CHAPTER 12

2K 23 0
                                    

DIVINA POV

Naiinis ako! dahil ang aga aga ay ginulo kami ni Jade dito sa condo ng babe ko. For now. Well im proudly to say na nagkakamabutihan na kami ni Direk, sobrang lambing nya sakin at sobra din ang pag aalaga nya sakin. I know naman na hindi pa talaga sya nakaka moved on kay Jade pero alam kong isang araw ako naman ang mamahalin ni Direk, kaya kong maghintay.

Hindi narin naman ako nakakaramdam ng threat kay Jade dahil nakikita kong nakay Aaron na ang atensyon nya. Good for them.

"Hoy Divina, akala mo makakatakas ka na ah!" malakas na sigaw ni Jade sakin. Gusto nya kasing sumama ako sa lakad nila ni Geraldine,eh ayoko nga. Tinatamad ako

"Babe ayokong sumama" malambing kong sabi kay Direk at sumuksok sa leeg nya at inamoy ang mabango nyang amoy. Si Direk ang pinaglilihian ko. Hindi ko nga alam kung bakit naglilihi pa ako ngayon. At isa si Direk sa pinaglilihian ko.

"Best" pakiusap naman ni Direk kay Jade

"Sorry best, pero kailangan ko to. I also need her taste at hindi ko kayang i handle ng mag isa si Geraldine, i dont like her" maarteng sabi ni Jade

Tumingin sakin si Direk at nangungusap ang kanyang mata "Babe" mahinang tawag nya sakin

Napabuntong hininga ako at napasimangot

"Don't tell me Divina takot ka! Ikaw pala ang mahina eh! " narinig kong sabi ni Jade kaya agad akong napabangon

"Woah babe. Dahan dahan naman" agad na inalalayan ako ni Direk

Iyong bestfriend nya kasi eh. Never akong naging mahina! At ayokong sinasabihan ako ng mahina. Hindi rin ako takot, tinatamad lang ako.

"Fine, give me 30 mins" sabi ko at pumasok na ng cr ng padabog

-

-

-

-

"Ano ka ba naman Jade, hindi yan maganda. Dapat curly sa dulo. Pangit ang straight!" kanina pa kami dito nagbabangayan ni Jade. Eh keso daw gusto nya ng straight na hair para kay Geraldine dahil bagay daw ito sa kanya

Nandito nga kami ngayon sa parlor. At papaayusan ng buhok itong si Geraldine dahil napakakapal ng buhok. Ang pangit tingnan

"No, ako ang masusunod. Sige na po straight lang ang gagawin nyo sa kanya" matigas din na sabi ni Jade

Kanina pang walang nagpapatalo samin ni Jade. Kahit ako hindi ako magpapatalo! She said she needs my taste right. Pero hindi nya naman ako pinapakinggan!

"Ano ba talaga? Kanina pa kayo dyan hindi nagkakasundo! " naiinis na, na tanong ng bakla na mag aayos kay Geraldine

"Eh kung maghintay ka kaya! " naiinis na ding sabi ni Jade, tinapik ko nga ng malakas. "Aray! " masamang tingin na tumingin sya sakin

"Go na sa sinabi ko kanina. Its final. See yah later Geraldine! " agad kong sabi at hinila na palabas ng parlor si Jade bago pa sya makatutol.

"What do you think your doing? " nakataas kilay nyang sabi sakin

"Just doing your favor, diba sabi mo you need my taste! " naiinis ko ng sabi sa kanya

"Ah, ganun! " nakangisi nyang sabi at sya naman ang nanghila sakin papasok ng isang international boutique

"Good morning madam" agad na salubong samin ng mga sales lady.

"Yan, total ginusto mo narin. Sige karirin mo na. Ikaw ang maghanap ng mga dress ni Geraldine and bring it to me. OK? " nakangisi nyang sabi at tinulak ako ng mahina "Kaya Go... "

I Have Sex Disorder (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon