CHAPTER 29

1.1K 22 0
                                    

LILY POV

One year later ay Pasko na. Nanganak na si Babyleen ng triplets. Nagulat nga kami dahil triplets ito, dalawang baby boy at isang baby girl. Na sina Leeyanah Jane Doloiras, Bobby Jacob Doloiras at ang bunso na si Direk Joey Doloiras Jr. Magkasundo narin sina Divina at Babyleen at lagi din silang nagbibisita para sa mga bata. Maging kami din ng babe ko, at sila Jade at Aaron. October pinanganak ni Divina si Baby Grace samantalang July naman ang triplets. Mga ninong at ninang kami ng mga bata syempre. Samantalang si Jade naman ay October nanganak na si Baby Jaron Luke Anderson na ngayon ay 2 months palang

A/n: Jayron ang pronounciation nya hehe??

Nandito kaming lahat sa pinagawa naming bahay nG babe ko at dito narin naming naisipang mag celebrate ng pasko

"Merry christmass sa inyong lahat" nakangiti naming bati sa isat isa.

This past few months ang dami naming hinarap na problema pero hawak kamay namin iyong hinarap. Walang bumitaw. Nagkaroon man kami ng kanya kanyang pag iisip at iba ibang desisyon. May mga nagawa man mali sa bawat isa dahil sa pagmamahal ay sa huli ay nagkapatawadan naman at mas lumalim pa ang pagiging magkaibigan.

"May gusto lang akong itanong mga iho, mga iha. Lumalaki na ang mga bata-kailan nyo ba balak magpakasal?" biglang tanong naman ni Lola Marga.

Nakasandal sa akin si Nicole at nagngitian kami. Ngayon ay ineenjoy palang namin na magkasama kami. Mag boyfriend and girlfriend palang kami pero soon balak ko ng mag propose sa kanya. Mahal ko na si Nicole. Hindi ko alam kung kailan nagsimula basta one day narealize ko na araw araw gusto ko syang makasama at ayaw ko na syang mawala pa sa akin.

"Mommy...(Tingin kay Divina) Daddy...(tingin kay Direk) Kasal?" inosenteng tanong ni Grace.

"Yes baby Kasal which means we be together forever" sabi naman ni Divina sa kanyang anak

Kompleto kaming lahat dito. Nandito ang mga magulang ko na nahanap ko-at masaya sila ng makita ako at buhay ako. Ang parents din ni Nicole. Si Lola Marga, ang pamilya ni Divina at Direk, si Lola Marga at ang pamilya din ni Aaron. Maging sila Brandon ay nandito.

"When mommy?" tanong pa ni Grace

Nagkatinginan sila Direk at Divina.

"Soon baby" sabay naman nilang sabi at nagngitian.

Nang sumapit ang 12 am ay nandito na kami sa veranda at tumitingin ng mga magagandang fireworks sa labas. Kami nila Direk, Divina, Jade, Aaron, Babyleen at ng babe ko ang nandito at nanunuod ng fireworks.

"I guess maganda ang Triple wedding" biglang sambit naman ni Babyleen. Karga karga nya si Baby Leeyanah habang ang dalawa naman ay karga ng dalawang yaya

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Babyleen

"What? Maganda iyon diba? Huwag nyo na ngang patagalin" sabi pa nya

"Sis, triple?" tanong ko sa kanya

Agad naman syang umirap "Yah! Triple! Kayo ni Nicole, si Jade at Aaron, at Divina at Direk! Naku, patapos na ang kwentong ito! Kaya dalian nyo na!" pairap nyang sabi

"Pero best, mag bf-gf palang kami ni Lily" agad naman na sabi ni Nicole na syang sinang ayunan ko agad

Muli namang umirap si Babyleen

"Hoy Don! Mag propose ka na nga ngayon! Lagi mo naman yang dala na singsing, hindi ka pa nagpropropose jan!" sigaw agad ni Babyleen kaya natampal ko ang noo ko

Shit!

"Babyleen!" sabi ko agad

"Go ako sa sinabi ni Babyleen! Go na kasi Lily! Pinapatagal pa eh" sabat naman agad ni Divina

Namumula na ako sa hiya! Shete! Im not prepared!

"Lily, go" nakangiting sabi naman ni Jade

Tumingin ako kay Nicole at nakikita kong namumula din sya. Parehas lang kami. Sobra akong kinakabahan! Nanlalamig ang kamay ko at namamawis ang noo ko. Ewan ko, hindi ako handa! Pero bahala na.

"Babe" hinawakan ko ang kamay ni Nicole

Maybe, they right.

"Y-y-yes?" nauutal nyang tanong

"Uhhmmm.. You know im not good in this. And im not prepared for this. But, i think Babyleen is right. *sigh"

Ang lakas ng pintig puso ko

"I know na malakas kang babae, masipag. Iyong tipong kaya mo ang lahat. Sa lahat ng oras mula pa non, pinapakita mong kaya mo kaya hindi ako nangangamba na baka hindi mo kayanin. Dahil wala pang ano mang bagay na gusto mo na hindi mo nakukuha at natatagumpayan. Tulad ngayon, may nagawa ka man noon pero dahil don you make me realize na mahal pala kita, you make me realize that your the one for me. You make me fall for you and you did. At dahil don, hinding hindi na kita papakawalan pa Nicole my babe, mula ngayon, bukas at magpakailan pa man"

At lumuhod ako

"You have my heart now babe. Would you like to live with me forever?" tanong ko sa kanya habang nakaluhod habang hawak hawak ang kanyang kamay

GERALDINE POV (NICOLE)

Papatagalin ko pa ba ito? Ayan ang babe ko oh, nakaluhod at tinatanong ng pinakamagandang tanong sa buong mundo. Ang lalaking mamahalin ko hanggang sa huli kahit na anong mangyari. Mahal ko si Lily, noon palang.

Napatingin ako kela Jade at Aaron na masaya na-ginulo man namin ni Babyleen ang kanilang pagmamahalan ay pinakita nilang mahal talaga nila ang isat isa, maging si Jack ay nakisali din. Pero lumaban sila ng sabay at magkahawak kamay.

Sila Divina at Direk na sinubok din ng tadhana. Na nanjan si Jiro para guluhin din sila. May bumitaw man sa kanilang pagmamahalan hindi dahil hindi na nila mahal ang isat isa kundi dahil para sa ikabubuti ng lahat. Inakala nilang si Jiro ang ama ng anak ni Divina pero si Direk pala talaga

At si Babyleen na first love si Aaron na nagmahal, nagpalaya, naging kontrabida at bumait din sa huli. Si Direk ang ama ng triplets at nagpalaya sya dahil nakikita nyang iba ang mahal ni Direk. Tanggap na nya ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Pero nanjan naman ang triplets sa kanya na muling bibigay ng kulay sa kanyang mundo. Binibigyan sya ng dahilan para magpatuloy sa buhay.

At kami ni Lily. Si Jade man ang nakikita nya noon, pero hindi ako sumuko para mapansin nya ako. Nagsisi lang ako dahil hindi ako umamin sa kanya at ng inakala naming wala na sya ay sinisi ko si Jade. Pero ngayon. Okay na ang lahat. At magiging okay ang lahat. Bastat nandyan ang tiwala at pagmamahal para sa isat isa. Ano man ang dumating ay sabay nyong haharapin. Walang bibitaw, walang susuko.

Tinayo ko si Lily at ngumiti sa kanya. Hinaplos ko ang mukha nya.

"Mahal kita, alam mo yan. At handa akong sumama sayo kahit saan" nakangiti kong sabi sa kanya

Ngumiti naman sya sa narinig at sinuot ang singsing sa akin.

"I love you Nicole. Mahal kita" buong pagmamahal nyang sambit

"Mahal din kita Lily" sabi ko at niyakap nya ako ng mahigpit

"Ayon oh" biglang sambit ni Babyleen kaya nagtawanan kaming lahat

"Merry christmass guys" sambit ko sa kanila.

Pagpunta namin sa living room ay nagulat ako dahil nandon ang iba kong friends sa Paris.

"Nicole" masaya nilang sambit at lumapit sa akin at niyakap ako.

Sila si Angelica aT Kristan na matalik kong kaibigan nung sa Paris ako nag aral

Nakita kong parehas na natigilan si Babyleen at Kristan kaya napangiti ako. Hinila si Babyleen sa tabi ko

"Kristan meet my bestfriend Babyleen" nakangiti kong pagpapakilala sa kanila at kinuha ang tig isa nilang kamay at pina shake hands sila

Kumindat ako kay Babyleen ng makitang malalaki ang kanyang mga mata. Pasimple namang nag approved sign sa akin sila Divina at Jade na syang kinindatan ko lang

Hindi naman kasi pwedeng kami lang ang masaya. Dapat lahat kami. ??

A/n: ayan binigyan ko na ng partner si Babyleen para happy ending na talaga haha??. Last Chapters-coming soon, follow by the epilogue. 

I Have Sex Disorder (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon