NINE - Mahal na Kita!

963 34 5
                                    


Liam Zackarey's POV . . . .

Kinusot ko ang mata ko. Nakatigil na yung kotse. Bumaba siya st kahit malayo siya, kitang-kita ko ang panga-ngatal niya, ang pagluha niya habang nakatingin sa mga bata.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

Siguro 20 meters ang layo namin.

"Zac...." naiiyak niyang banggit.

"Bakit nga?" tanong ko.

"Lumapit ka kasi dito." sabi niya.

"No, ikaw ang lumapit dito." sabi ko.

"Zac, nababaliw ka na ba? Alam mo namang may phobia ako eh." sabi ko sakanya.

"Ikaw ang may kailangan diba? Ikaw yung lumapit dito."

"Kuya Liam, sino siya?" tanong ni Klay. Isa sa mga bata dito.

"Step sister ko siya, Klay." sagot ko.

She ran towards me then hugged me. Ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng kamay niya, ang mabilis na tibok ng puso niya at ang pag-iyak niya.

"Please don't do it again, Zac. I almost died." sabi niya.

"Wag kang matakot sa kanila. Hindi ka nila sasaktan." sabi ko.

"Alam ko. Ako yung nakasakit sa kanila."

"Hindi sakanila." Humiwalay ako sa pagkakayakap niya.

"Look to my eyes." sabi ko sakanya. Tinitigan niya ang mga mata ko.

"Mangako ka sa akin na hindi ka na matatakot sa mga bata." sabi ko.

"I can't."

"Klay!!" tinawag ko si Klay at lumapit sa amin.

"Kuya Liam, bakit po?" tanong ni Klay.

"Hug mo si Ate Kate." sabi ko.

"Zac!!" galit na sabi ni Margaux.

"Trust me." sabi ko.

Kate Margaux's POV . . .

"Marunong ka na pala magluto." sabi niya.

"Hindi ko alam kung magiging perfect 'to. This is my first time. Pinag-aralan ko lang kagabi."

"Ano? Are you okay?" tanong niya.

"Sobra. Thanks ah! Naalis pala yung phobia. Grabe! Ang saya pala makipag-laro sa mga bata. Lalo na si Klay, ang kulit kulit e."

"Sabi ko naman sayo eh."

"Oo nga pala, malapit na ang birthday mo ah! So, what's your plan?" tanong ko.

"Simple lang. Ang i-celebrate yun sa pinakamamahal kong babae."

Napatigil ako sa pagluluto. Hindi ko alam kung bakit biglang parang may weird na nangyari sa puso ko. Bakit parang ang sakit? Hindi kaya. No, it's not Margaux. Wala lang yan. Step-Brother mo siya.

"Who? Andrea?" tanong ko.

"No." sagot niya.

Humarap ako sakanya. "Sino?" tanong ko.

He smiled. "My mom."

I sighed.

"Margaux, who is Tristan for you?" tanong niya.

"My Boyfriend. I mean, nagkabalikan kami so. By the way, bakit?" tanong ko.

"You're inlove, Margaux. Nakikita ko kasing masaya ka pag kasama siya. He is your first love. I'm so happy for you."

Living with my Step Brother Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon