Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginagawa ko? Balak ko pa nga sana siyang sorpresahin na may matino na akong trabaho.

Bakit ba ganito ang mundo? Kung sino pa ang pinakanangangailangan, siya pa ang hindi napagbibigyan! Siya pa ang pinagkakaitan! Siya pa ang parating sinusubok ng tadhana!

Iyong anak ko, iyong anak kong walang kamalay malay sa mundo.

Ang pinakamamahal kong anak. Pinatay nila!

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bakit ba ang daya daya ng mundo?!

WHAT IS NOWWhere stories live. Discover now