CHAPTER 10.4

2.6K 41 4
                                    

JADE POV

Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga sinabi sa akin ni Aaron, but at the same time ay hindi ko paring maiwasang hindi malungkot.

Napanaginipan ko si mommy at daddy kagabi

"Anak, okay lang ako. Masaya na ako dahil kapiling ko na ngayon ang daddy mo. Pero nalulungkot din dahil iniwan kita, kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan anak. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo" nakangiti at umiiyak na sabi ni mommy

"Anak... Jade... Long time. I miss you anak. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo, mahal na mahal kita yan ang tandaan mo. Wala man kami sa tabi mo, lagi naman kaming jan sa puso mo. Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan. Patuloy ang buhay anak-bahala na ang dyos na magparusa sa Jack na iyon" nakangiti ding sabi sa akin ni dad

Unti unti silang lumalayo kaya hinabol ko sila.

"Mom... Dad... " tawag ko sa kanila

"mahal na mahal ka namin anak" muli pa nilang sinabi at naglaho na ng tuluyan

At pagkagising ko ay nasa isa na akong kwarto. Ngayon lang sa akin nagpakita si mommy. Nakangiti sya, at maayos ang kalagayan. Pati rin si dad. Nakangiti. Alam ko naman na magkasama ni sila ni mommy at daddy sa heaven. At alam kong masaya sila.

"Mahal na mahal ko din kayo mommy and daddy" nakangiti pero umiiyak kong sabi. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. At inayos na ang sarili ko bago lumabas ng kwarto

At napansin kong nasa bahay ako nila Aaron.

--------

"nakangiti ka dyan? " tanong nya sa akin. Hinatid ako ni Aaron dito sa bahay namin at kitang kita ko kung gaano karaming sasakyan ang naka park sa harapan ng bahay namin

"Si Lola.. aaron, tiyak nag aalala na sila. Tara" nagmamadali kong sabi at lumabas na ng sasakyan

"T-teka... " alam kong kinakabahan si Aaron. Kaya nginitian ko sya

"Tama nga si tita... Mahina ka... Tss. Tss" sabi ko sa kanya at umiiling iling pa

"A-ano...? H-hindi aaahh" sabi nya at agad na lumapit sa akin "Tara na nga. Tss! " dugtong nya pa at hinawakan ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

"La" pagtawag ko Kay lola dahil ang dami nyang kinakausap na pulis

Agad namang napatingin sa akin sila Lola at maging sila Divina at Direk

"A... Apo ko... " agad na lumapit sa akin si Lola at niyakap ako

Tiningnan nya rin ang kabuuhan ko at niyakap ulet "San ka ba nagpunta? Bigla ka nalang nawala sa park kahapon. Pinag alala mo kami... Apo ko" nag aalalang sabi sa akin ni Lola

"S-sorry la. Nag isip isip lang po" sabi ko

"Oh, sino naman yang kasama mo? " Rinig kong sabi ni Divina kaya napahiwalay sa akin ng yakap si Lola at tiningnan na si Aaron

Lahat ng mata nakay Aaron "Good morning po. Ako si Aaron, kaibigan ni Jade" nakangiting sabi nya at nag bless Kay lola

"Kaawaan ka ng dyos apo." nakangiting sabi ni Lola at tumingin sa akin "Bago mong kaibigan apo? Bakit ngayon mo lang pinakilala sa akin? " tanong sa akin ni Lola

Tiningnan ko silang lahat. Si Direk na iba kung makatingin kay Aaron, si Divina na nakatingin lang sa amin. Lahat sila nagtatanong ang mga mata at hinihintay ang sasabihin ko. Napatingin ako kay Aaron at nginisian sya

"La. Hindi ko po sya kaibigan. Mangliligaw ko po sya." nakangiti kong sabi

"Ano!? " sigaw agad ni Direk

A/n: Annyeong. Salamat sa nagbigay ng love team na name for Aaron and Jade. Team Jaderon... Diba diba... Sino ang team Jaderon dyan? Haha... At ano naman po ang magandang love team name para kay Direk at Jade? And Direk and Divina? Salamat po sa magbibigay. At salamat dahil nagustuhan nyo ang story hahaha... Comment lang po kayo para naman mainspired akong mag isip hihi at mag ud agad agad. 😀

I Have Sex Disorder (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon