CHAPTER 28

1K 21 0
                                    

JADE POV

OK na ang lahat. Wala na si tito Jack maging si Jiro. Ligtas narin si Lola Marga at Mama Joyce. Nag propose ulet sa akin si Aaron na agad ko namang hindi tinanggihan. Handa akong magpakasal sa kanya ng paulet ulet. Talagang kinabahan ako ng makita ang video na kinuha ni Direk. Laking pasalamat ko dahil agad na dumating sila Brandon at ang tauhan ni Lola. Kung hindi.Baka mawala sa akin si Aaron. Humingi ng sorry sa amin si Divina-dahil muntik ng makuha sa akin si Aaron. Pati narin si Babyleen na mejo bumait na nga.

At ngayon nga. Nandito kaming lahat sa hospital dahil nanganak na si Divina. At baby girl ang kanyang first baby. Mahigit 3 months narin kasi ang nakalipas.

"Wow, ang ganda ng baby mo Divina" nandito kaming lahat. Tanggap na ni Divina na wala na silang pag asa ni Direk kaya nag paalam sya sa amin na aalis sya matapos nyang manganak. Isasama nya ang baby nya palayo

Si Direk ang ama ng baby ni Divina, hindi si Jiro. Kitang kita ko ang mga mata ni Direk sa bata, ang matangos nitong ilong at mapupula nitong labi.

"Sasabihin mo ba kay best Divina?" tanong ko. Ngumiti si Divina at umiling habang karga nya ang bata

"Pangpagulo nanaman ako/ kami ng anak ko. Kaya kong buhayin ang baby ko. Si baby Grace" nakangiti nyang sabi

"Basta ninang kami nyan ahh" sabi naman agad ni Nicole

Nagkatinginan kami ni Aaron. Masaya din kami at hinihintay din ang baby sa sinapupunan ko. Yes, buntis ako, 3 months na akong buntis. Bubuo na kami ng pamilya ng mhine ko.

"Excuse me" nagulat kaming lahat dahil biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Babyleen at Direk

"Binabalik ko na sya sayo Divina! Hindi ko gusto si Direk! At nakikita kong iba ang mahal nya! Kaya sayo na sya. Goodbye!" agad naman na sabi ni Babyleen at tinulak si Direk at umalis

Nagkatinginan kaming lahat. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Babyleen wait..." tawag agad ni Nicole sa kanya at hinabol sya

"Wait lang ahh" sabi naman ni Lily at sinundan si Nicole

Nagkatinginan naman kami ni Aaron at nagpaalam naring lumabas saglit lang.

Naglalakad lakad lang kami ng marinig namin ang sigaw nI Babyleen. Kaya agad namin itong sinundan

"Oo, gusto ko na sya! Sya ang ama nito ei. Pero hindi sya sweet! Iba rin ang gusto nya! Nakakasawa ng laging may kaagaw! Kaya hanggat maaga pa!" umiiyak na sabi ni Babyleen. Sobrang laki narin ang tyan ni Babyleen, at sabi samin ni Best ay kambal ito kaya ganyan nalang kung kalaki

"Babyleen" mahinang sabi ng dalawa at niyakap ito

"Nakakasawa ng maging kontrabida!" narinig naming sabi nya. Napatingin sya sa amin at ngumiti kaya ginantihan rin namin sya ng ngiti

Maya maya ay lumapit sya sa amin ni Aaron

"Sorry sa mga nagawa ko ah, sana mapatawad nyo ako" hingi nyang paumanhin sa amin. Niyakap ko si Babyleen

"Wala iyon, salamat at pinalaya mo si Direk" sabi ko sa kanya

"Wala yun" mahina nyang sabi

DIREK POV

Nakatayo lang ako dito. Ilang minuto na din akong nakatayo at hindi parin ako nagsasalita. Hindi parin kasi ako makapaniwala sa ginawa ni Babyleen! Talaga bang pinalaya na nya ako? Ginawa ko naman ang lahat para maging mabuti kay Babyleen, pero kasi pabago bago talaga ang mood nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong anak ko ang dinadala nya-kaya pinagtyatyagaan ko ang mood swing nya.

I Have Sex Disorder (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon