Chapter 50: Drunk in Love

222 6 0
                                    

Chapter 50: Drunk in Love

Au's POV

"Au! Namiss kita!" Axia enveloped me in a bone-crushing hug as she giggles nonstop.

Pinagtitingan tuloy kami ngayon sa club na napili niyang puntahan. Hindi ko alam kung bakit siya nag-aya bigla gayong
ayaw naman niya na uminom ulit.

Ayaw na kasi niyang maulit pa iyong nangyari noong grad ball.
Hindi kasi talaga siya sanay uminom.

"Hindi naman masyadong obvious, Ax." Natatawa kong tugon habang binabaklas ang mga braso niya.

Naaasiwa kasi ako. Hindi ako sanay na ganito siya ka-touchy.

"Please don't let go." She whispered.

Agad ko namang na-gets ang sinasabi niya at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.
Then she kissed my cheek near my lips for a brief moment.

She grinned and tugged my hand.

I'm in trouble.

Naupo kami sa may VIP at may alak na agad doon.

"Whoa. Don't tell me magpapakalasing ka?" 

"Hindi 'no. Ikaw ang lalasingin ko. You need this." Nagsalin siya ng alak sa baso at iniabot sa akin.

"Bakit naman?" Tanong ko sabay lagok sa alak.

Mapait.

"Parang lovelife mo?" Humagikgik siya at sumimsim ng pineapple juice.

Sinabi ko ba iyon ng malakas?

"Oo. Pati iyan. Halatang problemado ka na naman." Sabi niya.

I nodded at her.

Wala naman akong dapat pang itago sa kanya. Alam naman niya ang lahat.
Alam niya ang estado ko. Ng puso ko.

"Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.

"Eto. Tanga pa rin. Naghihintay na ako naman ang mahalin." Nguimiti siya ng mapakla.

"Gago iyon. Humanap ka na lang nang iba." Advice ko sa kanya.

"Hindi ganoon kadali iyon. Gusto mo bang gayahin ko si Yani na humanap agad nang iba kasi gago ang mahal niya?" Pang-aasar niya.

Napangiti lamang ako.

"Chill lang ako. Mamahalin din ako nung gagong iyon." 

"Lucky guy." Sabi ko.

"Nope. Lucky me." Humagikgik ulit siya at uminom na ulit ako.

Nagpatuloy kami sa pagkkwentuhan habang umiinom ako ng vodka at siya naman ay mango juice naman ngayon.

"Alam mo Au, may chance ka pa naman kay Yani e. I mean, hindi pa sila kasal. Tsaka ikaw naman ang nauna. Claim your place.
Wala akong paki kahit perfect boyfriend pa si Jared. Hindi iyon totoo. Walang perpektong jowa."

Napatango ako.

"Crush ko yun pero alam kong hindi niya mapapasaya nang husto si Yani." Makahulugan niyang sabi.

Napaigtad ako.

"Paano mo naman nasabi? Ilang buwan kang wala sa bansa. Nakita mo ba iyong anniversary surprise ni Jared kay Yani sa facebook?" Tanong ko na naiirita.

Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin ako sa tagpong iyon. 

"Hindi ka lang gago, tanga ka pa. Wala yang hashtag relatioship goals yan. Nasa nararamdaman yan.
 Akala mo ba sapat na iyong nakakailig na effort ng lalaki sa babae? Magna ka pa man din. Dapat ipatanggal ka sa honors." Napapiling pa siya.

How to Lose Ms. CLINGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon