SHOOT ME DOWN(I WON'T FALL)

17 2 0
                                    

Bakit ba may mga taong sadyang napaka sama? Naliligayahan silang makitang nagdurusa ang ibang tao dahil sa kagagawan nila.

They feel a sense of accomplishment kapag may nagagawa silang masama sa kapwa nila.

Ako nga pala si Jeannie. Nagtatrabaho ako sa isang Government Agency. Hindi na lang ako magbibigay ng clue kung saan ako nagtatrabaho kasi baka mahulaan niyo. Hehehe.

Pumasok ako noon bilang contractual employee kung saan sweldo lang ang ibinibigay sa amin. Wala kaming ibang benefits kagaya ng GSIS, PAG-IBIG, Philhealth at iba pa.

Kuntento naman ako noong una sa trabaho ko. I enjoy my life helping our  less privileged people. Minsan nga naiiyak na ako marinig ko pa lang ang mga kwento nila. Kung gaano kahirap ang buhay nila, kung gaano kalayo ang nilalakad ng mga bata, makarating lang sila sa kani kanilang mga paaralan.

Hindi ako taga DSWD ha? Hindi lang sa DSWD may extension worker.

So yun nga, nasanay na akong umakyat ng malalayong lugar para isagawa ang trabaho ko.

Sa office, dahil nga bago pa lang kami,  syempre, nagiging apprentice kami ng mga nakakataas sa amin.

Masasabi kong may iba ibang klaseng mga señior employees akong nakilala.

May mga matitino, mayroon ding mga kwela. Mayroon din mga stricto, may mga magaling mabigay ng words of wisdom, syempre, mayroon ding parang mga kagaya ko lang.

Yung mga matitino.

Sila yung mga señiors ko na talagang focused na focused sa trabaho nila. Goal oriented bah?. Sila yung papasok ng trabaho nang maaga at uuwi past 5 na nang hapon, kasi nga, hindi uuwi hangga't hindi tapos ang trabaho nila. Sila yung maraming plaque of recognition, certificate of appreciation at maraming exemplary awards dahil sa husay na pinapakita nila sa trabaho nila.
Sila yung dapat na tularan ng mga kagaya naming bago pa lamang sa paglilingkod sa bayan.

Yung mga kwela.

Sila yung pa petiks petiks lang. Ineenjoy lang nila ang kanilang trabaho. Yung parang walang mga problema sa buhay? Yung palaging nakangiti. Sila yung masarap kasama. Pero hindi ibig sabihin na papetiks petiks sila ay hindi na sila nagtatrabaho ng mahusay. No! Pareho lang din sila nung mga matitino pero they take things in a much lighter manner of it.

Yung mga strikto

Sila yung isang kibot mo lang, may mapupuna na sila kaagad sa iyo. May be it for good or for worse. Kapag sila yung kasama mo,  macoconcious ka talaga na gumawa ng tama lamang. Iyong feeling na takot kang gumawa ng maling bagay kasi baka mapagsabihan ka nila. Somehow, at some point, sila yung mga inggitero na mga klase ng tao.

Feeling ko lang naman ito ha.

Inggit sila kay Matino. Kasi kahit na anong gawin nilang pagpeperfect ng mga gawa nila ay si Matino pa rin ang nabibigyan ng recognition at hindi sila.

Somehow, they tend to become the bad ones. Pero hindi ko sila nilalahat ah. May mga strikto din na goal oriented. They feel satisfaction kapag natapos nila ang kanilang goal. Minsan sila pa nga yung mahilig mag blowout kapag natapos na ang isang target activity.

Yung magaling magbigay ng words of advice.

Sila yung marami nang napagdaanan. Marami nang naencounter na mga pangyayari throughout sa kanilang career. Usually, they are the endpoint ng mga matitino, kwela at strikto.

In short, sila yung malapit nang mag retire.

Sila yung mga nagsaspot sa aming mga baguhan sa trabaho para bigyan kami ng mga makabagbag damdaming advice para maging mabuti kami sa trabaho namin. Mainly, sila yung mga taong may favoritism sa isang apprentice na kagaya ko. They are like our parents in work.

WHAT IS NOWWhere stories live. Discover now