EIGHTEEN - I'm Sorry

565 15 2
                                    


Third Person's POV . . . .

Pagkagising na pagkagising ni Gave, tiningnan niya ang cellphone niya at nabasa niya ang text ng pinsan niya.

Pagkagising na pagkagising ni Gave, tiningnan niya ang cellphone niya at nabasa niya ang text ng pinsan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dali-dali niyang inayos ang sarili niya at kinuha ang project sa van. Sumakay na siya na kotse at mabilis itong pinaandar papuntang School.

Nang makarating na siya sa School ay mabilis itong tumakbo sa classroom ng pinsan at inabot yung project.

"Salamat, Kuya! You saved my grades." sabi ng pinsan niya.

"You're welcome, kiddo. Sige, mauna na ko." sagot nito at nagsimula ng maglakad paalis. Nang nasa may field na siya, nagulat siya dahil nakita niya yung babaeng pinagseselosan ni Kate.

"GUYS, I HAVE AN ANNOUNCEMENT." sigaw nito.

Napukaw nito ang lahat ng attention ng mga tao dahil sa lakas ng boses.

"Margaux!"

Napatingin si Gave kay Liam na tumawag kay Kate sa di kalayuan. Ngunit nakita niyang agad rin itong umalis nang tawagin ang dalaga. Sinundan niya ng tingin si Liam hanggang sa makarating malapit kay Andrea.

Napalingon ulit si Gave kay Kate at napansin niyang namutla ito kaya agad siyang tumakbo papalapit kay Kate.

"SI LIAM ZACKAREY MONTERO AT SI... "

Nakita niyang akmang hahalikan ni Liam si Andrea kaya agad niyang hinila ang braso ni Kate at niyakap niya ito patalikod kay Liam at Andrea.

"WHOAAHHHHH" sigaw ng crowd habang pinapanuod ang halikan ni Andrea at Liam.

"Asshole." nakasimangot na sabi ni Naomi habang pinapanuod ang paghahalikan ni Andrea at Liam.

"Sheytt! Papa Gave." kinikilig naman na sabi ni Aloha habang nakatingin kay Gave at Kate.

"Anong nangyari?" tanong ni Kate habang nakayakap pa din kay Gave.

Samantalang, humiwalay na sa pagkakahalik si Liam kay Andrea. Agad niya tiningnan si Kate ngunit ang nakita niya ay ang matalim na tingin ni Gave sa kanya habang nakayakap ito kay Kate.

**

Humiwalay na si Gave sa pagkakayakap niya at agad na hinila si Kate palayo sa crowd.

"Gave, ano ba? Anong nangyari? Bakit mo ba ko niyakap? Saan tayo pupunta?" dire-diretsong tanong ni Kate ngunit di ito pinapansin ni Gave.

"Gave, may class pa ko! Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Kate ngunit di pa din ito pinansin ni Gave.

Nang makarating na sila kotse. Pinagbuksan siya ni Gave ng pintuan.

"Hindi ako sasakay. Gave, may class pa ko. Kailangan kong pumasok." aalis na sana si Kate nang biglang...

"I'm not doing this for myself. I'm begging you to come with me." sabi ni Gave.

Living with my Step Brother Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon