VINCENT(STARRY STARRY NIGHT)

15 1 0
                                    

Naniniwala ako sa kasabihang ang hindi marunong tumanaw sa sariling pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.

Pero sa kaso ko, ayoko nang balikan pa ang aking pinanggalingan. Sino ba naman ang gustong bumalik sa isang lugar na kinamumuhian mo. Ang mga taong sadyang napakasama. Kung hindi mga tsismosa ay mga pintasera naman. Mga taong walang magawa kundi hanapan ng mali ang kapwa nila.

Lumaki ako sa pamilya na hindi masyado kilala sa aming lugar. Dahil nga hindi kami kilala at mahirap lamang, ay ganon na lamang kung hamakin kami ng mga taong mas nakakataas sa amin. Kahit nga mga kapwa namin mahirap ay nakukuha ring pintasan kami.

Panganay ako sa aming tatlong magkakapatid. Bilang panganay, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, makatulong lamang ako sa aking pamilya. Pinasok ko ang iba't-ibang klase ng trabaho makapagbigay lang ng kahit kaunting tulong sa aking mga magulang. Sa awa ng Diyos, nakapagtapos ng highschool at swerteng nakakuha ng scholarship  sa isang sikat na unibersidad sa amin.

Kumuha ako ng kursong alam kong pagkatapos kung kunin ay paniguradong may trabaho na ako pagkatapos. Iyong pagiging praktikal ang inuna ko. Hindi ko kinuha ang gusto kong kurso kasi alam kong hindi kakayanin ng mga magulang ko na paaralin ako.

Pero habang nag aaral, hindi ko talaga maiwasan na hindi panghinaan ng loob sa mga nangyayari sa akin at sa pamilya ko.

"Bakit ganyan ang kinuhang kurso ng anak mo Minda! Nag aral nga, eh alam naman niya kung paano gawin iyan. Mukhang hindi siya magtatagumpay niyan. Pusta ako, babalik iyan sa kung  saan siya nanggaling. " kutya ni aling Rosie kay nanay.

Minsan tuloy, may mga araw talaga na hindi ko mapigilang sumabat sa mga pangungutya nila sa akin.

"Mabuti na hong nakakapag aral kaysa naman sa nakatunganga lang sa isang tabi at naghihintay na maambunan ng grasya." Inis na wika ko kay manong Tonyo na ang kaisa isang anak ay hindi nakapagtapos at ngayon ay isang ng dakilang tambay.  

Muntik na kaming magpang abot noon na dalawa.

Bakit ba kasi nila kami pinakikialaman? Wala naman kaming ginagawa na masama sa kanila. Hindi namin alam ang mga buhay nila tapos iyong amin, parang PBB sa pagkabulgar!

Nakakainis lang kasi naaapektuhan ako sa tuwing may mga sinasabi silang hindi maganda sa amin. Alam kong hindi iyon totoo. Pero hindi ko talaga maiwasan. Sobrang masasakit na salita ang aking naririnig sa kanila.

Nagpapasalamat na lang ako na may kaunti pang mga tao ang nakakaintindi sa amin.

Nagpatuloy ako sa pag aaral ko. Nagsunog ako ng kilay sa pag aaral kay nagtapos ako bilang cum laude nung grumaduate ako sa college.

Naghanap ng trabaho. Pinaganda ko ang buhay naming pamilya. Inalis ko sila sa nakakasukang lugar na iyon. Binigyan ko sila ng klase ng pamumuhay na hindi nila kailanman naranasan.

"Anak, maraming salamat talaga sa iyo. Kung hindi dahil sa pagsisikap mo, hindi tayo makakarating sa kung saanman tayo ngayon.

"Nay, ang lahat po ng ito ay para sa inyo. Hindi po ako magkakaroon ng will na kayanin ang lahat ng ito kung hindi dahil sa inyo. " sabi ko kay nanay.

Iyong akala naming tahimik na pamumuhay na ang naghihintay sa amin, hindi pala.

"Magandang gabi nay. Kamusta po......" natigilan ako nang mapagtanto kong may kasama si nanay sa sala ng bahay namin.

"Anak, si Rosie nga pala, nanghiram siya sa akin ng pera para panggamot kay pareng Nacio." Sabi sa akin ni mama.

"Mauna na ako Minda, gabi na din kasi eh. Salamat nga pala dito ha?  Vincent....." sabi ng ale at umalis na.

WHAT IS NOWWhere stories live. Discover now