ELEVEN - Guilty

815 34 4
                                    


Kate Margaux's POV . . . .

"Zac, Mahal kita. Pleaseee! Wag mo kong iiwan."

"Weh?"

Napatingin ako sa likod ko kung saan galing ang salitang 'yon.

I hugged him.

Grabe! Akala ko may nangyaring masama sa kanya.

Mamaya-maya pa ay nakaramdam ako ng ackwardness kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Bakit hindi ka na-aksidente?" tanong ko.

Geez! Ano ba naman klaseng tanong ko.

"Ayaw mo ngang iwan kita eh." sabi niya.

Shet! Ang ackward tuloy. Lintik talaga.
Inalis niya yung luha sa pisngi ko at ngumiti.

"Don't worry, I'm okay." sabi niya.

I hugged him again. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang siyang yakapin. Parang ang sarap kasi sa pakiramdam. He hugged me back.

"Your heartbeats still beat so fast. Wag ka ng mag-alala, okay lang ako."

"Hindi na naman ako nag-aalala eh. Ewan ko ba, kung bakit mabilis lang ang beat ng puso ko." sabi ko

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Teka! Ano ba kasing nangyari?" tanong ko.

"Habang nagda-drive ako. Na-realize ko na mali ako. Hindi ko pala kaya na hindi mag-alala sayo. Nagawa ko lang naman yung kanina kasi nagseselos at nag-aalala ako. Ipinark ko yung kotse sa tabihan para bumili ng chocolates para sayo. Ibibigay ko sana sayo tapos magso-sorry ako. Tapos yung kotse, nabangga nung truck. Buti na lang talaga at bumaba ako. Kung hindi dahil sayo, edi sana patay na ko."

I chuckled. "Parang essay na required 1000 words. Pero kung nabangga ka, kasalanan ko din." sabi ko.

"Don't ever blame yourself. It's not your fault." sabi niya.

Sumakay na kami sa kotse ko at siya yung nag-drive.

"Sabi naman nung driver handa daw siyang bumili ng kotse katulong nung company na pinagtra-trabahuhan niya kaya hindi na ko nagsampa ng kaso." sabi niya.

"Ah. Okay. Ako bahala kay Dad." sabi ko.

"No, ako na ang kakausap sa kanya." sabi niya.

"Speaking of, yung sinabi mo kanina. Bakit hindi tayo magkadugo? Diba anak ka ni Dad?" tanong ko.

"He's not my biological father. Sabi ni Mommy, nung na-buntis daw siya nung biological father ko tinakbuhan siya. 4 years old ako nang ma-meet niya ang Dad mo. They are not actually lovers. Kumbaga, mag-kabigan lang talaga sila. Sobrang bait kasi ng Dad mo kasi naa-awa daw siya sa aking lumaking walang ama kaya siya na yung naging Dad ko." sabi niya.

"Seryoso. Di ko yun alam." sabi ko.

"You know what, this past few days. I tried to avoid you and to fall inlove with Andrea kasi umaasa ako na baka mawala pero mas lumala." sabi niya.

"Oo, sweet mo nga eh. May pa-flowers flowers pa. Tapos pa-beb-beb ka pa. Pa-tiri-tirintas ng buhok." sabi ko sakanya.

"Now I know, kaya pala sobrang init din ng dugo mo sa akin. Kasi nagseselos ka."

"Gago! Hindi noh!"

"Yung flowers? Kay Mommy yun. Dumalaw ako sa kanya nung saturday." sabi niya.

"Shemss! Sorry. Akala ko kasi kay Andrea."

"Hindi ko talaga kayang mahalin si Andrea para ko na din siyang kapatid eh." sabi niya.

"Si Tristan din, hindi ko kayang mahalin."

Living with my Step Brother Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon