Chapter 33: Lights

569 21 6
                                    

Chapter 33: Lights

Three weeks later

Yani's POV

May taong magsisilbing liwanag mo sa dilim. Yung taong laging nariyan para damayan ka sa kahit na anong unos sa buhay mo.Hindi ka iiwan sa ere dahil mahal na mahal ka niya. Itinuring na isang pamilya.

At si Bea ang tinutukoy ko. Kahit ano pa man ang nangyari sa akin, masaya man o nakakalungkot, hindi siya nawalang parang bula.

Hindi kagaya nung ibang tao na itinuturing ka lang na kaibigan kapag may kailangan sa iyo o may mapapakinabangan sa iyo.

"At last, bakasyon na naman! Leche yung exam kay Sir B, 'no? Feeling ko bagsak ako dun." Reklamo ni Bea habang kumakain kami ng ice cream sa may tabi ng kalsada.

Hinihintay kasi namin na dumating si Jared. Bumili lang siya saglit ng hotdog sandwich dahil nagutom ang prinsesa niya. At ako iyon.

Dapat ay kaming dalawa na ang bibili pero nagpumilit siya na maiwan na lang kami ni Bea. Baka daw mapagod pa kami.

Ang sweet di ba?

"Hindi naman siguro. Basta alam mo yung mga formula okay ka na." She rolled her eyes at me as she pouted.

"Ayan tayo e. Cyborg ka kase kaya nasasabi mo yan, Rapunzel." Pang-aasar.

Magsimula kasi nung sinurprise ako ni Jared nung monthsary namin ay Rapunzel na ang peta name ko sa kanya.

"Come on. Cut the pet name. I'm not Rapunzel. Ikaw itong Rapunzel dahil nagpaiwan pa si Kean dito sa Manila samantalang may family gathering sila this Christmas break."

"Shut up. Ayaw niya lang talaga ng family gatherings. Naaalaska lang kasi siya doon. So, there's nothing special about his decision."

Krung-krung talaga ang isang ito.

"Fine." I said in a deadpan voice.

"Ikaw ang original na Rapunzel dahil nag-ayos pa ng ganoong gimik si Eli at ang sweet pa nung evening date niyo. Biruin mo, ibinili ka pa talaga niya ng dress? Shocks!" She shrieked in glee and my cheeks flushed from embarrassment.

Naging center of attraction na naman kasi kami.

Noong araw ding iyon ay pinagpyestahan na naman kami ng Tattle.

Wala ng bago.

"Eli's the perfect boyfriend. Shocks. Wala ba siyang kapintasan?" Bea said dreamily.

"Meron."

"He can't dance." She said and we both bursts into fits of laughter.

"In fairness, cute pa din siyang panuorin kahit na parehong left ang paa niya."

"Hindi naman halatang favorite mo si Eli."

"How can I not? God. Compared to Au-"

Pinandilatan ko siya ng mata.

"He-who-must-not-be-named e halata naman kung sino ang deserve mo at deserve ka. You really hit the freaking jackpot."

Napatango na lamang ako. Tama naman iyong sinabi niya. Sa relasyong ito, pareho kaming nag-eeffort ni Jared. At dahil doon ay pareho kaming masaya at walang inaalalang kung ano.

Para din kaming mag-best friend dahil napagsasabihan ko siya ng mga kung ano-anong problema at nakakagaan ng loob ang ganoon.

"Boo!" May biglang sumigaw sa may likuran namin at pareho kaming nagulat.

However, Bea was a lost cause.

She uttered profanities.

"Tanginang gagong unggoy." Hindi na niya na-filter pa.

How to Lose Ms. CLINGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon